Chapter 18- of Kdramas, late night calls and Valentine's date

3.6K 176 29
                                    


"Oo nga Ada, partner kami." Kinikilig na sabi ni Shy.

"Asa namang patulan ka no'n Shyla. Porket hindi ka na natatawag na Denden, ang arte mo na ha?" Hindi nagdalawang isip si Shy na sugurin ang nagsalita.

"Nagsalita ka ha! Kala mo ang ganda ng pangalan mong leche ka!" Napangiwi nalang kami sa sigaw niya. Dean Shyla  ang real name niya kaya naging Denden.

"Ay oo talaga. Aray!-" Sakit ata ng hampas ni Shy. "Jerome Kin, oh parang koreano!"

"Ulol mo Andrada. Ang baduy baduy!" Kung hindi si Ali, si Jerome naman ang pasaway. Tsk

Napaisip naman ako sa sinabi nila. Game naman siguro si Riel do'n. Para na rin may partner ako. Atleast hindi ako mabobored at makikinig lang ako sa endless stories niya na maraming segue.

When we decided to go home, naisip kong maglakad. Palagi akong inaalok ni Ali sumabay dahil madadaanan niya ang sa amin but I always refused. Maraming dinadaanan ang isang 'yon.

May kalayuan ang school but it's February kaya medyo malamig pa. I dropped by sa convenience store na nakita ko to buy chocolate drink. I went inside and surprisingly, Riel's here. Ang layo ng tanaw at mukhang malalim ang iniisip. I stared at him. He looked sad again.  Anong oras na ba? I glanced at my watch. It's just 5pm. Pwede pang tumambay.

I walked towards him at tinakpan ko ang mata niya. "Guess who?"

"Bakekang." The fuck. Padabog kong tinulak ang ulo niya. "Aray naman Ada!"

"Serves you right. What are you doing here?"

"Namimili?" I rolled my eyes.

"Bakit ba pinansin pa kita?" Tumayo ako para kumuha ng chuckie. Narinig ko pa ang halakhak niya. Hipan ka sana ng masamang hangin.

"Joke lang naman oy." Pagkatapos kong magbayad ay naupo ako sa tabi niya. Nakatanaw kami sa labas.

"Pauwi ka na?" Tumango ako habang umiinom.

"Ako din. Dumaan lang ako dito para kumain ng noodles. Nanood ako ng Kdrama kagabi. Feeling ko ako 'yong bida." He's weird sometimes.

"Anong hinipat mo?" Natawa naman siya.

"Waeyo?" Nginigisi ngisi pa akala naman niya hindi ko siya naintindihan.

"Geokjeong ma." Irap ko. Nanlaki ang mata niya. Kala mo ha.

"Hoy ano yon Ada? Bat 'di ko alam 'yon?"

"Nan molla." Kibit balikat kong sagot. Ampota inalog alog pa ako.

"Baka minura mo 'ko, ah?" Kunot noo ko siyang tinignan.

"Ang yabang mo kanina, iyon lang pala alam mo."

"Eh syempre pinilit lang ako ni Macci manood 'no!" Tch. Bahala ka diyan hahaha. Isa din sa libangan ko ang panonood ng Kdrama and of course just like any other fan girl, I love oppa's too. Lee Min Ho is my first love.

Kumain na siya habang hinintay ko naman siyang matapos. Nagdadalawang isip ako kung yayayain ko pa siya. Mukhang maraming siyang iniisip kanina dahil ang layo ng tanaw niya. O baka dahil lang 'yon sa ginagaya ang napanood na drama. Alin man sa dalawa, gusto ko pa ring gumaan ang pakiramdam niya.

"Akyat tayo?" Tanong ko. Tiningnan niya lang ako na parang nagaalangan. Baka ayaw niya pang magkuwento sa ngayon. Okay lang naman 'yon sa'kin.

"May gagawin pa kasi ako Ada, eh." Nahihiyang sagot niya dahil tinanggihan niya 'ko. "Pero pwede pa rin ba kitang tawagan mamayang gabi? Kung okay lang sa'yo at kung wala kang gagawin."

Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now