Weeks passed, nagpatuloy ang interhigh. Palagi pa rin kaming tumatambay ni Riel sa bangin kaso madalas umaga lang kaya saglit na oras lang.
Friday, I went to school. Mas maaga ako ngayon kaya hindi ako nakapagjogging.
As I enter the school, ang dami ng tao pero mostly mga players. May laban kami ngayon kaya maghahanda na ako.
"Aga, ah." Bati ni coach.
"Goodmorning coach. Saan po sila?" Nginuso niya ang locker area at tinapik ako sa balikat sabay alis.
Pumunta akong locker room.
"Ang bright naman ng aura nito!" Pagkapasok ko palang kantyaw ni Mia agad ang bumungad.
"Oy ramdam ko din ghorl."
"Saya ka ba, Ada?" Tsk. Pati si cap nakisali.
Anong problema ng mga lintek na 'to?"Sinasabi niyo ha?" Maangas na tanong ko.
"Ay te! Barumbado sumagot pero ang bright pa rin talaga. Iba ka Ada." Mabilis kong inambaan si Aly. Kutusan kita, eh.
"Ang mga flowers nakikita ko sa likod niya." At sabay sabay na tumawa. Mga baliw ampotek. Itong si Misha pag-inasar ko sa bestfriend niya at. Tahimik 'to, ah. Inirapan ko lang sila. Nakita ko ang ibang player na nakangiti sakin kaya tumango ako sa kanila.
"Shy nakita ko si Carl, ah. Walang kupas maglaro ang galing pa din." Sabi ko kay Shyla
"Oh, eh ano ngayon?" Wahahahaha ex niya 'yon.
"Share ko lang. Nakita ko, eh."
"Tse!"
"Hoy bitter ka pa rin? Ba't 'di mo gayahin 'tong si Mess, malakas." Pangaasar naman ni Aly.
"Bakit anong mayroon kay Mess?" Tanong ko.
"Ayan nahuhuli ka na sa balita. Ghinost na yan ni Rex. Hahahahahaha" tinawanan pa nga.
"Bobo 'yon. Sukat ang sagot daw kila Alvin noong tinanong kung ba't ako ghinost, nakalimutan lang daw magreply. Tangina talaga." Napatulala naman ang mga kasama ko. Minsan lang 'yan magopen si Cap, eh. Mukhang malalim talaga.
"Ay weh? Hahahaha anong palusot yon? Pambobo amp." Sabi ni Aly
"Alam mo cap, iinom na natin 'yan." Kantyaw ni Misha. Sabay sabay kaming tumayo puro inom si gago kala mo totoo.
"Arat sibat. Baka mapa-oo ako mahirap na." Sabi ko. Papagalitan na naman ako ni Supremo. Walang oras 'yon kamustahin ako, pero pagpapagalitan madami. Kaurat.
Lumabas kami ng locker room para dumiretso sa gym. Alas otso ang laban namin, malapit na.
"Oy lika na kayo magdasal na tayo." Sigaw ni coach.
Nagdasal na kami nang sabay sabay at hinintay ang hudyat ng laban. Ang dami ng tao sa loob. May basketball kasi mamaya alam ko isa lang eh. Road to championship na. Ewan ko kung sino ang lalaban. Balita ko din na may laban ang soccer sa field mamayang alas dos for finals din.
Pumito na, hudyat na magsisimula na ang laban. Pumwesto na ko.
Nagtuloy tuloy ang laban hanggang sa matapos. Gagi muntik na kaming sumablay. Buti nalang sa huli panalo pa rin.
"Ganda ng performance nito, oh" sabi ni Mia sabay turo pa sa'kin bago uminom sa tumbler niya.
"Mas magaling si Shy nanonood si Carl, eh." Ngisi ko.
"Ulol. Eto kamo si Misha. Kuminang noong pumasok ng gym si Jioh, eh. Oh sabihing hindi?" Amba niya.
"Tanga mo lambang." Hahahahahaha ayaw pa aminin na crush niya ang bestfriend niya. Pagkatapos ng laro, dumiretso kaming locker para magpalit.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Teen FictionIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...