DECEMBER
It's nearly Christmas vacation. Second week ng December ngayon. Kayayari lang ng midterm namin. Konti nalang at makakagraduate na din kami ng Senior High.
Wala na kaming ginagawa ngayon but since magpapasko, gaganapin na ang outreach program na taon taong isinasagawa ng school. Ang napiling beneficiaries ngayon ay ang mga mamamayan sa isang remote area dito sa Villa Priscilla. Mga seniors ang nagfafacilitate nito. Dahil grade 12 ako, isa ako sa facilitator.
Nagaayos kami ngayon ng mga ipapamigay sa mga bata. Mostly mga notebooks and pencils. May mga pagkain din para sa kanila and syempre mga relief goods naman sa bawat pamilya. Magcoconduct din ang principal ng short seminars regarding sa tamang paghahandle ng money ata or family planning. I'm not really sure. Mayroon ding mga games para hindi sila mainip.
We manage to provide all of these dahil na rin sa tulong ng munisipyo at iba pang mga kilalang mayayamang negosyante sa lalawigan. Ang SCA ay nagsasagawa din ng ganito ngunit hindi magkasabay dahil alam niyo na. Hahahaha
"Ada, yow!" Sigaw ni Ali. Nakita kong papasok siya ng gym. Dito kasi namin inaayos ang mga ipapamigay. Bukas naman ang Christmas outreach program.
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko. Ala una na kasi ng tanghali. Usapa'y maaga dapat ang lahat para mapabilis ang trabaho.
"Masakit tiyan ko kanina eh." Balewalang sagot ni Jerome. Sinungaling.
"Medyo masama din pakiramdam ko." May kasama pang pekeng ubo. Bakit hindi nag-artista tong mga ito?
"Liars." Irap ko sakanila.
Sabay silang lumapit sa akin at nagkunwaring nag-aayos din ng mga supot.
"Oy hindi ah. Eh kasi naman."
"Kasi ano?"
"Nakakatamad naman kasi Ada." Nguso pa ni Jerome.
"Edi sabihin niyo sa Principal. Ms. Cortez!!!" Pagtawag ko principal ng school. Masyadong hands on ang principal namin dito kaya present siya lagi sa mga behind the scenes ng lahat ng events.
"Oy tanga Ada." Ammmppp. Tinakpan nila ang bibig ko pati ang mukha ko. Inipit pa ko ni Ali sa kilikili niya. Gross pweeee!
"Aray tangina nyo ah." Pagpumiglas ko. Ang sakit mga hayop.
"Ililibre ka namin sa Duhat!" Panguuto ni Ali. Tumaas ang kilay ko. Higher.
"Fine! Sa Triple Cheez." I show them my evil smile. Ayos
"Call."
Binatukan agad ni Jerome si Ali
"Fuck you ka." May 'you' na may 'ka' pa, ah. Redundancy at its finest. "Hati tayo ah. Bakit kasi nagchat ka pa sa akin eh!?"
"Aba tinanong ko lang kung papasok ka. Ba't kasalanan ko ba yon!?" Napakamot nalang ako ng noo. Ano ba 'tong mga kasama ko elementary?
"Shut up you two. Kilos kilos din. Notebooks and this one. Then ang blue na supot, goods ang laman niyan." Turo ko sa kanila ng mga gagawin.
Maya maya pa ay dumating ang magbestfriend, nagaaway.
"Gago ka sabi mo half day. Bwisit." Reklamo ni Misha.
"Malay ko bang papagalitan tayo ha!?" Mariing bulong ni Jioh para hindi marinig.
"Hoy lovebirds tara na dito, maupo na kayo. Isupot niyo na 'to." Pagaasar ni Ali.
"Ulol/tanga." Mura ng dalawa. Napabuntong hininga nalang ako.
Nagpatuloy kaming apat sa ginagawa. Si Mess ay nakita kong kasama ang mga SSC dahil member din siya nito. Si Shy at Mia naman kasama ng mga kaklase nila. Si Aly naman, ewan ko. Baka hindi pumasok dahil wala dito sa gym. Tamad ang isang yon.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Teen FictionIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...