Chapter 2- The Who?

13.6K 272 12
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan kaya naisipan kong magjogging muna. I wear my jogging pants and shoes sabay labas ng bahay. Tumakbo ako sa paborito kong lugar. Medyo malamig na ang ihip ng hangin kasi Ber months na.  Natatanaw ko na ang bangin nang may mapansin ako.

Bakit may bike dito? Kanino 'to?

Bigla akong kinabahan. Binilisan ko ang takbo at gulat nang makitang may tao.

"Who are you?" tanong ko habang dahan-dahang nilalapitan ang isang lalaking hindi pamilyar.

"Excuse me?" he asked back, without even looking at me.

"I don't repeat question twice." Nagkibit-balikat lang siya. Did he just snobbed me? "I'm asking you." Mahinahon ko sabi.

"Shhh. Will you just shut up? Look," Sabay turo sa araw.

Wow. The sun is starting to show up. It is indeed wonderful. Nawala saglit sa isip ko ang trespassing na lalaki na 'to and silently watching how the sun lights up the world. So relaxing and full of hope.

"I'm Riel by the way," he extended his hand offers me a hand shake. Nagitla naman ako.

"What are you doing here?" Hindi ko pinansin ang kamay niya. I looked at him and he's just a typical teenage guy with good looks.

"Is this yours?" he asked nakakunot pa ang noo.

"Yes." I simply answer like this place is really mine. I had it first.

"Can I see your title? Like the title of the lot." Naguluhan man sa pinagsasasabi niya ay sinubukan ko pa ring magpaliwanag.

"Look mister, this is my place and I have nothing to prove to you." I said. "Nauna ako dito years ago kaya with all due respect, I'm asking you to leave this place alone. Do you understand? I hope you do. You can now go." I-minuwestra ko pa ang daan paalis. Oo makapal ang mukha ko. Eh, ano naman?

He just smirked! "I'm sorry but I like this place and based on what I observed, " Luminga-linga pa siya. "You just claimed this place as yours because ikaw lang ang nagpupunta rito, am I right?" Wrong!!!

"Hindi naman siguro masamang makitambay dito? You look kind naman." He even patted my head.

Argh. Nakakaubos ng pasensya ang pagiging kalmado niya.

"Hindi pwede. Hindi porket nakita mo 'tong bangin, eh pwede ka nang pumasyal pasyal dito." Ang aga aga. Ayoko na talagang kumalma.

"Pagbibigyan kita ngayon ha? Pero pagbalik ko dapat wala ka na dito kundi itutulak kita." Banta ko. "Naniniwala akong naiintindihan mo ang sinabi ko. Sulitin mo na yan at umalis ka na." singhal ko. Bwisit.

Inis akong bumaba. Iniisip kung bakit sa dami ng lugar dito sa Villa, eh doon pa talaga siya napadpad. Malas.

Mabilis akong naligo para pumasok. Mabilis lang din naman lumipas ang maghapon ko. Wala namang ginawa masyado. Tinanaw ko ang relo. Mag-aalasingko na pala.

Bitbit ang bag ay tahimik akong lumabas ng room.

"Ada! Tara na," sigaw ni Mia. Oo nga pala may meeting pa.

"At bakit?"

"Anong bakit ha?" Pikong sagot niya. Ngumisi ako. May meeting pala kami ngayon. Sumama nalang ako sa kanya at pumasok sa maliit naoffice.

"Ito na pala yung captain ball, eh. Kumusta Ada?" tanong ni Shy. Binatukan ko lang siya. Naupo katabi ni Alynna na tulala sa gilid. Problema nito?

"Anong pag-uusapan?"

"Mabuti naman kami, Ada. Thanks for asking." sarkastikong sagot sa akin ni Shyla. Ito napaka-OA, eh halos palagi naman kaming nagkikita. Inambaan ko lang siya.

Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now