"I'm going." I said to Nana before leaving the house.Papasok na 'ko sa school noong makita ko ang kabilang daan. Tatakbo na sana ko nang may parang bumulong sa tainga ko.
"Try to cut your class and I will cut your allowance."
They have the same voice as my dad. Creepy. That's why I decided to go the other way at pumasok nalang.
As soon as I enter the school, the bell rang. Timing!
I'm late as the usual. Well most of the time kasi late dumaan ang jeep. Not my fault though. Maaga ako nag-aabang, it just that hindi ko matyempuhan ang jeep. Binagalan ko ang lakad para hindi na ako makipagsiksikan sa hagdan. Panigurado tambak na naman ang mga estudyanteng nagmamadali na 'wag mahuli sa klase kahit na huli naman na talaga.
Atleast hindi sila super late!
Nang lumuwag ang daanan ay mabilis akong tumakbo dahil natanaw ko sa likuran ko si Ma'am. Naunahan ko siyang makapasok kaya't mabilis akong naupo.
"Take all your seats!" sigaw ni Ma'am the moment she entered the classroom. Napangiwi ako. "How many times do I have to tell you to keep quiet?" sigaw niya ulit. Parang lalamunan ko ang sumasakit sa bulyaw niya.
Kung ako si Ma'am Mendez mas pipiliin ko nalang na magretire na. Sa edad niyang 60 mas mabuti pang makipaglaro nalang sa mga apo kaysa magbawal ng mga walang modo at mga bastos na kabataan ngayon. Isa pa, palagi siyang galit. Konting kibot naka-angil kahit hindi naman dapat kagalitan. Mas nasstress lang siya rito.
Bakit ba 'ko nakikialam?
Anyways, my day runs as the usual. Walang bago. I spent the whole day waiting for dismissal. Buong mag-hapon, nakatunganga lang ako. Nag-advance reading ako kagabi kaya naging madali sa akin ang mga itinuturo.
Time flies so fast. And here's the most awaited part, the uwian. Dali dali kong niligpit ang gamit ko at lumabas ng classroom.
"Adaaaaaa!" Tatakbo sana ko nang mahawakan nya 'ko.
"Tsk. Ano?" angal ko.
"May meeting tayo bukas. 'Pag 'di ka umattend kakabugan ka daw." Hinihingal na sabi niya habang nakahawak sa braso ko at ang isang kamay ay nasa dibdib niya.
"Nakakatakot?" Ano 'yon bata? Si Mia at, kakaltukan ko, ah.
"Basta umattend ka. Kailangan ka doon. After class ha? Patay ka kay Mess 'pag hindi ka sumipot." Tumango nalang ako. Parang wala naman akong choice sa dami ng banta niya, eh.
"Oo na." She left after that. I wonder, para saan ang meeting?
Nagpatuloy ako ng lakad. Sobrang excited ko. Well, not that excited but I waited for this since morning. Nag-abang ako ng taxi para mabilis dahil malamang siksikan ngayon sa jeep.
"Woy sabay na?" Nakita ko Ali, kaibigan ko. Nakasakay na siya sa sasakyan niya. Blessing sana kaya lang umiling ako agad.
"Ayoko." Mabilis kong tanggi. Baka umalis akong maliwanag tapos madilim na pagdating ko ng bahay.
Inirapan niya lang ako at nagpaalam.
Nang makapagbayad ako, tumakbo na ko sa daan na kanina ko pa gustong puntahan. Natatanaw ko na 'yong puno. Wala pa man ako sa dulo pero parang na-relax na ang katawan ko. Agad-agad kong hinagis ang bag ko sa berdeng damuhan at sumalampak doon sabay sandal sa puno.
Ang sarap talaga sa pakiramdam.
This is my place. This is the place where I can be myself. It is a cliff na may mga puno. Madalas akong tumambay rito habang pinapanuod ang sunrise though hapon ngayon, maganda pa rin ang nag-aagaw na asul at kahel na kalangitan.
Pinakapaborito ko sa lahat ang sunrise. While everyone loves the sunset, I'm into sunrise. I love to witness how the sun shines for us, every single day. It symbolizes for me as hope. Another day, another life, another opportunities and another challenges to conquer.
I also love sunset because it means that I conquered the day but it just that, I love sunrise more. Hindi rin kasi kita ang sunset dito.
But anyways, I proclaimed this as my place. Simula noong na-discover ko 'to, ako lang ang kaisa-isang tumatambay dito and it makes me happy and peaceful. Ayokong may ibang tumatambay dito lalo na kapag nandito ako.
Hinintay kong magdilim. Noong una akala ko buwan lang ang magsisilbing liwanag sakin sa lugar na ito, pero nagkamali ako.
Sa unti-unting pagtunaw ng liwanag at paghari ng dilim sa paligid, napansin ko ang mumunting liwanag sa kaparehong ibaba at itaas ng bangin. Nagsimulang mag-ningning ang bituin sa kalangitan kasabay ng mumunting ilaw na nanggagaling sa may kalayuang lungsod. Kung titingnan mula rito sa itaas, napakaganda ng tanawin sa ibaba. Ang mga ilaw ng mga nagtataasang gusali, ganoon din ang mga ilaw ng poste at sasakyan sa daan.
Napakagandang pagmasdan sa malayuan.
Noong tumuntong ang oras sa alas siyete bumaba na rin ako at umuwi. It's been a long day for me.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
TienerfictieIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...