"Ma, anidito na po ako" at binuksan yung pintuan.
"Mabuti nmn anak, magbihis kana dun para makakain na tayo ng dinner hintayin lng natin saglit yung papa mo" sabi ni mama na naghahanda ng pagkain.
Dumiritso nlng ako sa kwarto ko at nagbihis tapos dumiritso na sa kusina. Meron na pala si papa sa lamesa at kumakain na.
"Anak kumain kana dito" sabi ni papa at nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. Ang sweet talaga ni papa HEHEHHE.
Kumain nlng kaming tatlo pagkatapos ay hinugusan na ni mama ang pinggan at tumuloy nlng ako sa kwarto ko para makatulog. Ilang ulit akung pumikit pero bakit hindi pa ako makatulog, pambihira nman yung lalaking yun wala na tuloy akng phone, bibili nlng ako nang bago sa weekends.
K I N A B U K A S A N
Nandito na ako sa school, ang aga ko dito kasi si mama nag deliver ng mga pagkain sa custumer niya tapos si papa nagduty na kaya ang aga ko dito 6:30 palang andito nako ang boring tuloy wala pa kasi si Karel ang tagal nmn ng babaeng yun kaya hito ako at naka upo sa bench ng school namin ina antay siya.
"Huy nerd!" sabi nung babae, ako yung kinakausap niya at may kasama pa siyang isang babae siguro kaibigan niya to.
"Bakit bah?" tanong ko sa kanya, eh hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag.
"Bakit mo sinaktan si Sebastian siguro nagpapansin ka sa kanya no kaya binato mo siya ng phone" anu bang pinagsasabi nitong babaeng to, nagpapansin daw ako yuckk. Hindi ko nlng siya pinansin at nakatayo lang ako sa kanyang harapan nagpapatuloy lng siya sa kung anong pinagsasabi niya. "Huwag kang magpapansin sa kanya dahil hindi kana man mapapansin niya dahil diyan sa malaking salamin mo nerd. Ako lang dapat ang mapansin niya kasi mas bagay kami" pagpapatuloy niya.
"Edi magsama kayo, wala akng paki alam at hindi ako interesado kung nerd ako eh anu ka naman? Palaka?" sabi ko sa kanya at nakapamewang.
"Ayesha, bakit mo siya kinakausap?" si Karel, andito na pala siya.
"Huy, Karel pagsasabihan mo yang kaibigan mo na wag magpapansin kay Sebastian"sabi niya ni Karel. "At huwag mo akung tawaging palaka baduy ka" baling niya sa akin at umalis. Sino bayon grabe nmn yun kala mo kung sinong maganda.
"Sino ba yun Karel?" pagtatanong ko sa kanya
"Isa siya dito sa naghuhumaling umangkin kay Sebastian. Siya si Venus, may ama siyang prof dito kaya kinatatakutan rin siya sa paaralan na to" mahabang sabi niya. Kaklase ko pala yung Venus na yun.
Andito na kami ni Karel sa room namin at nag aantay sa proof namin. Nandito rin si Venus nagmamake up at yung kasama niya na ang pangalan ay Faye. Ang tagal nmn ng prof namin.
"Huy, Ayesha wag mung kalimutang yung birthday ko bukas ha siguraduhin mung may regalo ka sa akin" kalabit ni Karel sa akin, ay oo nga pala bukas na pala yun bibili nlng ako ng ingredients pagkatapos ng klase.
Dumating na yung prof namin pero wala akng naiintndihan sa kanyang pinagsasabi eh kasin namn tung si Karel ang daldal tungkol sa birthday celebration niya may party daw sa bahay niya at gusto niyang pumunta ako. Hanggang sa sumusunod na prof ang daldal pa rin niya kaya iniisip ko nlng kung paano ko gawin yung cake na ibibigay sa kanya.
Natapos na ang last subject namin at dumiritso na ako sa mall para bumili ng ingredients para sa cake. Pagkatapos kung kumuha ng mga ingredients ay bibili ako nan paborito kung marshmallow pero hindi ko maabot kaya nah tip toe ako pero hindi talaga kunti nlng sana. Inabot ko ulit yung marshmallow ng biglang may humablot nito. Tinignan ko yung humablot, nataranta ako hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Ako yung unang nakakuha ng marshmallow so, akin nlng to" sabi ni Sebastian. Kay liit talaga nang mundo.
"Ako kaya unang nandito kaya lang hindi ko maabot kaya akin nlng yan" sabi ko sa kanya at nag puppy eyes ehh bakit ko ba ginawa to kadiri bahala na para sa marshmellow. Isa nlng kasi yung natirang marshmellow.
"Edi uminum ka nang glucci" sagot nmm niya at aakmang alis pero bumaling ulit siya sa akin "Huwag kang mag puppy eyes hindi bagay sayo, nerd" tinap pa niya yung ulo ko bago umalis. Hindi nmm gentleman. Kaya wala akng magawa kung di ang umuwi nang bahay.