Chapter 19

4 1 0
                                    

Alam kung late na ako sa una kung klase. Tanghali naman kasi ako nagising. Nagbabad na naman kasi yung utak ko sa halik ng unggoy na yun.

Pero wag na natin isipin yun baka ma stress lang ako.

Pagtapak na pagtapak ko sa entrance ng school nami nagulat ako sa nakita kung kawalan. Oo walang tao sa field.

Sobrang tahimik nung malawak na field papasok sa school ng Brent University.

Napatingin ako sa paligid. Sa kanan, sa kaliwa, sa likod at sa harap.

Napahawak ako sa strap ng backpack ko sa ka huminga ng malalim at napingiti ng malapad.

Kung wala lang si Manong Guard sa tabu ko ay paniguradong nagsasayaw na ako dito.

Isipin niyo wala yung mga fangirls ng apat ang saya talaga na hinid makita yung pagmumukha nila.

"Teka"biglang sabi ko sabay harap kang Manong Guard. "Kuya may pasok ba?".

Kataka taka talaga na walang tao sa field. Ngayon ko lang to na experience na naging desserted yung front  ng gate.

Madalas kasi, may maraming mag-aabang diyan na mga babae, inaabangan nila yung apat na unggoy.

"Meron"sagot ni Manong Guard saka ako binigyan ng masamang tingin. Ang sungit talaga niya sa akin.

Nag thank you na lang ako kang Manong Guard at nagsimula ng maglakad papasok sa school.

Tutal naman late na ako, ano pang silbi kung magmamadali ako sa pagpasok? Enjoyin ko nalang tong moment nato.

Pasipol sipol pa ako habang naglalakad sa field. Nilalanghap ko pang yung amoy ng mga puno saka damo eh. Ang sarap tuloy kumunta.

Bigla akong natigilan ng may naramdaman akng munting galaw sa paligid.

"Sino yan?"malaks na sigaw ko sa may field ng makarinig ako ulit ng panibagong kaluskos.

Sinimulan ko ulit maglakad habang palihim na nag-oobserva sa paligid.

Bigla nalang nagsilabasan yung mga babae na nagtatago sa halaman at puno dito sa likod ko.

"SUGURIN SIYA!!"

Kitang kita ko sa kinatatayuan ko yung pag-usok ng ilong ng mga babae saka yung panlilisik ng mga mata nila habang papalapit sa akin.

Wala sa loob ko na napatakbo palabas ng school dahil iyon na lang yung tanging lugar na alam kung walang mga babae na nag-aabang sa akin.

Pero nagkamali ako. Pati sa likod ko may mga babae na rin na tumatakbo palapit sa akin.

"ANU BANG KASALANAN KO?"malakas na sigaw ko na umalingaw ngaw sa field.

Kaya huminto sila sa paglapit sa akin. Tinaasan lang ako ng kilay.

Tinig ko yung babae na dahang dahang naglalakad palapit sa  akin, feeling beauty queen amp...

"Ang inosente talaga"sabi ni faye. Oo siya yung babae na lumalapit sa akin so, siya pala may pakana nito. How pathetic..

Hindi ko siya pinansin, baka hindi ko mapigilan yung sarili ko ma tadyakan ko pa siya. Tinignan ko lang siya sa mata habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita. Anu bang pinagsasabi nitong babaeng to.

"Alam mo, isa lang ang masasabi namin sayo. Isa kang malandi."pinagdidiinan talaga niya yung salitang malandi.

"Malandi?Sinong nilalandi ko?"inosente kung tanong sa kanya.

"Hindi mo alam? Sino paba? Edi ikaw. Nagpa plastic surgery ka pa talaga, para ano?para maakit mo yung apat na sikat dito sa university?"galit na sabi niya sa akin. "Kinuha mo na nga sa amin si Sebastian tapos ngayon si Ethan na naman. Ang landi mo talaga. Sinong isusunod mo si Zian? Si Nashan?"galit na sigaw niya sa akin.

"Wala, wala akng isusunod at lalong hindi ko inagaw sa inyo si Seb at yung tatlong unggoy na yun. Alam mo Faye, nahihiya yung ganda ko sa mukha mo. Hindi mo ba talaga matanggap na yung nerd mong classmate ay natalbugan yung ganda mo or baka yung mukha mo talaga yung plastic surgery"kaya mahinang tumuwa yong mga babae na kasama niya.

Inis niyang nilingon ito at tinignan ng masama kaya tumahimik naman yung mga babae at yumuko.

"Mas mabuting pang mag-aral ka ng mabuti para tumaas yang marka mo. Huwag mong ituon lahat yang atensyon mo sa mga iniidulo mo. At uulitin ko hindi ko hindi ko kinuha sayo yung apat at mas lalong hindi ko kinuha sayo si Sebastian na hindi namn sayo, kasalanan ko bang yung tadhana talaga yung gumawa ng paraan para magkalapit kami."ngisi kung sabi sa kanya "Ang obsess mo naman"at dahan dahang tumalikod sa kanila.

Gusto kung sumigaw ng malakas kasi nakatakas ako don. Wala akng paki alam kung ano man yung pinagsasabi ko kanina.

Hindi ko talaga matiis yung babaeng yun. Inaaksaya lang niya yung oras niya para diya sa iniidulo niya.

"HINDI PA TAYO TAPOS"malakas na sigaw ni Faye.

Hindi ko nalng siya pinansin at tuluyan ng naglakad papunta sa room ko.

"Ang galing mo"proud na sabi sa akin ni Karel.

Nandito kami kasi ngayon sa canteen. Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari kanina.

"Hindi mawala sa isip ko yung mukha niya sobrang nakakatawa. Galit na galit na talaga yung mukha niya parang gusto na nga niya akng kalbuhin don"natatawa kung sabi.

"Pero mag-ingat ka parin sa kanya. Hindi yan nagpapatalo si Faye"sabi niya sa akin.

"Lalo naman ako, hindi na talaga ako magpapatalo"proud kung sabi sa kanya.

"Yan yung gusto ko sayo, palaban ka"natatawa niyang sabi.

Iwan ko dito sa babaeng to, palagi na lang late. Kaya ayan laging nahuhuli sa chismis.


















The Bad Boy's NerdWhere stories live. Discover now