"Ada hija, may bisita ka sa baba." Pagtawag ni Nana.
Sabado ngayon, ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari. Walang pasok ngayon kaya bakit ako magkakabisita? As if namang may bibisita din sa akin kapag week days.
Bumangon ako at naghilamos. Nag-toothbrush din ako at nag-ayos bago lumabas.
"Riel?" Nakita ko siyang nakaupo sa sala habang kausap si Nana. Anong ginagawa nito dito?
"Anong atin?" Bungad ko.
"Sige ipaghahanda ko muna kayo ng almusal. Dito ka na mag-agahan hijo."
Ngumiti siya at nagpasalamat.
"Hoy bakit kako?"
"Ay goodmorning din Ada." Tsk. "Roadtrip." Maikling sabi niya.
"Totoo? Ngayon?" Tumango siya. Nabuhayan ako.
"Saan tayo?" Tanong ko ulit.
"Kung saan makakarating." Tawa niya. Fuck sasama ba ko? Baka iligaw lang ako ng lalaking na 'to.
Magana kaming kumakain. "Pst asan parents mo?" Apaka-chismoso talaga.
"Work." Tipid kong sagot.
Kumunot ang noo niya. "This early?"
"Oh bakit?"
"Ang aga naman yata. Saka Saturday ngayon."
"Doctor ang mommy, businessman ang daddy. Wala namang weekends pag-ganon." Paliwanag ko.
"Oh I see. Wala din silang time 'no? Hahaha." Nagkibit balikat lang ako.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ko at naghanda sa pag-alis. Excited talaga ako. First time kong magroroadtrip.
"Tara na." Aya ko kay Riel habang bitbit ang maliit na bagpack. Dumiretso kami sa labas. Oh!? Jeep Wrangler. 2020 ba 'to? Ganda hanep.
"Aba! Angas nito ah." Sabay katok sa jeep niya
"Hoy wag mo lakasan anak ng!" OA.
Pumasok kami sa loob. Ilalagay ko sana ang bag ko sa backseat pero may napansin akong mga nakalagay doon.
"Ano 'to?" Kinalkal ko iyon. "Tinapay? Chichirya? Oy ang init pa nito ah. Ano 'tong nasa tupperware?" Picnic?
"Wag mo alugin baka matatapon. Pagkain yan."
"Alam kong pagkain. Para saan?" Ang dami naman.
"Maghapon tayo, eh. Ulam at kanin ang mga nasa tupperware. 'Pag nagutom ka, kumuha ka lang diyan."
"Hindi ka naman handa niyan? Sabi mo pagusapan natin, aba'y ready ka na pala. Hindi mo man lang ako ininform sana nakapagbaon din ako." Ana ko.
"No need. I got this. Ako naman nag-aya diba?" Then winked at me.
Huminto kami sa bangin.
"Bakit? Akala ko roadtrip?"
"Saglit lang. Hindi ako nakadaan dito noong nakaraang araw eh." Ah oo nga napansin ko din. Ilang beses akong tumambay dito pero hindi ko siya nadadatnan.
Tahimik kaming tumanaw sa paligid ng bangin. Ilang saglit pa ay nag-aya na siya.
"Tara. Wag kang magalala. Kahit saan pa tayo makarating, dito at dito pa rin tayo uuwi." Then he smiled after. Acckkk. Ang gwapo amp.
"I know. Let's go." Pacool kong aya.
Ang smooth niya magdrive. Swabe lang. Nasa centro na kami palabas siguro ng Villa.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
JugendliteraturIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...