Chapter 30

314 45 0
                                    

CASELINE

Pauwi na ako galing school, hindi ko na napansin kung naka uwi naba si Jaden or naiwan sa pa sa school, pupuntahan ko nalang bahay nila mamaya at titingnan kung andoon naba siya.
Sumakay na ako ng bus habang nasa bus ako hindi ko mapigilan isipin si Ensley, baka nga kasi hindi na maayos pa yung friendship namin.

Maya maya ay huminto na ang bus at bumaba na ako, nag lakad ako sa street namin, habang nag lalakad napansin kong may bagong tinatayong store na malapit lang sa bahay namin. May nakita akong isang matandang lalaki nilapitan ko ito at tinanong.

"Kuya? Ano po yang tinatayo na bagong store?." Tanong ko

"Ahh yan ba mag tatayo na MCDO dito"  sabi niya habang na ninigarilyo pa.

"Ahh wow, ayos naman pala sige po." Sabi ko sabay paalam

Ayos naman pala may MCDO na pwde na akong araw araw lumabas para kumain. Mga naiisip ko habang nag lalakad.

Pumasok na ako ng bahay nag palit ng damit at naisipan ko pumunta kayla Jaden.

Ding dong!

Dinoor bell ko ang bahay nila, maya maya pa ay bumukas na ang pinto.

"Oh iha, ikaw pala."  daddy niya

"Ah hello po Mr.Saber, magandang hapon." Pag bati ko sa kanya ng sobrang magalang.

"Nako, huwag na Mr.Saber tawagin mo nalang akong tito Eli ha?." Sabi niya

"Ahh okay po tito Eli."  Sabi ko

"Nga pala bakit ka napa dito? Pasok ka."  Sabi niya sa akin sabay papasok sa bahay nila.

"Tatanong ko lang po kung naka uwi na po ba si Jaden?" Sabi ko habang tumitingin tingin sa gilid na nag babaka sakali na andito siya.

"Oo andito siya iha, nasa taas puntahan mo nalang." Sabi ni tito Eli.

"Sige po salamat po." Sabi ko

Umakyat ako sa taas, nakita ko na hindi naka sirado ang pinto ng kwarto niya kaya naman pumasok ang ako dito. Nakita ko siyang naka talikod at naka harap sa may bintana, kaya naman nag dahan dahan ako, naisipan ko kasing gulatin siya.

Kaya nga lang nung maka rating na ako sa likod niya....

"Aha! Ayan pala pinag kakaabalahan mo ah!"  Sabi ko, nakita ko kasing tumitingin siya ng abs ng mga lalaki sa cellphone niya.

"Ahhhh!" Gulat na reaksyon niya, "leche ka naman Caseline saan ka galing? Bakit biglang andito kana?." Tanong niya

"Gulat ka noh? Hahaha! Edi sa pinto alangan naman sa bubong o hindi kaya sa may bintana." Sabi ko

"Whoo! Kinabahan ako sayo babae ka!" Sabi niya habang naka hawak sa may dib dib niya.

"Wushuu! Bakit ka kinabahan ha? Dahil ba diyan?" Malokong sabi ko habang tinuturo yung nasa cellphone niya.

"Hmm! Hindi noh!"  Sabay off at inalis niya ang cellphone niya.

"Nako! Kunwari kapa eh alam ko naman hahaha!"  Sabi ko

"Hoy! Gaga ka parang ikaw ah hindi kaba nag papantasya sa mga ganon."  Sabi niya

"Hoy gaga karin! Hindi noh pake ko sa mga abs abs nayan."  Sabi ko sabay taray sa kanya

"Edi wow! Kung sa whole life mo hindi ka tumingin sa abs ha?" Sabi niya.

"Hoy isang besess palang ak--" pinutol ko yung dapat na sasabihin ko.

"Isang besesss naaa?" Tanong niya.

"Isang beses palang akooo---uhmmm?" Sabi ko nadulas kasi ako.

"Na?"  Sabi niya.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon