"May problema po ba?"tanong ko kang papa.
Palagi ko kasi siyang nakikitang tulala nitong mga nakaraang araw.
Ngayon lang ako naglakas ng loob para tanungin siya.
"Huy, pa"tawag ko sa kanya.
Tulala na namn kasi siya. Kinaway kaway ko yung kamay ko palapit sa mukha niya kaya natauhan siya.
"May kailangan ka anak?"tanong niya sa akin.
"Aahmm, bakit kayo palaging tulala?may problema po ba?"tanong ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa kwarto nila mama. Wala si mama ngayon kasi may binili siya sa mall.
Nakatayo lng ako dito sa harapan niya, nag-aabang kung anong isasagot niya pero parang wala siyang planong magsalita.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Pa, andito lang kami palagi ni mama sa tabi mo kaya kung ano mang problema mo siguro masolusyunan naman natin yan diba? Magtutulungan tayo"sabi ko sa kanya.
"Anu bang pinagsasabi mo diyan? Wala akng problema"at ngumiti ng peke.
"Huwag na nga kayong magsinungaling pati yung ngiti mo rin peke"sabi ko sa kanya.
"Wala talaga anak"pagtatanggi niya.
"Tungkol po ba ito sa trabaho niyo?"pagtatanong ko sa kanya.
Nakayuko lang siya at parang may iniisip.
"Mabuti pang mag-aral ka nalang dun sa kwarto at siya ka kakayanin ko naman kung baka sakaling may problema ako"sabi niya na hindi makatingin sa akin.
"Wag ka na ngang magkunwari na parang wala kang problema. Pamilya tayo dito diba? bakit hindi tayo magsabi kung anong problema"naluluha kung sabi.
"Wala talaga, pwede ba umalis ka na dito" pagtataboy niya sa akin.
"Pa, wag ka namang ganyan. Nagtatanong lang naman ako dito. Ang dali lng ng tanong ko, sagutin mo lang ng Oo at Hindi"at pinahid yung tumutulong luha ko.
"Umalis kana anak, please"taboy niya pa rin sa akin at itinutulak tulak ako papuntang pinto.
"Pa?Oo o Hindi?"sigaw na tanong ko sa kanya.
Kaya napahinto siya sa pagtulak sa akin at tinignan ako sa mata.
"Oo"malakas na sigaw niya sa akin. "Umalis kana"sabi niya sa akin.
"Ano pong problema?"tanong ko sa kanya.
"Oo at hindi lang naman yung kailangan mo diba?bakit nagtanong ka pa?"inis na tanong niya sa akin.
"Pa, ano po ba kasing nangyari?"naiiyak na talaga ako.
Ngayon lang nag gaganito si papa sa akin. Ngayon lang din siya nagtatago ng problema.
"Ma-y ni-nakaw k-asi ako"nauutal niyang sabi at may tumulong butil ng luha sa kanyang mata.
"Bakit niyo po ginawa yun?ano pong pumasok sa utak niyo"galit na tanong ko sa kanya.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko at yinakap yung binti ko.
"Patawarin mo ako anak, ginawa ko lang naman yun kasi gusto kong maging mayaman tayo kaya ninakaw ko yung pera sa tinatrabahuan ko" naiiyak niyang sabi.
Itinayo ko siya at hinarap "Pa, hindi mo naman talaga yun kailangang gawin kasi kontento na kami ni mama kung ano mang meron sa atin. Naiintidihan ko naman po kung bakit ginawa mo yun pero mali parin."sabi ko sa kanya.
Pinahid niya yung luha niya "patawarin mo talaga ako anak, ipangako ko sayo na gagawa ako ng paraan para hindi ako makulong, isusuli ko yung pera na kinuha ko"sabi niya sa akin.
"Wag kang mag-alala pa, tutulong din kita diyan. Magkano po ba yung pera na kailangan mong isuli?"tanong ko sa kanya.
"One million"mahinang sabi niya at napayuko.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ang laki ng ganoong halagang pera. Hindi ba siya nakonsensya.
"Anong one million?"nagulat kami ni papa sa nagsalita sa labas ng pinto.
Si mama pala nako lagot na.
![](https://img.wattpad.com/cover/224633423-288-k355235.jpg)