Bumaba kami ng bangin para dumiretso sa grocery store. Dala ni Riel ngayon ang kotse niya. Nang makarating ay nagdiretso siya sa mga cart upang manguha ng isa.
Sinilip niya ang cellphone para makita ang bibilhin.
"Gatas, anong gatas 'to? Tingnan mo nga." Sabay bigay sa akin ng cellphone. Binasa ko ang message ng mommy niya.
Gatas, graham crackers, sliced mangoes? Ahh mango graham.
"Tara sumunod ka." Pumunta ako sa hilera ng mga gatas. "Ilan daw ba 'yong all purpose? Pati 'yong condense?" Kumunot naman ang noo niya. Haynako.
Kinuha ko ang kaniyang cellphone at nagtipa. 'Mom, ilang all purpose po and condense?' Naghintay lang ako ng reply.
Pagsulyap ko sa cart, ano 'to? "Hoy ano 'yan?" Ang dami ng laman. Puro chichirya. Sumasakit ang ulo ko kay Riel jusko. Daig mo pa ang may kasamang anak na 4 years old. "Kasama ba 'yan sa pinapabili?"
"Hayaan mo na. Ako naman magbabayad niyan. Saka favorite ko 'yan 'no." Depensa niya. "Kumuha ka na din ng gusto mo diyan."
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone kaya binuksan ko ito.
'3 all purpose
1 condense
3 crackers
2 packs ng mango sliced'Kinuha ko ang mga nakalista. Nang matapos ay binalingan ko ang cart. Nakng.
"Hoy Riel ano ka ba?! Isauli mo nga 'yan." Sita ko. Puro chichirya pati soft drinks ang laman. May mga alcohol din. Ano ba 'to house party?
"Hayaan mo para may stocks kami. Binili nga kita ng malaking chuckie diyan, eh. Kaya manahimik ka na."
"Sinabi ko bang bilhan mo 'ko? Sinusumbat mo pa."
"Hindi ko naman sinusumbat, eh." Nguso niya sabay tulak ng cart papuntang counter. "Binili nga lang kita."
Nagbayad na kami at binitbit ang mga pinamili sa labas.
"Kung 'yong mga pinabili lang kasi sa'yo ang binili mo, edi sana isang plastic lang ang dala natin." Reklamo ko. Ang bigat ng mga dala namin dahil sa soft drinks at alak.
"Eh, bakit kasi ayaw mo pa ilagay sa cart kanina?"
"Ikaw magbabalik ha?"
"Iniiwan lang naman 'yon sa tabi." Bulong niya pa. Ayaw papatalo.
"Edi sana pinilit mo ko."
"Tara na nga. Napakareklamador mong babae ka." Aba at. Kinawit ko ang leeg niya matapos ilagay lahat ng pinamili sa sasakyan. "Arayyy Ada, arayyy! Isa!" Bilang niya.
"Kahit ubusin mo lahat ng number sasakalin pa din kita. Napakatabil ng dila mong bwisit ka!" Singhal ko bago pakawalan. Ang lalaking ito! Napaka!!!
"Ikaw nga nauuna diyan." Sisi niya. "Aray ko ang batok ko. 'Pag ako nag-stiff neck Ada ha!" Binelatan ko siya.
Pumasok kami sa sasakyan at pumunta na sa bahay nila.
"Mommy!" Sigaw niya mula sa garahe.
"Hoy 'wag ka sumigaw." Bawal ko. Napakaingay.
"Daddy!!" Sigaw na naman niya. Napapikit ako dahil hindi siya makaintindi. Parang bata na pag-binawalan mo mas lalong gagawin.
"Why ba?! You're so loud kuya." Bungad ni Macci nang lumabas ng bahay. She's wearing a loose shirt and short shorts at nakamessy bun.
"Oy halika dito Macci, magbuhat ka rito." Utos ng kuya.
"What? Mabigat ba ang mga ingredients ng graham ha? " Tanong niya. "Hi, Ate Ada." Lumapit siya sa akin para bumeso.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Teen FictionIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...