Ang sakit isipin na hindi na virgin yung lips ko, nakaiinis talaga yung unggoy na yun.
Sabi pa namn ni papa na dapat yung first kiss ko ilaan ko daw sa prince charming ko.
Ang sarap niyang suntukin sa mukha, gusto ko talaga siyang bugbugin hanggang aa hindi na siya makilala.
Hindi ko alam yung nararamdaman ko nung naglapit na yung mga labi namin. Ang lambot ng labi niya pero wala akng paki alam basta galit ako sa kanya.
"Bakit ganyan yung tingin mo kang Seb?"tanong sa akin ni Nashan.
Nandito na kasi kami sa airport, hinihintay nalang namin si Ethan. Ang tagal naman niya parang kami ngang apat yung may flight kasi kami pa yung naauna dito kaysa sa kanya.
"Paki alam mo?"inis na sabi ko sa kanya.
"Ang sungit naman ni Ayesha, kaya pala gusto siya ni Sgshwiwjekwh"sabi ni Zian, hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi tinakpan agad ni Nashan.
Kaya pinanlakihan ko siya ng mata kaya ngumiti naman siya sa akin ng malawak.
Ang kulit nilang dalawa, palagi silang nag aaway. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao dito kasi ang lakas ng boses nila tapos tong si Seb parang wala lng siyang paki alam sa nangyari, naglalaro lng kasi siya sa phone niya.
"Akin na nga yan"inis na sabi ni Zian kay Nashan.
"Ayoko, ang sarap nito, saan mo ba to na bili?"parang bata si Nashan na kumakain ng piatos. Piatos lng pala yung inaawayan nila.
"Kaya hindi ka sinagot ni Kara dahil diyan sa pagka childish mo"sigaw ni Zian sa kanya kaya nagbago agad yung mood ni Nashan parang naiinis siya sa sinabi ni Zian.
Lumapit siya ni Zian at kinuwelyuhan parang magsusuntukan na sila dito, pinagtitinginan na nga sila ng mga tao.
Tinignan ko si Seb at sakto namang tuminging siya sa akin, sinenyasan ko siya para awatin yung dalawa pero yung unggoy wala lang siyang paki alam.
Ibinalik ko yung tingin ko sa dalawa, naghahabulan na pala sila dito sa airport, hindi ba sila nahihiya pinagtitinginan na nga sila ng tao dito.
"STOP"malakas na sigaw ni Seb.
Nagulat ako sa sigaw niya kaya yung mga tao tuloy sa kanya na tumitingin. Huminto na naman sila si Zian at Nashan sa paghahabulan at lumapit sa amin.
"Nandito na si Ethan"maikli niyang sabi.
Kaya tumingon kaming tatlo sa entrance at tama nga nandito na si Ethan, palapiy siy sa amin.
"Ang tagal mo bro, nagugutom na tuloy ako"pagrereklamo ni Nashan.
"Nagugutom?Eh inubos mo na nga yung pagkain ko"galit na sigaw ni Zian sa kanya kaya ngumit lang si Nashan sa kanya.
Tumingin sa akin si Ethan "Buti at sumama ka"masayang sabi niya.
"Tama na yan Ethan baka malate kapa"singit ni Seb sa amin.
"Mag ingat ka yong tatlo mga ugok"sabi ni Ethan sa kanila at iniisa isa niyang yinakap.
Lumapit si Ethan sa akin.
"Mag-ingat ka rin Ayesha. Huwag kang magpapatalo sa mga mang bubully sayo labanan mo pero alam kung wala nang mang bully sayo kasi gumanda ka na"nakangiti niyang sabi sa akin.
Yinakap niya ako at hinalikan sa noo, nabigla ako sa ginawa niya pero kinilig ako sa ginawa niya hindi ko lang pinahalata.
"Huy!Anu yan? Alis na"sabi ni Seb sa kanya. Ngumiti lng naman si Ethan sa kanya at tuluyang ng umalis.
"Uyyy kinikilig si Ayesha"sabi ni Nashan sa akin at tinusok tusok pa ako sa tagiliran.
"Tsk"sabi ni Seb at umalis.
"Nagalit ata" sabi ni Nashan sa akin.
"Ginalit mo kasi Ayesha, patay ka"pananakot sa akin ni Zian.
"Bakit naman siya magagalit sa akin?"inosente kung tanong sa kanila.
"Kasi nagseselos"bulong sa akin ni Zian at umalis sumunod naman si Nashan sa kanya.
Natulala ako sa pinagsasabi nila, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nila kaya sumunod nlng ako sa kanila.
Magpapahatid na lang ako kang Zian o di kaya kang Nashan baka kasi umuna na si Seb.
------------------------------------------------------
Author's NotePagpasensyahan niyo na po yung typo ko HEHEHHEHE tao lng nagkakamali.
Keraste