Chapter 25- Waiting in vain

3.3K 153 17
                                    


Nanlulumo akong umuwi nang malamang wala pala si Riel sa bansa. 'Di bale, isang buwan lang naman. Kapag wala siyang pasalubong, humanda siya sa akin. Tsk.

Dahil wala akong magawa, nagcheck ako ng mga social media accounts ko. Buti pa sila Shyla may bakasyon galore kasama ang pamilya nila Jerome. Panigurado pulos reklamo na naman 'yon sa amin dahil malamang sa malamang puro bangayan ang dalawa. Nakita kong may dm ako sa IG. Kinabahan ako baka si Riel na 'to. Dali dali kong tiningnan ang message. To my disappointment, it wasn't him.

AriesdelRama_

Aries: Hi, Daffelle.

Si Aries? Bakit? I replied to him.

Ada: Hey.

Aries: Catch up? Tayo nila Pao. They're with me rn.

Ada: Sure. When?

Aries: Tomorrow? Are u free?

Ada: Call. Sa mall ba?

Aries: Yup. 1pm

Ada: Okay, see you!

---

12:30 pm

I was waiting for a taxi. Inaagahan ko na baka mauna pa sila nakakahiya naman. Though I'm a bit shy, masaya naman akong makakasama ko ulit ang junior friends ko. Ngayon ko lang napansin wala pala akong girl friend during highschool.

I arrived at the mall exactly 1 pm. Nagopen ako ng IG to dm Aries if where are we going to meet. He replied starbucks. So, I went straight to Starbucks.

"Daffelle, here!" Sigaw ni Paolo. Kumpleto na sila doon.

"Sorry, am I late?"

"Just on time, Daf. I ordered already if that's okay with you. Jave chip and cinnamon roll right?" Nakangiti lang akong tumango bago naupo.

"Kamusta na?" Panimula ko. Tahimik lang si Lucas at si Peter.

"Okay lang naman kami. Ikaw? 'Musta ba sa school?" Sagot ni Paolo.

"Ayos lang naman. Gano'n pa din." Tumawa pa 'ko.

"Do you have friends?" Hindi ko inaasahang itatanong sa akin 'yon ni Lucas. He was the most quiet one sa circle namin.

"Yeah. 'Yong mga team mates ko." I know na aware sila sa nangyari way back. "Come on guys, that's all in the past. Can you loosen up?" Para silang timang.

"Si Lucas kasi, eh!" Nagsisihan pa nga. Inirapan lang naman sila ni Lucas. Our orders arrived.

"Kanino ako magbabayad?" Tanong ko habang kinakalkal ang wallet sa bag.

"No, Daf. It's on us. Kami naman nagyaya."

"Eh?"

"Treat na namin 'to dahil pinapakopya mo kami noong junior high." Nagtawanan kami sa sinabi ni Peter. Totoong pinapakopya ko sila pero assignments lang 'yon since varsity player kasi sila. Pero kapag mga exams, I did my best to teach them their missed lessons.

"Nga pala we hanged up with Kyle last Christmas. Umuwi siya." Pag-amin ni Aries. Wala naman na sa akin 'yon ewan ko kung bakit pinapaalam pa nila.

"Really? He was with Kelly. Sabay silang umuwi."

"You met them?"

"Yeah." Tiningnan nila ako na para bang mali 'yong ginawa ko. "Come on guys ano ba? Kanina pa kayo! Haha! I told you it's fine. Ang tagal na no'n." I appreciate their concerns. Nakita nila akong nahirapan na mag-adjust noon kaya hindi sila nagdalawang isip na isama ako sa circle nila. I'm very thankful with them.

Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now