Chapter 25

2 0 0
                                    

"Bakit kayo tumahimik?"tanong ni mama sa amin "nanalo ka ba ng lotto mahal?"nakangiting baling ni mama kay papa.

Hindi sumagot si papa kay mama at nakayuko lng.

"Huy mahal wag ka nang mahiya diyan. Proud nga ako sayo kasi napakaswerte mong asawa para sa akin"sabi ni mama yinakap si papa.

"Ma"saway ko kay mama.

"Bakit anak? Dapat maging masaya kasi yayaman na tayo, nanalo yung papa mo ng lotto"nakangiting sabi ni mama at hinahalikan halikan si papa sa pisngi.

"Hindi ako nanalo ng lotto mahal"mahinang sabi ni papa.

"Hindi? Bakit nagbanggit kayong dalawa ng one million?"tanong ni mama sa amin.

"Kasi ano, ano kasi mahal"kinakabahang sabi ni papa

"Kasi ano?may ginawa ka naman na hindi ko alam?"tanong ni mama kay papa.

"May kasalanan kasi ako, kaya sana patawarin mo ako/niyo ako"naluluhang sabi ni papa.

Naluluha na rin ako, naawa ako ni papa.

"Anong kasalanan mo? Sabihin mo"sigaw ni mama.

"Nagnakaw kasi ako par---"

Hindi natapos yung sasabihin ni papa kasi isang malakas na sampal ang ibinigay niya.

"Ma"saway ko kay mama.

"Magkanong pera?"galit na tanong niya kay papa.

"One million"mahinang sabi niya na agad namang sinalubong ni mama ng sampal.

"Ma, tama na yan"saway ko kay mama at hinawakan yung kamay niya baka kasi sampalin pa niya si papa. Pumula na yung pisngi niya.

"Pumasok ka na don sa kwarto mo"baling ni mama sa akin.

"Ma, huwag niyo na pong sampalin si papa"paki usap ko kay mama.

"PASOK"sigaw ni mama sa akin.

Tinignan ko si papa na nakatingin sa akin at tinanguan niya ako.

Dali-dali akng pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama.

Umiyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko.

Gagawa na lang ako ng paraan para makatulong kang papa.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Karel.

"Hello" sabi ko.

"Bakit na patawag ka magandang binibini?"sabi niya sa kabilang linya.

"Huwag ka ngang mambola diyan"natatawa kung sabi.

"Totoo naman huh, bakit napatawag ka kasi?"tanong niya ulit.

"Pwede ba tayong magkita doon sa mall?"pakikiusap ko sa kanya.

"Walang problema yan, go lang ako."sabi niya sa kabilang linya.

"Ewan ko sayo"natataw kung sabi.

"Siguro naboring ka diyan sa bahay niyo kaya magpapasama ka sa akin don sa mall"sabi niya sa akin.

"Parang ganon na nga, pero may ihingi lang sana ako sayo ng tulong"sabi ko

"Bakit hindi mo nalng sabihin ngayon?"tanong niya sa akin.

"Huwag na lang, sasabihin ko naman sayo kapag nagkita na tayo don sa mall"sabi ko.

"Segi basta nandon kana mga 3 pm"sabi niya.

"Oo na"sabi ko

"Bye"

"G bye"at pinatay yung linya.

Matulog muna ako para makapagpahinga.

Ang lungkot ng umaga ko nakakawalang gana.






The Bad Boy's NerdWhere stories live. Discover now