Andaming estudyante dito sa auditorium. Anu kayang gagawin namin dito siguro may announcement lng. Nakatayo lang kami dito ni Karel nababagut na ako dito.
"Karel ano bang gagawin natin dito bakit nakatayo lang tayo?" tanong ko sakanya
"Wag ka ngang maingay diyan may announcement yung Dean sa paaralan nato siguro e welcome lang tayo non" sabi niya
"Welcome lang pala? Sana hindi nalng tayo pumunta dito" simangot na sabi ko
"Ayan na yung Dean, pupunta nayan sa stage" sabi niya
Nang tumingin ako sa stage nandun na nga yung sinasabi niyang Dean. Matanda na siya tignan at mukhang magpagka istrikto yung pagmumukha niya.
"Goodmorning all students" sabi nung Dean. Ang haba nang pinagsasabi niya hindi nlng ako nakikinig at itinuon ko nalang ang tingin sa mga estudyante siguro hindi nmn sila bully diba d tulad nung highschool ako binubully nila ako palagi kasi ang laki daw ng salamin ko, ano bang pake nila? mga tao talaga napaka judgemental. Sinasabihan nila akung nerd porkit may malaking salamin nerd agad hindi ba pwedeng malabo lang yung mata.
May ibang estudyante nga nakatingin sa akin hindi ko alam kung ako ba yung ngitian nila kaya ngumiti nlng ako. Nagtilian tuloy yung mga babaeng nangitian ko kaya kinalabit ko si Karel na todo smile sa likod ko anung nangyari sa babaeng to baka nasanibang ng masayahing espiritu.
"Huy anong ngiti ngiti mo diyan?" tanong ko sa kanya
"O to the M to the G ayesha nandito ang mga apat na gwapo sa univeraity na ito" sabi niya sabay tulak sakin para makita pa niya lalo yung pinagsasabi niyang mga gwapo daw hindi ko nalng siya pinansin at hindi ko din tinignan yung pinagsasabi niyang gwapo kaya kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bag at mag seselfie nlng ako dito ipapakita ko nalng ni mama to. Tinignan ko muna yung mga kuha kung litrato sa phone ko ang panget ko namn dito tignan. Nagtilian nanamn yung ibang estudyante at ang iba ay nag sisigaw.
"Ang gwapo nilang apat"
"Mas gwapo sa kanila si Nashan"
"Ang kyut ni Bern"
"Mas kyut si papa Zian ko"
"OMG ang hot talaga ni Sebastian"
Ano bayan ang ingay ingay bahala nga sila diyan basta ako mag seselfhfhhhfhfjf
"A--ray" sabi ko at hinimashimas yung likod ko, natumba kasi ako. Hindi ba sila tumingin sa dinadaanan nila, nasan ba yung phone ko tangina namn eh nahilog tuloy sa kakaselfie ko napamura tuloy ako.
Hinahanap ko yung phone ko dito gumagapang panga ako dito kasi ang mga estudyante subrang ingay mukhang nakakita ng hollywood tsk. Ayung yung phone ko buti nlng nakita kita. Kukunin ko na sana yung phone ko nang bigla itong tinapakan sa naka blue na sapatos at wala talaga siyang paki alam humanda ka talaga pagnagkaharap tayo. Lumakad lang yung naka blue na sapatos at yung ibang estudyante sapatos lng yung nakita ko sa kanya kasi nakatalikod siya sa akin kaya kinuha ko yung phone ko at binato sa ulo niya kaya ayun sapol.
Biglang tumahimik yung paligid nakakabinging katahimikan at lahat sila nakatingin sa akin hindi ko alam kung anung mangyayari kasi kinabahan ako kung makatingin kasi tung mga taong to mukhang nakakapatay pero hindi parin humarap sa akin yung lalaking nakatalikod at yung iba pa niyang kasama. Bigla nalng dumating si Karel sa aking tabi.
"Bakit mo yun ginawa" sabi niya sa akin at mukhang natatakot yung tinig niya. Wala akung paki alam sa mga taong nakatingin sa akin walang hiyang lalaking yan tinapakan pa nmn yung phone ko.
"Huy! Lalaki ka na ang buhok ay madaming tusok tusok na mukhang dahon ng pine apple yung buhok bakit mo tinapakan yung phone ko? Bulag ka ba?" sigaw ko sa kanya, hindi ko na talaga pinigilan yung galit ko binili panaman yan ni papa. Lumingon yung lalaki sa akin at wooaahh gwapo pala to pero yung mga tingin niya mukhang papatay na talaga siya pero hindi ako matatakot harapin ko siya kahit ganito ako.