Nandito na ako ngayon sa labas ng starbucks.
Bakit walang tao?Siguro close sila pero wala namang sign na close sila o kaya na scam ako ni Ethan.
Sumilip ako sa pinto ng starbucks nagbabakasakaling may tao. May tao nga may mga crew pa nga.
Bubuksan ko na sana kaya lang may bumukas din galing sa loob kaya tinignan ko, yung crew lng pala.
"Tuloy kayo ma'am"sabi ng crew sa akin.
"Hindi ba kayo close?"tanong ko sakanya.
"Hindi po ma'am"sabi niya sakin at tumalikod na.
Kaya pumasok na ako sa loob. Linibot ko yung paningin ko sa loob ng may natanaw akng nag-iisang lalaki parang pamilyar siya sa akin.
Lumingon yung lalaki, si Ethan lang pala, kinawayan niya ako at sininyasang lumapit kaya lumapit ako sa kanya.
"Umupo ka"utos niya sa akin. "Kanina pa ako nag-aantay sayo dito"sabi niya.
"Naku! Pasensya kana talaga medyo traffic kasi"pagsisinungaling ko.
Nahihiya tuloy ako sa kanya, kanina na pala siya dito.
"Bakit walang tao?"tanong ko sa kanya.
"Binayaran ko" maikling sagot niya.
"ANO?"malakas na sigaw niya sakin.
Kay napatingin tuloy yung mga crew dito kaya nagpeace sign ako sa kanila. Tinignan ko si Ethan tumawa tawa lng siya.
"Ginawa mo yun?"mahinang sabi ko.
"Anong masama don? Ayaw ko kasing maraming tao." pagpapaliwanag niya. "Kumain kana" sabi niya.
"Wag na, busog pa kasi ako"pagtatanggi ko. "At siya ka ito pala yung panyo mo, Salamat ulit" inabot ko sa kanya yung panyo.
"Ako nga yung dapat magpasalamat sayo"mahinahon niyang sabi.
"Ha?parang baliktad ata"sabi ko sakanya.
"Kasi, ibinalik mo to. Importante kasi ito sa akin at sa taong nagbigay nito."nakangiti niyang sabi.
"Nasan na yung taong yun?"tanong ko sa kanya.
"Actually, kababata ko siya. Siya yung palaging nandiyan para sa akin, ipagtatanggol ako sa mga kaaway ko kahit babae siya, sinusuportahan niya ako sa ano mang bagay."nakangiti niyang sabi pero parang malungkot siya "Kaya lang iniwan niya ako, pumunta siya sa ibang bansa para doon matapos yung pag-aaral niya."malungkot niyang sabi.
"Gusto mo ba siya?" wala sa sariling tanong ko.
"Kahit sino namang lalaki, magkakagusto talaga sa kanya dahil sa pinaggagawa niya" sabi niya sa akin.
"Kung mahal mo siya dapat sundan mo, ipagtanggol mo rin yang karapatan mo" proud kung sabi ko sa kanya.
"Kumuha na nga ako ng ticket para sa flight ko mamayang gabi" at ipinakita sa akin yung ticket at yung passport niya.
"Ganyan talaga dapat, yan yung tunay na lalaki."sabi ko sa kanya at ngitian.
Bakit ang sakit sa dibdib, sa tuwing sinasabi ko yun sa kanya may kirot sa aking dibdib. Siguro dahil crush ko siya, naiingit ako sa babae.
Talagang mahal niya yung babae, ang swerte naman niya. Sana may lalaki ring katulad ni Ethan.
"Bakit tulala ka?"tanong niya sa akin.
"Aaahh wala namn"sabi ko sa kanya.
"Gusto kung sumama ka ngayong gabi sa airport" sabi niya sa akin.
"Ha?Naku, wag na"nahihiyang sabi ko.
"Sige ka magtatampo ako niyan"busangot niyang sabi.
"Sige na nga"sabi ko.
Bigla nlng niya akong niyakap ng mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niya kaya tinulak ko siya ng mahina.
"Ahhh Hehhe sorry, masaya lng ako na sasama ka sa paghatid sa akin don sa airport"kamot batok niyang sabi.
"Anong oras ba yung flight mo?"tanong ko sa kanya.
"Ngayong 8:30 at ipapasundo na lang kita ni Seb"ngisi niyang sabi.
"Ano? Bakit kang Sebastian pa? Ayokong magpapasundo sa kanya, magtataxi na lng ako" inis na sabi niya sa akin.
"Ang cute mo talaga at siya ka nagbago na yung pananamit mo at wala kana ring salamin, ngayon ko lang napansin."at itinuon niya yung paningin niya sa mukha ko, naiilang tuloy yung titig niya. "Kaya pala na gustuhan ka ni Seb kasi.... Hello?."
Hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi may tumawag sa phone niya.
Ano nga ulit ang sabi niya?nagustuhan daw ako ni Seb, naka drugs ba siya? Bakit na man ako magugustuhan ng unggoy na yun?.
"Tulala ka namn"at pinitik yung noo ko.
"Araaay ang sakit"pagrereklamo ko sa kanya.
"Siguro iniisip mo yung sinabi ko no?"nakangisi niyang sabi.
"Pinagsasabi mo diyan?"inis na sabi ko sa kanya.
"Tara na"aya niya sa akin.
Lumabas na kami sa starbucks at sumakay sa kotse niya. Ihahatid niya daw kasi ako para malaman niya kung saan ang bahay ko.
"Dito" ikling sabi ko sa kanya.
Ipinarada namn niya yung sasakyan niya sa gilid ng kalye.
"Salamat pala sa paghatid, una na ako"pagpapaalam ko sa kanya.
"Wag mong kalimutan ha" sabay kindat at tumango namn ako bilang sagot. At nagpatuloy na siya sa pag-alis.