"Ada?" Narinig kong bumukas ang pinto. It was mom. Bumalikwas ako ng bangon.
"Bakit po?" Ang sakit ng ulo ko.
"Are you okay?" Tumango lang ako at iniinda pa rin ang ulo. "Fix yourself. We'll go to church." Nanlaki ang mata ko. Shit. Today is Sunday. Tinignan ko ang oras.
"Don't worry, it's still early. Go wash up." Utos niya bago lumabas ng kwarto. Arghh tsk. Kumikirot ang ulo ko dahil sa puyat. Hindi ako makatulog kagabi kakaisip ng nararamdaman ko kay Riel.
Flashback
Pagkatapos niyang kumanta ay nahiga kaming pareho sa damuhan. Tinanaw namin ang magandang kalawakan. Sobrang daming stars. Since madilim ang pwesto namin, kitang kita talaga ang langit. Hindi naman nagpatalo ang ilaw ng buwan sa mga bituin. Hindi man buo, ngunit naguumapaw ang ganda.
"You know what my childhood dream?" I said.
"What?"
"To become an Astronaut." Pangarap ko 'yon noong bata ako. Naalala ko pa na nagpalagay ako ng glow in the dark na stickers sa kwarto ko then I will imagined that it were stars.
"Really? Why?"
"I'm so inlove with celestial bodies. I want to conquer the universe. Ang cool 'di ba? Ikaw ba?"
"Hmm. I want to be the universe." Ha? Ang weird naman no'n.
"Why?"
"So you will be inlove with me." W-what?
End of flashback
That fucking dumbass! Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagyaya na siyang bumaba. See? Sinong hindi maiinis do'n. Hinampas ko siya pero tawa lang ang sinagot niya. He left me asking so many questions in my mind. He's so confusing. Magdamag ko lang namang inisip kung anong ibig niyang sabihin. Humanda siya pagnagkita kami.
Kaya mo bang tanungin ang nasa isip mo?
Syem--fine! Edi hindi!
I took a bath then went outside. I'm wearing white high waisted jeans paired with nude pink top. Hinanap ko ang strappy sandals ko pagkatapos ay bumaba na. I saw my parents palabas ng bahay.
Pinaglalaruan ni daddy ang susi sa kamay. "Let's go?" Aya niya. Sumunod naman kami.
One of my dream is to go to church together with my parents and I can't believe it's happening right now. It's too good to be true. "Ahm, dad have you visit Minor Basilica of Our Lady of Manaoag?"
"Sa Pangasinan?" Mom asked.
"Opo."
"Ako hindi pa, si Mommy mo nakapunta na ata."
"Yup. When we went to Baguio for some conference. Why Ada?"
"Can we visit again po? I made a promise to Our Lady of Manaoag po kasi that I will go back there together with you, two." Naalala ko ang hiling ko noon. Ang galing talaga because it happened.
"Yeah sure. Sa off ko, I'll inform you again. Kailan ka nga pala nakarating doon?" Nilingon pa ako ni mommy. I saw dad's annoying look sa mirror.
"Oy Ada, tinatanong ka. Kailan daw?" Argh.
"Noong nakaraang buwan lang po." Tukoy ko noong umakyat kami sa Baguio.
"Really? Sinong kasama mo?" Lumaki ang ngisi ng tatay ko. Tsk.
"Kaibigan ko po." Play safe na sagot ko but of course there's dad na sobrang annoying.
"Sinong kaibigan?" Asar niya. Nagtataka namang pinagpapalitan kami ni mommy ng tingin. Mabuti nalang at nakarating kami sa simbahan.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Fiksi RemajaIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...