Championship na. Naalala ko ang deal namin ni Daddy. Kailangan namin manalo. Masaya kong tumakbo sa locker room para magpalit.
"Saya mo na naman Ada, ah." Bati ni Aly.
"Mukha nakipagdate ka na naman. Hahaha" What?
"Sinong nagsabi sa'yong nakikipagdate ako ha?" Tanong ko kay Shyla.
"Oy nakita ka ni Misha. Umangkas ka daw sa bike ng pogi sa SCA noong nakaraan." Paliwanag ni Mess kasabay ng malisyosong tingin.
"Tsk. Kaibigan ko 'yon, eh. Bakit?" Dali daling lumapit si Miana sa tabi ko.
"Totoo? Gago ang gwapo no'n ah. Paano?" Aba bawal ba ko magkaroon ng kaibigan gwapo?
"Sikreto." Ngiti ko. Inis naman niya kong tiningnan. Hahaha
"Tara na kilos na aba. Babagal bagal pa, eh." Sabi ko.
Sabay sabay kaming pumasok sa gym. Kinabahan ako bigla. Wew.
"Pray na tara." Sabi ni coach. Taimtim kaming nagdasal. Lord, give me this one. Thank You.
Huminga ako nang malalim ng humudyat na ng simula. Kanya kanyang pwesto na. This is it. Nagsimula ang laro. Kabadong kabado kaming lahat but we tried to do our best.
---
Ang hirap dahil ang galing ng kalaban. But, ngiting tagumpay. We won! Aaaahhhh.
"Fuck ang lupet mo talaga Artemis. Ibang klase MVP 'to!!!" Sigaw ni Misha. Totoo. Halimaw si Mess sa court. Bawat bato ng bola sa kanya lahat kuha.
"Tanga hahahahaha congrats team. Ang gagaling natin." Humble lang po cap?
"Inspired kasi kayo, eh 'no? Kaya ang lulupit ng mga palo niyo." Sinasabi ni Aly?
"Pinagsasabi nito?"
"Arat kain." Aya ko.
"Oy aminin ang highlights ng laro kanina ay si Ada. Tangina kala ko tataob ang kabila sa lakas ng mga palo. Ba't ganon?" Takang tanong niya. Kailangan nating manalo tanga.
"Syempre para manalo."
"Eh kahit na ang lakas pa din. Grabe rinig na rinig lagi ang palo mo sa loob ng court. Gigil na gigil. Hahahahahaha" hindi na ko sumagot. Hahahah OA lang yan.
Pagkatapos kumain ay naghintay lang kami sa cafeteria. Nagkukwentuhan kami nang,
"Hi." Tiningnan namin ang nagsalita
"Oy Dane pre, anong atin?" Tanong ni Jioh. Ito 'yong soccer player.
"Ah, wala naman. Hahaha binati ko lang si Ada." Ako?
"Bakit?"
"Magkakilala kayo?"
"Ah eh kasi-" nagaalangang sagot niya.
"Nagkakilala lang kami kahapon sa lababo." Paliwanag ko.
"Sa lababo talaga?"
"Upo ka muna pre. Wala ba kayong laro?" Umiling lang 'yong isa.
"Panalo na?" Tumango naman ng nakangiti.
Tiningnan niya ko. Tumango naman ako sa kaniya.
"Dane nga pala, Ada. Nakalimutan kong magpakilala kahapon." Sabay kamot ng batok at lahad ng isang kamay.
"Ada." Pagtanggap ko sa kamay niya.
"Ada Engkantada!!!" Ay shit.
"Uy ayon 'yong inangkasan niyan." Turo pa sakin ni Misha. Napatanga naman ang mga tao sa cafeteria. Ikaw ba naman sumigaw eh, di ka magulat.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Teen FictionIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...