Ang sarap ng gising ko grabe nakatulog ako ng maayos. Ang sarap kasama ni Ethan sana magsama pa kami ulit. Ang cool ng basos niya at ang sarap paking gan. Liningon ko yung panyong ibinigay niya sa akin, kinuha ko ito at inamoy. Nandito parin yung bango niya hindi nawawala. Matapos kung inamoy ito ay pumasok na ako ng banyo para maligo.
Hanggang sa natapos akng maligo ay hindi parin na wala yung ngiti sa labi ko. Pinasok ko sa bag ang panyo ni Ethan, isusuli ko nlng ito sa kanya ngayong umaga kaya kailangan maaga akng makapunta sa school. Lumabas na ako ng kwarto para mag breakfast na.
"Good morning"masigla kung sabi kay mama, wala na si papa sa bahay siguro nandun na siya sa trabaho niya.
"Kumain ka na Aye"sabi ni mama at nilagyang yung pinggan ko ng kanin at bacon. Nagsabay kami sa hapagkainin, maingay lang kaming kumakain ni mama ng bigla siyang nagsalita "Samahan mo ako sa Saturday" sabi niya.
"Saan po ma"tanong ko sa kanya
"Magshoshoping tayo sa mall"nakingiting sabi niya. Sumimangot nmn ako, ayo kung magshoping siguro may ibanabalak to si mama sa akin kaya gusto niyang magshoping.
"Wag nlng tayong magshoping ma, dito nlng tayo sa bahay at iipun mo nlng yan"pagtatanggi ko sa kanyang sinabi.
"Wag kana ngang magreklamo"pinanlisikan niya ako sa mata kaya ngumiti ako sa kanya.
"Okay po"plastik kung ngisi sa kanya. Tinignan ko yung oras, 6:50 napala. Naku!baka hindi ko maabutan si Ethan kaya nagpaalam nlng ako ni mama at tumango nmn siya bilang sagot.
Nandito na ako sa school kaso lng hindi ko alam kung saan yung room nila baka mapunta ako sa highschool na building mahirap na pero ang sabi nila second floor yung room nila. Wala pa nmn si Karel magpapasama sana ako sa kanya ang tagal nmn ng babaeng noon palaging late. Ahh siguro magtanong tanong nlng ako.
"Manong guard"tawag ko ni kuyang guard. Siya nlng tanungin ko baka sakaling may alam siya kung saan yung room nila Ethan.
"Bakit?"striktong baling niya sa akin.
"Ahmm! Nakita niyo na po bah si Ethan na pumasok at siya ka saan po yung room niya?"nahiyang tanong ko sakanya.
"At bakit mo hinahanap si Ethan?Siguro may gusto ka sa kanya noh? Naku wag kanang mag assume kasi may Sydney na siya at hindi ka niya magugustuhan dahil diyan sa malaking salamin mo sa mata"sabi niya sa akin. Nai sulto ako sa pinagsasabi niya kapag hindi ko na mapigilan ang pinagsasabi niga papatulan ko na talaga siya.
"Ang harsh niyo nmn po, may ibibigay lng ako sa kanya"plastik kung ngisi sa kanya.
"Baka nandon na siya sa room nila pero kapag wala siya sa room nila siguradong nandun siya sa room, second floor lng yun"pagdadalawang isip niyang sinabi kaya dali dali akng tumakbo papunta doon. Nakarating na ako sa room nila pero wala nmng tao.
Kaya pumunta ako sa sinasabi ni Manong Guard na music room ng may narinig akng nagtugtug ng piano ay dahan dahan akng naglalakad papunta doon. Nakita ko si Ethan, siya pala yung nagplay ng piano makikita mo kasi siya dito sa labas kasi glass lng yung dingding sa music room. Pinagmasdan ko siya grabe feel na feel niya yung music ang cute talaga niya. Ang swerte nmn ng girlfriend niya siguro mahal na mahal niya yung girl kung ako yung babae hindi ko na siya pakakawalan.
Natapos na siyang magplay ng piano kaya pumalakpak ako ditong mag-isa para akng baliw dito palakpak ng palakpak pero hindi parin niya ako napansin siguro hindi niya narinig. Tinignan ko siya kung paano niya inayos yung piano niya ng biglang may humila sa akin papalayo doon.