"Siguro wala kang regalo sa akin ngayon 'no? Kaya sinagot mo nalang ako?"
"What?" Inis ko siyang binalingan. Nandito pa rin kami sa balkonahe. Nakaupo ako sa pagitan ng mga binti niya habang nakayakap siya mula sa likod ko.
"I'm so damn happy that I can't believe you are mine now."
"Swerte mo."
"I am so blessed." Napangiti ako. Me, too. I am so blessed too for having such a great man like him. I stared at the night sky.
'We are together now. I'm so happy.'
Lahat ng bulong ko sa mga bituin, lahat ng hiling ko sa kalawakan, lahat sila natupad na. Punong puno ang puso ko ngayon. Hindi ko lubos akalain na tutuparin ng langit ang mga bagay na ipinagdarasal ko.
'Lord, hindi man sa panahon na hiniling ko. Hindi man sa paraan na gusto ko pero maraming salamat po. Salamat sa tamang panahon Lord God, kung saan buo na ako. Kung saan handa na ako.'
Totoo nga na lahat ng pinagdadaan mo ay proseso lang. Lahat 'yon paghahanda sa mga bagay na ibibigay para sa'yo. Yung hindi ipinipilit. Yung hindi mapanakit. Yung bagay na matatag at alam mong totoo.
'Iingatan ko po siya, pangako.'
"What are you thinking?" He suddenly asked. Nilingon ko siya para ngitian.
"I'm just thanking Him because He gave you to me." Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.
"I should be the one doing that, Ada. He gave me a second chance to be with you. He gave me everything that I could ever ask for."
"We can do that both."
"Ada, alam mo bang muntik na 'kong sumuko?" Kumunot ang noo ko.
"I'm saying this because I want to apologize." I'm just listening to whatever he confess. Kumalas ako sa yakap para harapin siya. Pinatay na namin ang Christmas light kaya ilaw nalang ng buwan ang nagsisilbing liwanag namin.
"I was at the verge of giving up everything that time. Nang mamatay sila Lolo, hindi ko na alam kung paano ko ibabangon ang kumpaniya dahil hindi ko alam na nalulugi na pala ito. Dalawang hotel palang 'to noon pero sinikap kong isalba magisa."
Nakita kong nangilid ang luha niya. Mariin siyang pumikit at pagak na tumawa, parang ayaw na alalahanin ang mga nangyari.
"That was my darkest days, and no one knew." Gumuhit ang sakit sa dibdib ko. "Tangina nakakahiya haha! Imagine, I'm pleading in front of my relatives to help me. They were my last resort so I will not lose the company. Kasi iyon lang ang kaisa isang binilin sa akin ni Lolo. Iyon ang dahilan kung bakit nagkalayo tayo kaya hindi ko kayang mawala 'yon. Halos lumuhod ako at halikan ang mga paa nila. But in the end.. they chose to refused." Galit. Galit ang nakikita ko sa mata niya. Na para bang ngayon niya palang ilalabas at matagal nang nakatago sa puso niya.
"Kaya pinangako ko na ibabangon kong magisa ang kumpaniya. I tried so hard, and failed so many fucking times. Pagod na pagod ako. Yung tipong bawat palpak na proposal ko iniiyak ko lahat magisa. Hanggang sa muntik ko nang piliing sukuan ka." Pumatak ang luha ko kasabay ng mga luha niya. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. I'm sorry.. I'm sorry. Hindi ko alam..
"Natakot ako. Halos taon ang itinagal ko sa ibaba. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba. Kung yung kompaniya nga na 'yon hindi ko mapagtagumpayan, paanong maalagaan pa kita? I'm a fucking failure! How can I make sure that I will not fail you? Hindi ko ata kaya. Hindi ko ata kayang pati ikaw biguin ko."
"But I'm glad I did not. Kasi kung hindi ko kayang biguin ka, mas hindi ko kakayanin kung mawawala ka. That's why I tried so hard again for the fucking nth time. Ginawa ko lahat para bumangon and I'm glad I did it." He held my face.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Fiksi RemajaIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...