Papasok na sana ako sa pinto ng cr kaya lang ang may mga tao. Akala ko panamn ako lng yung iihi.
Kaya ito pumila ako at ikatlo ako sa pila. Ang tagal naman nung nasa loob ng cubicle maiihi nako baka pumutok patong pantog ko dito.
At sa wakas natapos narin ko ako. Lumabas na ako kaya lang tumunog yung phone ko, kaya kinuha ko ito. May tumuwag pala, pero wala nmng nakatatak na pangalan.
"Hello!Sino to?"pagtatanong ko.
"This is Ethan" hala bakit alam niya yung number ko.
"Aaah!ikaw pala, bakit ka napatawag?at saan mo nakuha yung number ko?"pagtatanong ko sakanya.
"Sa kaibigan mo"maikli niyang sabi.
"Ganun ba?,bakit napatawag ka?"---ako
"Baka nakalimutan mo yung usapan natin"---siya
"Naku hindi, doon na nga ako pupunta"sabi ko sakanya, actually nakalimutan ko nga na maylakad pala kami.
"Ganun bah sige hintayin mo ako don, Byee"at pinatay yung tawag.
Naku lagot anung gagawin ko ngayon. Hayysstt anu ba tong pinasok ko. Sinabunutan ko yung sarili ko, mukha nga akng baliw dito.
"Tssk baliw" tinignan ko yung boses lalaki, si Seb lang pala.
"Bakit ka andito?"pagtatanong sa kanya.
"Ang tagal mo kasi kaya pinuntahan na kita dito baka kasi may nangyari sayo"sabi niya sakin, may concern pala siya sakin.
"Tara na" at hinila niya ako paalis don.
"Huy!teka yung braso ko"patuloy lang siya sa paghilala sakin, nakalabas na kami don sa restaurant pero hindi niya ako binaling. "SAAN BA TAYO PUPUNTA"sigaw ko sakanya.
Kaya napahinto kami sa paglalakad. Liningon niya ako kaya nayuko nlng ako.
"Sa Tom's World"proud niyang sabi.
"Tom's World?Nababaliw kana bah? Mga bata lng naglalaro don. Kalaki mong tao nagpupunta kapa don"sabi ko sakanya at saka natawa. Baliw ba siya?
Lumapit siya sakin at masama yung tingin.
"Kung ayaw mo don, doon tayo sa amusement park"at hinawakan yung kamay ko at tumakbo.
Binabawi ko nga yung kamay ko kaya lang ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Pinagtitinginan nga kami dito sa mga tao.
"Seb, bitaw na please. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."sabi ko sakanya.
"Wala akng paki alam sa kanila at siya ka na enjoy mo nga eh"nakangising sabi niya sakin at nagpapatuloy sa paglalakad.
Ang kapal talaga ng mukha nang unggoy nato. Hindi ba niya nararamdaman na naiilang ako sa paghawak hawak ng kamay niya sa akin.
Nung hinawakan nga niya yung kamay ko may bigla nlng palang kuryente hindi ko alam ehh wala namang nakasabit na wire sa mga kamay niya, siguro sa gulat ko lang yun.
Nagpapatuloy lng kami sa ganon na magkahawak ang kamay at naglalakad dito palabas ng mall.
Tinignan ko yung relo ko, naku! 1:14 na pala. Baka nandon na si Ethan sa starbucks.
"Teka lang Seb" sabi ko sakanya at huminto namin kami.
"Bakit na namn bah?"inis na sabi niya sakin.
"Nagtext kasi si mama sa akin sabi niya may pupuntahan daw kami sa hospital kasi yung tiyohin ko daw na hospital"pagsisinungaling ko sa kanya.
Sana pumayag siya, nadamay pa dito yung tiyohin ko. Patawarin niyo po ako uncle at nadamay kayo sa kasinungalingan ko.
"Sa susunod nlng tayo don pumunta sa amusement park tapos treat na lng kita, please"at nag puppy eyes pa ako sa kanya.
Nag-isip isip pa ang loko. Bakit ang tagal niyang magsalita, nasasayang yung oras at siya ka teka lang bakit ko ba hahayaan na siya ang magdedesisyon sa buhay ko hindi ko naman siya papa.
Kaya tumalikod na ako sa kanya, aakmang aalis na sana ako kaya lang hinawakan niya yung braso ko.
"Hindi pa kita pinapayagan, tapos aalis kana"inis na sabi niya sakin.
"Uuwi na ako, okay? Kasi diba, sasamahan ko pa si mama sa lakad niya at saka bakit hindi mo ako payagan? Sino ka ba ha? Tatay ba kita? Boyfriend ba kita?"galit na sabi ko sakanya.
Napayuko tuloy siya sa mga sinasabi ko, naawa tuloy ako sa kanya.
"Okay fine, then go" sabi niya sa akin at umalis na.
Gusto ko sana siyang sundan, para magsorry kasi naawa ako sa kanya. Pero hindi ko yun gagawin oi, sino ba siya sa buhay ko para magsorry ako, hindi nga siya nag sorry sa akin sa mga pinag gagawa niya.
Pero meron sa puso ko na sinasabing sundan ko siya pero yung isip ko nagmamatigas.
Bahala siya sa buhay niya, hindi ko naman siya boyfriend.