Chapter 36- Savior

4.1K 186 17
                                    

It's been 2 weeks since that day happened. I got busy with work and Riel flew back to Australia last week but he made sure to communicate with me every now and then. Ang gaan sa pakiramdam though he's miles away, I know he will come back to me.

"Urong doon." Mabilis akong umurong nang ipasok ni Waze ang mga gamit sa kotse. We are on our way to Villa. We need to go home now for some reasons.

"Ako nalang magda-drive, Dano. Ikaw nalang pabalik."

"Sige," Dinungaw niya ako. "Ayos ka ba diyan mahal na paraon?" Nagthumbs up lang ako. Irap lang ang sinagot niya. Bala sila diyan.

"Nga pala, may utang ka pang drive, Ada ha!?"

"Pinagsasasabi mo?"

"Noong nakaraang uwi natin. Yung nagkasakit ka? Oh hala baba diyan. Dito sa harap bilis!" Napapikit ako sa talas ng memorya ng ulaga na 'to. Bwisit.

"Hahaha! Kala mo lulusot ka?" Mabilis kong hinablot ang damit ni Dane kaya lang iniwas niya.

"Dali na!"

"Oo na. Leche ka." Hindi mawala ang ngisi ng dalawa. Mga siraulo. Lumipat ako ng upuan sa harap. Balak ko pa namang matulog ngayon sa biyahe!

"Idaan mo sa drive thru. Gusto ko ng chow pan." Inis kong tiningnan si Waze mula sa salamin. "Oh angal?"

"Pangit."

Hindi makapaniwala niya akong tinignan. Gulat na gulat? Hindi aware? "Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganiyan ang isang paraon?"

"Paraon ka lang. Hoy seatbelt! Tawa tawa ka pa diyan." Asik ko kay Dane.

"Sungit." Tawa niya. Nagsimula na kong magmaneho. Gaya ng utos ng hari, dinaan ko muna sa Chow king. Namili kami ng Chow pan pero akala ko iyon lang.

"Siopao saka milktea. Yung toppings ko shanghai."

"Hoy Dano umagang umaga milktea."

"Hayaan mo na."

"Oh ikaw?" Baling ko sa nasa likod.

"Same. Pero siomai toppings. Saka kape." Sinabi ko ang mga orders namin. Walang milktea buti nga. Lukot agad ang mukha ni Dano.

"Oh heto ang bayad ko." Abot ni Waze ng pera. Nung binilang ko ay kulang.

"Kulang 'to. Manggugulang ka pa?" Natawa lang siya sabay abot ulit ng pera. Napakakunat ng kaibigan ko na 'yan!

Pagkatapos namin ay bumiyahe na ulit kami. Alasingko palang ng umaga kaya nagliliwanag palang ang paligid. Nakita kong sarap na sarap kumain ang masisiba kong kaibigan.

"Kain, Ada." Nakakainit ng ulo si Waze. Matalim ko siyang tiningnan.

"Subuan niyo ko mga leche kayo!" Nagugutom na din ako. Tawa lang sila nang tawa. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko na nasa dashboard. "Pasagot, Dano." Mabilis kinuha ni Dane ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello,"

"Nagdadrive eh, sino po 'to?" Nagtataka naman ako kaya sineniyasan ko siyang i-loud speaker.

"It's Riel." Agad nanglaki ang mata ko.

"Patayin mo yung speaker bilis. Itapat mo sa tainga ko." Mabilis kong bulong kay Dane.

"Ihinto mo na nga sa tabi. Ako na magmamaneho." Sinunod ko ang sinabi ni Waze. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone kay Dane at bumaba. "Tumawag lang, eh nawala ka agad sa wisyo." Asar niya kaya hinampas ko siya.

"Hey." Bati ko.

"So where are you going this early?"

"We are on our way to Villa. Wait? Did you just came back?" Obviously girl.

Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now