(A/N: Hi, may in-edit po akong some info sa part ng process ng lupa sa last chapter. Baka po kasi makalito. Haha! Thanks!)
---
Nanginginig kong binuksan ang cellphone. It was really me. Sa may flower farm, nakatalikod habang nakatanaw sa Mount Pulag. I swiped, walang passcode. I went to gallery to confirm that it's really his. I browse the camera roll. Sa kaniya nga 'to. May ilan ilang picture niya pero mas marami ang mga picture ng lugar. Different sunrises and sunsets in different places. I even saw some pictures of moon. I browse the other album and one caught my attention.
It was entitled enchanted. I opened it. Shit. Nanginig ang labi ko. It's our pictures.
Mga picture namin sa Bataan, sa Baguio, sa bangin. I can't stopped myself from crying especially when I saw some of my stolen pictures. Noong time na nasa hanging bridge kami habang nakatalikod ako at hawak niya ang kamay ko. Ang sunset sa boardwalk na kasama pala akong nakuhanan. Mayroon ding noong nasa bangin kami sa Bataan, noong nagsasagwan ako ng bangka sa Burnham park. Fuck I didn't know he captured all of these. And after so many years he still keep it.
But why? Why did he keep these? Hindi ko maintindihan. Gulong gulo yung isip ko kasi bakit? When we first met after nine years, I thought he forget about me. Ang lamig lamig niya na para bang hindi kami magkakilala. Kaya bakit may ganito pa siya sa cellphone niya?
Binalikan ko ng tingin ang mga litrato. Bumalik lahat sa akin. Yung pakiramdam na masaya lang kaming dalawa noon. Ang mga panahon na para kaming may sariling mundo. Lahat ng lugar na pinuntahan namin, mga bagay na ginawa namin. Hanggang sa pag-alis niya ng walang paalam. Lahat lahat 'yon naglalaro sa isip ko ngayon. Gulong gulo ako sa dami ng tanong na gusto kong masagot.
Pinatay ko ang cellphone. Pagod kong pinikit ang mata. Nagiisip ako kung paano ko isasauli sa kaniya ang cellphone niya. Kung paano ko tatanungin kung bakit mayroong pa siyang pictures naming dalawa. Hinayaan ko ang sarili na lamunin ng antok. Saka ko nalang iisipin.
Ilang araw na ang lumipas. Nakatambay ako sa opisina at hinihintay ang dalawa para sabay kaming umuwi. Tapos na ang shift ko. Ilang araw na ding nasa akin ang cellphone ni Riel. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung paano ko isasauli. Wala akong contact ng kahit sino sa pamilya niya. Parang mali naman kung si Kelly pa ang tatanungin ko. Saka hindi din sila nagagawi sa amin.
"Bro bakit mo naman ginanon si Dra. Pangilinan?" Pumasok ng opisina ang dalawa. Dane looks angry while Waze looks disappointed.
"Let her. She deserves that."
"Babae pa rin 'yon, Dane. Para ka namang bakla, eh."
"Hey what happened?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila.
"Eto kasi, Ada, eh. Parang napahiya tuloy si Qien kanina." Binalingan ko ng tingin si Dane. Ano na naman kayang problema nito kay Qien?
"Ano ba 'yon Dane?"
"She keeps on bugging me. Ayoko nga siyang kasabay, eh!"
"Eh dude, sira nga lang ang sasakyan niya."
"Eh, bakit hindi nalang ikaw ang maghatid?" Kinuha niya ang gamit pagkatapos ay lumabas. Nagulat kami sa akto niya. Ano bang problema ni Dano?
"Anong nangyari do'n?" Inakbayan ko nalang si Waze matapos kunin ang gamit niya at sabay kaming lumabas.
"Palamigin nalang muna natin ang ulo niya. Hayaan mo na." Tapik ko. Dumiretso kami sa kotse niya. Nang mapansin ko ang katabing pwesto ay wala na ang sasakyan ni Dano. Sabay kaming napabuntong hininga.
Inabutan kami ng traffic ngayon kaya inip na inip na ang kasama ko. "Bakit ba kasi bulok ang transportation system natin? Kung maayos lang sana 'to hindi na panay bili ng sasakyan ang mga tao. Wala sanang traffic!"
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Teen FictionIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...