Nakarating na kami dito sa parking lot ng mall.
Lumabas na siya at akoy nandito lng sa loob ng kotse. Ayaw kung lumabas kasi ang daming tao dito, nakakahiya.
Ibinaba ko yung window ng kotse niya at yung inis na mukha niya yung bumungad sa akin.
"Lumabas kana diyan, ayokong pinaghihintay"inis na sabi niya sa akin. Umiling lang ako bilang sagot. "Kung ayaw mong lumabas diyan, papasanin kit" pagbabanta niya sakin.
"Wag nlng tayo dito ang dami kasing tao" sabi ko sakanya.
"Dito ang gusto ko" at binuksan niya yung kotse. Kaya lumabas nlng ako.
Nag ikot ikot na kami dito sa mall. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ang sakit na ng paa ko. Nakasunod lng ako sa likod niya siguro pinagtitripan niya ako. Nakakainis na ang sakit na ng paa ko kakalakad dito.
"Saan ba tayo pupunta nito?"pagtatanong ko sa kanya.
"Malapit na"sabi niya sakin. Tinignan niya ako dito sa likod niya. "Bakit kaba nandiyan sa likod ko? Dito ka nga, tabi tayong maglalakad para kang buntot ko diyan sa likod" at hinila niya ako sa tabi niya.
"Ang sakit na ng paa ko, kakalakad nakakainis na"pagrereklamo ko sa kanya.
"Wag ka ngan maarte diyan, malapit na tayo at anu bang gusto mo papasanin kita"sabi niya na mayroong nakakalukong ngiti.
Umiling ako bilang sagot at umuna na sa paglalakad.
"Huy! Anu bah ibaba mo ko"sabi ko sakanya at hinampas hampas ko siya sa likod. Bigla nlng kasi niya akng pasanin na parang bigas.
Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
"Wag ka ngang malikot, baka mahulog ka"natatawang sabi niya sakin.
Nakarating kami dito sa mamahaling restaurant.
"Ang bigat mo"pagrereklamo niya. Inirapan ko lng siya at natatawa nmn yung unggoy.
"Ang cute mo talaga"at pinisil yung mukha ko tapos biglang umalis para maghanap ng table namin. Natulala lng ako dito ang sarap pakinggan ng salitang yun. Ang init ng pisngi ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.
Ang cute mo talaga
Ang cute mo talaga
Ang cute mo talaga
Ang cute mo talaga
Ang cute mo talaga
Ang cute mo talaga
Ang cute mo talaga
Sheyytt ano bang nangyari sakin. Bakit ganito yung nararamdaman ko, hindi pwede to. Tinignan ko Seb, nakatingin lang siya sakin at siniyasan niya akng palipitin sa kanya.
Nakahanap na kasi siya ng table namin kaya lumapit ako sa kanya. Umupo ako katapat sa bangko niya.
Hindi ko siya tinignan, nakayuko lng ako dito yung paningin ko nandito lang sa lamesa.
"Pumili kana ng makakain mo" sabi niya sakin at inabot yung menu sakin.
Tinignan ko lang yung menu na hawak parin niya. Tapos kinuha ko naman.
Tinignan ko yung laman ng menu pero wala akng ganang kumain kaya inabot ko nlng sa kanya yong menu.
"Ikaw nlng pumili"sabi ko sakanya.
"Tssskk"at hinablot yung menu na galing sa kamay ko.
May sinasabi siya sa waitress at tumango lng yung waitress at umalis na.
Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"B-a-kit?"nauutal kong tanong.
"Bakit ang tagal mung sumunod sakin dito kanina?"pagtatanong niya sakin.
"Pakialam mo?"pagtataray ko sakanya.
"Tinatanong kita ng maayos tapos tatarayan mo lang ako"inis na sabi niya sakin.
"Pakialam mo?"ulit ko sakanya.
Mukhang nainis na siya sakin kasi kapag tinatanong niya ako "PAKIALAM MO" lang yung isasagot ko sakanya.
Ang tagal naman nung inorder namin.
"Umayos ka nga sa mga sagot mo" sigaw niya sakin
"Pakialam morin?"sigaw ko ulit sakanya. Ang sarap niyang inisin ang cute niya tuloy.
Tumayo siya sa kinauupan niya at masamang tinignan ako. Galit na yung tingin niya kaya natakot tuloy ako lalapit na sana siya sakin kaya lang dumating na yung waitress.
"Ito na po yung order niyo Ma'am at Sir, enjoy your lunchdate" at sabay alis nung waitress.
"Kumain kana, para mawala yang init ng ulo mo" nakangising sabi ko sakanya.
"Pakialam mo?"nakangising sabi niya ra sakin. Abat gaya gaya siya ng linya.
Inirapan ko lang siya at nagsimula ng kumain. Ngumisi lng siya sa kin.
Natapos na akng kumain pero siya wala parin natapos ang bagal bagal kumain.
"Bilisan mo ngang kumain para makauwi natayo"pagrereklamo ko sakanya.
"Pakialam mo?"sagot niya sakin at sumubo ng pagkain.
"Aaahhhhh nakakainis kana, alam mo yun?"galit na sabi ko sakanya. Nanggigigil na talaga ako sa lalaking to.
"Tssskk" lang yung sagot niya at sumubo na naman. Nakakainis na talaga siya ang tagal na namin dito, mga tatlong oras na kami dito.
Tumayo ako sa kinauupuan ko kaya napatingin naman siya sakin na may pagtatanong na tingin.
"CR lng ako"pagpapaalam ko at umalis na.
Hindi ko nlng inantay yung sagot niya kasi alam ko na kung anong isasagot niya. Maiinis lng ako sa sagot niya.