Ang bilis ng araw. Dalawang linggo na ang lumipas. Dalawang linggo na rin akong nagti-training at dalawang linggo na rin magmula ng huling nabisita ko ang bangin. Anong na kayang nangyari doon? Nandoon pa kaya si Riel? Kamusta na kaya siya?Ha?
“Ada!!! Tara na maiiwan na tayo. Sa SCA daw tayo.” Doon agad? Hindi ko kasi tiningnan ang schedule kaya hindi ko alam ang kalaban. Surprise!
Sumunod na ako sakanya. St. Claire Academy is the academy na kakompitensya namin. I don't know but we have this silent war na para bang hindi kami pwede magsama.
"We will never be alliance." 'yan ung sabi ng owner ng school noong last speech niya. And then we found out, they were ex-lovers. Ang pangit man pakinggan pero pinersonal niya ang negosyo niya hahahaha. Also, that school is known kasi as good not only in acads but in sports too kaya ang higpit ng labanan.
While travelling hindi ko maiwasang maisip ang bangin. Sana naman wala nang dumagdag pang makitambay do'n. Syempre hindi ko na sila pwedeng bawalan dahil hindi naman sa'kin 'yon. Tsk. Sana huli na ang Riel na 'yon.
Naputol ang pag-iisip ko the moment we arrived. Ang daming tao at ang sama tumingin. Ang mature ha. Basketball muna ang laro bago volleyball at dito parehas gaganapin.
Pumunta na agad kami sa gym nila. Hindi naman nakakamangha katulad lang ng sa amin. As we enter, wow. Wala 'yong tao sa labas sa dami ng tao sa loob. In any minute magsisimula na ang laro. Naglalakad ako papunta sa designated seat namin nang may mabangga ako.
“Sorry miss. Hindi ko sinasadya.” Pagpaumanhin niya.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Wait miss. I’m Waze, ikaw?” pagpapakilala niya. Yung app? Hoy ang corny.
“I am…” nakikita ko ang inip sa mukha niya.
“Annoyed. Get lost.” Sabay talikod. Birahin ko mukha mo, eh. Bangga bangga mo pa 'ko.
“Ada!?”
“Arayyyy!” Ang walangya sukat biglang hinarap ako sa kan'ya.
“Ikaw nga, Ada. Bakit hindi ka na bumibisita? Sa akin na ba 'yon?” Bakas ang excitement sa mukha niya habang tinatanong yon. Ang kapal talaga ng mukha nito.
“Asa ka pa. Hindi ka pa ba umaalis doon?"
“Bakit naman ako aalis?”
“Bakit naman hindi?”
“Hahahaha madamot ka pa rin. Balik ka do'n ha? Hihintayin kita.” Kumunot ang noo ko. Anong problema ng lalaking 'yon?
As I turn my back to continue find my seat, ang daming nakatingin. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy na ng lakad.
"Ganda ka?" Tanong ni Shy. Anong problema ng babae na 'to?
“Ada, ba't mo kilala 'yon?” curious na tanong ni Mia.
“Magnanakaw 'yon.” Sagot ko. Kita ko ang gulat sa mata nila.
“What?”
“Di nga?”
“Sinungaling ka gaga!!" Inis na sabi ni Mia at may pahampas pa si Ate mo. Paghinampas ko at.
“Ninakaw ba niya ang puso mo?” Nilingon ko ang korning si Alynna at sinamaan ng tingin.
"Ulol niyo." Inirapan ko silang lahat. Pero ayaw pa rin paawat ni Mia.
Buti nalang sumipol, hudyat na magsisimula na ang laro. SCA vs kami ang laban. Sobrang ingay sa loob ng gym. Talagang dumadagundong. Nagstart na ang laro. Kasali pala tong Riel na 'to.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
Teen FictionIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...