025: Fright

462 19 0
                                    

025: Fright

---

I can't remember for how long or how many times Valence and I came on each other. All I can recall is that I passed out once he was satisfied. When I opened my eyes, only the white ceiling welcomed me. My whole body is aching. Not to mention my back and... womanhood. Where am I? I tried getting up. It's the clinic. I'm at the same bed I woke up in when I passed out in my first formal day here.

I climb off the bed. I realize I'm wearing a pair of clothes I don't remember owning. The dextrose sting so I removed it myself. The pain isn't comparable with what my whole body is screaming. My mind is going crazy. I want to get away from here as soon as possible. I don't want Valence finding me here.

So far nakakalakad pa naman ako. Walang ibang tao sa mala-ospital na clinic bukod sa paunti-unting nurses na nadadaanan ko. Wala na sana akong problema sa paglabas kaya lang sa pagkakataong ito nakilala ako ng isang babaeng nurse. Hinarang niya ako sa exit.

"Ms. Roberts, you can't go out yet. Mr. Valence strict orders." Bumaba ang tingin niya sa kanang ibabaw ng palad ko. "Your hand is even bleeding!" panic niya. Hinila niya ako sa direksyon pabalik sa kwarto ko.

"Ayoko!" hiniklat ko ang kamay ko. Nagmamadali akong lumabas ng exit. Muntik ko pa yatang mabasag ang glass door.

"Ms. Roberts!" sigaw ng nurse.

Hindi ko pinansin ang tawag niya. Tumakbo lang ako ng tumakbo sa ilalim ng madilim na kalangitan at nakangiting buwan. Sa ganitong mga pangyayari, iisang tao lang ang malalapitan ko. Si Rizza.

Habang parang baliw na naghahanap sa nag-iisang kaibigan, aalalahanin ko kung bakit nandito ako sa sitwasyon ito. Pinapunta ako ni Uncle at ni Auntie sa villa. Ibinigay ni Uncle sa'kin iyong makapal na portfolios at isang usb. Kahit sobrang excited akong mabasa ang nilalaman niyon, minabuti ko munang itabi iyon pansamantala. Gusto kong mabasa iyon kasama ang mga kapatid ko. Kinabukasan, gusto kong kumustahin ang progress ng paghahanap ni Valence sa pamilya ko. Hinanap ko siya sa classroom niya. Nang malamang wala siya doon, minabuti kong halughugin ang buong building pero humabol iyong isang classmate niya na natatandaan kong nakahuli sa amin ni Valence sa locker room. Hindi ko pa din pala alam ang pangalan niya hanggang ngayon. Tinulungan niya 'kong maghanap. Tapos nakita namin agad si Valence unang suhestiyon pa lang niya. Sinungitan siya ni Valence kaya umalis na agad siya after akong hilingin na maging date niya sa kasiyahan na darating, hindi pa man ako nakakasagot. Tapos galit na dinala ako ni Valence sa loob ng greenhouse -- sa gitna ng mga puno't-halaman ginawa niya ang nais niya.

Hindi ko naalintana ang nag-aalpasang mga butil ng luha na nanggagaling sa gilid ng mga mata ko. Napuno ng takot ang isip ko. Tama si Rizza, walang mabuti sa paghingi ng tulong taong lumaki sa sindikato. Ang lakas ng loob kong i-claim na magiging ayos ako. Pero ngayong naranasan ko na ang kayabaran ay hindi ko iyon maiwasang magalit sa sarili ko. Binalaan na ako ng kaibigan ko pero nanindigan ako sa sarili kong paniniwala. Para ko na ding binaliwala ang ibinahaging karanasan niya sa'kin.

Naninikip ang dibdib ko. Napahagulgol na lang ako sa isang tabi. Nagpapasalamat ako na nasa parte ako ng College of Medical Laboratory Building na hindi matao.

"Judy!"

Lumingon ako sa likod ko. Nabuhayan ako ng loob. "Rizza!" Isang MedTech student nga pala siya.

Tinakbo niya ako't niyakap. Nalaglag iyong medical kit niya pero mas inintindi niya ako. "Ano'ng nangyari sa'yo?" Hinimas-himas niya ko sa likod ng ulo para aluhin ako. "Wala ka kagabi sa kwarto mo. Nag-alala ako sa'yo. Ano ba ang nangyari?"

Lumipas na pala ang isang araw hindi ko man lang alam.

"Bago iyan tara sa muna sa loob." Pumasok kami sa bakanteng classroom. Doon kinuwento ko sa kaniya ang buong pangyayari sa pagitan ng mga hikbi. Hawak lang niya ang kamay ko para iparating na nandito siya para sa'kin. "Kumusta na'ng pakiramdam mo ngayon?" Nagpapasalamat ako na sa kabila ng kaparehong hindi magandang insidente sa mga buhay namin, sinuportahan niya 'ko.

"Ayoko na dito, Rizza. Tulungan mo ako. Gusto ko nang umalis sa isla na 'to."

"Ipaubaya mo na sa akin ang lahat. Ako'ng bahala sa'yo."

---

Lingid sa kaalaman ng dalawang dalagang nag-uusap sa loob ng bakanteng kwarto ay nasa labas lamang si Leo Alkippe, taimtim na nakikinig. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam sa kaibigan ni Rizza. Si Rizza lang ang kailangan niya. At hadlang si Judy dahil inaagaw nito ang atensyon ng babaeng mahal niya. At hindi sila makapag-isa na lalo niyang ikinaiinis.

Mabait naman si Judy. Inaanak ito ng ama niyang si Nicholaus kaya't hindi siya gagawa ng anumang hakbang na ikapapahamak nito. Hahayaan niyang makaalis ito ng isla. Kapag wala ito sa isla, kaniyang-kaniya na ang oras ni Rizza. Ilang taon siyang naghintay para sa dalaga, hindi na masakit ang maghintay pa ng kaunting oras.

Kahit na ipinagtabuyan siya ni Rizza ilang gabi na ang nakalilipas, hindi iyon sapat para itahimik niya ang kaniyang katawang lupa. Mapapasakaniya ang babaeng gusto niya.

"Dad? Dad, I need your help."

Sinilip ni Leo ang sitwasyon mula sa salamaing bintana na bahagyang nakabukas para makapakinig siya. May kausap sa cellphone si Rizza. Ang Dad nito gaya ng pagkakarinig niya.

"I need a yacht. My friend needs help..."

Umalis sa pagkakasandal sa puting dingding sa corridor si Leo. May meeting pa siyang dapat attend-an bilang Vasilias University Principal. Sa pag-alis niya, saka naman may pumalit na isang babae para sunod na makiusyoso sa dalawang nag-uusap sa loob ng kwarto. Lihim niyang inalam ang plano ng mga itong magpasundo sa isang yacht. At hindi lang iyon, nagpantig ang mga tainga nito nang marinig ang pangalan ng sikat na si Valence Ferrari.

Napuno ng paninibugho ang babae at nagplano din ng sariling hakbang.

---

VasiliasVampirMou

Belonged to the Mafia 18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon