One week na ako dito sa tinatrabahuan ko. Pero hindi parin kaya ng ipon ko.
"Okay ka lang?"tanong ni Karel sa akin.
"Ang liit pa kasi ng ipon ko"
"Eh ano kaba, malamang one week ka pa dito"
"Baka kasi ipakulong na nila si papa"
"Tutulungan na lang kita"nakangiti niyang sab.
"Palagi mo nalang akng tinutulungan"nahihiya kung sabi.
"Ok lang yun"at hinampas ako sa braso.
Magkaparehas lang kasi kami ng schedule ng trabaho kaya hindi ako na bobored dito.
Marami ring bumibili dito sa coffee shop kasi masarap daw yung templa.
Sunday kasi ngayon kaya mamaya pang 4:30 yung out namin.
"Hi coffee girl"
"Hi din Zian" may pa cute cute pa.
Iba din tong kaibigan ko kumiringking din.
"Dito ka na rin nagtatrabo, ayesha?"baling ni Zian sa akin.
"Aahhh Oo"
"Buti naman at may kasama na si Karel, minsan kasi magpapasama siya sa akin kasi wala siyang kasama" sabi ni Zian sa akin.
Ano?palagi pala silang magkasamang dalawa.
Tinignan ko si Karel at namumula na yung pisngi niya. Iba talaga yung karisma ni Zian sa babaeng to.
"Huy! Karel, palagi pala ka yong magkasama nitong unggoy na to? Baka buntisin ka niya, wag ka nang sumama diyan kung di uupakan kita." banta ko sa kanya.
"Minsa lng naman"sagot niya.
Tinignan ko si Zian na natingin kang Karel.
"Huy!Zian, nililigawan mo ba tong kaibigan ko?"
"Yes"iksi niyang sabi.
"Ano?bakit mo siya niligawan? Kasi ano trip mo lang?"galit kong tanong sa kanya.
Siniko ako ni Karel "ano ba namn yang tanon na yan"
"No, I like her"simple niyang sabi. Nakita ko sa gilid ng mata ko na kinikilig si Karel sa sinabi nitong unggoy nato.
"Huy wag kang kikilig diyan kasi yung mga lalaki pasakit lng yan" sabi ko. Binaling ko si Zian "siguraduhin mo lang yang I like her i like her na yan kung di patay ka sa akin."at pinakita ko sa kanya yung kamao ko.
"You know what ayesha? Bagay kayo ni Seb" nakangising sabi ni Zian.
"Bagayin mo yang mukha mo. Pwede ba umalis kana, pareho lang kayu ng kaibigan mo nakakasira ng araw" inis kung sabi sa kanya.
"Ganyan ka ba sa mga costumers mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ka costumer dito kasi hindi ka naman bumili"
"Anong? Hindi?"
"Talaga naman wala ha"
"Meron siyang inorder Aye"singit ni Karel "Ito oh"at pinakita yung coffee.
Wala naman siyanf sinabi kanina dito na mag order siya. Tinignan ko lng siya, ngumisi siya sa akin at siya ka umalis.
"Yun ba yung manliligaw mo? Bastos naman yun, hindi man lang nag goodbye sayo" sabi ko sa kanya.
"Wag mo nang pansinin, ngayon lang siya hindi nag goodbye sa akin"
"Bahala ka nga diyan, basta kung saktan ka nung unggoy na yun, huwag kang lalapit sa akin kapag umiiyak"
"Grabe ka naman"
"Basta nagsabi lang ako ng totoo"
Tinignan ko yung oras 4:30 na pala, out na namin.
"Huy! Uwi na tayo, 4:30 na" sabi ko kang Karel.
"Teka lang"
Kahit kailan ang bagal talaga nitong babaeng to. Nagtaxi na lng kami pauwi, hindi kasi niya dala yung kotse niya kaya hindi niya ako nahatid.
"Andito na ako mama"
"Buti naman anak at dumating kana may naghihintay sayo dito" sabi ni mama sa akin.
Dumiritso ako sa sala at nakita ko yung taong naghihintay sa akin na nanood ng TV kasama si papa, feel at home talaga tong unggoy na to.
"Bakit ka andito?"tanong ko sa kanya.
Binaling niya ako ng tingin at ngitian kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Umupo ako sa tabi ni papa at nag mano.
"Gusto kasi kitang tulungan"
"Tulungan saan?"tanong ko.
"Di ba may utang kayong one million?" Tanong niya.
"Ano sayo kung meron?" Pabalik kung tanon sa kanya.
"Ano ka ba Ayesha" saway ni papa sa akin "ganyan mo ba tratuhin ang iyong bisita?" Napayuko na lang ako sa sinabi ni papa. Bumaling siya ng tingin kang Seb "Iho, ano ba talagang sadya mo dito" tanong niya.
"Gusto ko lang po sanang tumulong sa inyo"
"At anong klaseng tulong naman yan?" Taas kilay kung tanong.
"Aye"saway ni papa at pinanlakihan ako ng mata.
"Ito po" may inabot siya kay papa kaya hinablot ko agad yun. "One million na po yan".
"Maram-----
"Hindi namin kailangan ng tulong mo. Pwede ba umalis kana" pagtataboy ko sa kanya.
"Hindi mo ba kilala yang taong yan ayesha. Kung tatruhin mo siya akala mo aso" galit na sabi ni mama sa akin.
Pati ba naman siya kakampihan niya rin tong unggoy na to.
"Ma naman, kilala ko yan isa siyang taong pinaka mayabang at pina kaiinisan ko" at ang taong gusto ko.
"Maraming salamat dito, malaking tulong to" sabi ni papa.
"Naku iho, baka magalit sayo yung mga magulang mo" sabi ni mama
"Hindi po sa kanila yan, sa akin po yan galing."
"Baka hinoldap mo lang yan sa bangko" sabi ko.
"Ayesha" saway na man ni mama
"Mama naman" busangot kung sabi.
"Napakabuti mo talagang bata" sabi ni papa WTH.
"HAHAHHAHAHAHA Yan mabuti HAHAHAH-----aray" inis kung nilingon si mama. Hinampas niya kasi ako ng sandok.
Natawa tuloy si Seb kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Una na po ako" paalam niya at siya ka tumayo.
"Mukhang hindi namin to mapadali ang pagbayad iho"sabi ni papa.
"Okay lang po yan, makakabawi rin kayo" sabi niya at siya ka sumaludo.
"Ihatid mo muna siya sa labas Ayesha"sabi ni mama
"Ayoko nga" pagtatanggi ko.
"Gusto mo ba hampasin kita ng sandok diyan" kaya agad akng sumunod kang Seb.
Nandito na kami sa labas ng bahay.
"Bakit mo yun ginawa?"tanong ko sa kanya.
"Ang alin?" Tanong niya.
"Huwag ka na ngang magkunwari" inis kung sabi.
"Gusto lang kitang tulungan"
"Bakit nga?"
"KASI GUSTO KITA"malakas niyang sabi.
Natahimik ako sa sinabi niya. Tinignan niya ako at hinawakan ang dalawa kung braso.
"Ayesha"
"Pwede ba Seb, itigil mo na yang pagkagusto mo sa akin"at tumalikod na.
"Hindi ako titigil, patutunayan ko sayong gusto kita." Sigaw niya sa akin at siya tuluyang ng umalis.