Nandito na ako ngayon sa isang coffee shop sa mall kung saan nagtatrabaho si Karel
Hindi ko alam kung bakit siya nag tatrabaho, mayaman naman sila.
Palapit na siya sa akin at tinanggal yung apron niya.
"Tapos kana bah?"tanong ko sa kanya.
"Oo"sagot niya at umupo sa kaharap kung bangko. "7:30am-4:30pm kasi yung work ko tuwing weekends. Tapos sa weekdays naman 5:50pm-9:30pm."sabi niya. Tumango lang ako sa sinabi niya.
"Bakit ka nag-aya sa aking mag mall?"tanong niya sa akin."Hindi ako nagyaya no"sabi ko sa kanya at inirapan.
"Sabi mo magkita tayo dito sa mall. Eh anong gagawin mo dito sa mall kung hindi ka magshoshoping?"taas kilay niyang tanong.
"Kaya nagpunta ako dito kasi gusto kung tulungan mo akng mag-apply dito sa tinatrabahuan mo"nahihiya kung sabi at yumuko.
"Saktong-sakto, ko lang kasi kami ng isa. Dalawa lang kasi kami dito kaya pwede ka dito"nakangiting sabi niya.
"Talaga?"d makapaniwalang tanong ko.
"Magsimula kana bukas"at hinila ako palabas don sa coffee shop
"Teka lang"sabi ko sa kanya kaya huminto naman kami sa paglalakad "hindi ba ako magpasa ng resume o bio data"tanong ko sa kanya.
"Hindi na kailangan"sabi niya
"Baka mapagalitan tayo sa may-ari"sabi ko sa kanya.
"Hindi magagalit si Tito"sabi niya.
"Ano?sa tito mo yun?"takang tanong ko at tumango naman siya bilang sagot. At hinila na naman ako.
"Kain mo na tayo"sabi niya. Tumango ako bilang sagot "saan mo gustong kumain? libre na lang kita"tanong niya sa akin.
"Ikaw nalang pumili kung saan tayo kakain total treat mo naman"nakangisi kung sabi.
"Sa jollibee nlang"sabi niya.
Si Karel yung nag order, inaantay ko siya dito sa table namin.
"Kain na"nakangiti niyang sabi at inilapag sa table yung inorder niya.
"Bakit nagtrabaho ka Karel?diba may sakit ka?"tanong ko sa kanya.
"Ang sigla ko na kaya at siya ka ang boring don sa bahay namin puro maids lng yung nandon"simangot niyang sabi.
"Kaya pala nagtatrabaho ka sa coffee shop ng tito mo kasi nabobored ka"sabi ko sa kanya.
"Hindi sa nabobored ako, gusto ko lang kasing ma experience na may inaabot kang perang pinaghirapan mo. Ayaw ko kasing umaasa sa kanilang pera. Gusto ko nga sanang mag independent kaya kang ayaw pumayag ni daddy."mataas niyang sabi.
"Baka hindi lang nila gusto na malayo ka sa kanila"sabi ko sa kanya.
"Ewan ko pero parang ang layo namin. Hindi nga kami palagi nagkikita sa bahay o nagkakasama tuwing kakainin because of damn business"inis niyang sabi.
"Yan ang hirap sa mga mayaman laging itinutuon yung atensyon nila sa business kaysa sa pamilya nila"sabi ko.
"Kaya nga hindi ganyan yung kinuha kung course kasi hindi ko gusto"sabi niya sabay subo ng pagkain.
Tinuloy na lang namin yung pagkain. Ang haba din pala ng conversation namin, natunaw na tuloy yung inorder niyan ice cream. Ang tahimik naming kuma kain dito.
"Bakit gusto mong pumasok don sa tinatrabahuan ko?"pambabasag niya sa katahimikan.
Napayuko lng ako sa katanungan niya. Nahihiya kasi ako kapas sinabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang, parang parehas lang tayo ng ideya"pagsisinungaling ko.
"Alam kung may problema ka, tutulungan naman kita kong may problema ka total kaibigan namn tayo. Ang magkaibigan laging magtutulungan"sabi niya sabay inom ng drinks.
"Family problems"mahina kung sabi.
"Anong klaseng problema?"tanong niya. May pagkachismosa talaga to.
"Eh kasi si papa, may utang siyang one milllion sa tinatrabahuan niya"nahihiya kung sabi.
"Ang laki naman yan, saan ba tayo hahanap ng ganoon kalaking pera"sabi niya at may pag-isip isip pang nalalaman.
Bilib talaga ako sa kanya, hindi niya ako hinusgahan tungkol sa papa ko.
"Problema namin to kaya labas ka na dito"sabi ko.
"Hindi pwede"pagmamatigas niyang sabi "Tutulungan kita kung saan ka makahanap na pwede mong mauutangan"seryoso niyang sabi.
Hinawakan ko yung kamay niya.
"Thank you talaga Karel, kasi nandyan ka palagi sa tabi ko. Ikaw na ata ang pinaka mabuting kaibigan sa buong mundo"sabi ko sa kanya at hinimas himas yung kamay niya.
"Nakakadiri ka, para kang tomboy diyan. May pa himas himas ka pa talaga"natatawa niyang sabi kaya napatawa na lang din ako.
Ang swerte ko kasi naging kaibigan ko siya. Kahit hindi kami mayaman ay kinaibigan niya pa rin ako.
Isa siya sa tao na espesyal sa akin buhay. Parang kapatid ko na yung turing ko sa kanya.