Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Ang payapa ng tulog ni Ada. Napakaganda ng mukha niya at ayokong alisin ang paningin ko rito. Tinitigan ko siya nang matagal, sinasaulo ang bawat detalye ng magandang mukha. Bumuntong hininga ako.
Gusto kong gumising ng umaga na mukha niya ang nakikita. Gusto kong mahiga sa tabi niya at makipagkwentuhan ng kung ano ano hanggang sa makatulog. Gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit at 'wag nang pakawalan pa.
Nangilid ang luha ko. Umayos ako ng higa at tinanaw ang mga bituin.
Darating ang araw na kayo nalang ang magmamatyag sa kaniya. Kayo nalang ang makakakita ng mga ginagawa niya. Kayo nalang ang makakasulyap ng ganda niya at ang hirap hirap isipin no'n. Kung maaari sana ay ikwento niyo sa akin lahat ng makikita niyo. Bulong ko sa mga tala. Para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila ko.
Hindi ko alam kung paanong sasabihin na aalis na ako. Hindi ko yata kaya. Isang buwan nalang ang mayroon ako. Pagkatapos ng graduation ay sabay sabay kaming pupunta ng Australia. Magbabakasyon sila mommy habang ako ay doon na titira. Gusto kong sulitin ang natitira kong araw dito sa Pilipinas kasama si Ada, kaya niyaya ko siya ngayon.
Ilang saglit pa nang pag-iisip ay nakatulog na ako. Kailangan kong maging masigla bukas. Marami pa akong iipunin na baon.
---
We woke up early so we can prepare. We are now going to Northern Blossom Flower Farm in Atok, Benguet. It is also my first time going there and I'm so excited. Nakita ko kasi ito sa internet and I was amazed kaya gusto kong dalhin si Ada. Alam kong magugustuhan niya doon dahil mataas na lugar 'yon.
"Hey what took you so long?" Ang lamig lamig na nga ang tagal pa naligo. "Libag na naman? Problema mo lagi 'yan 'no?" She glared at me.
"Funny. Umalis ka nga diyang leche ka."
Tatawa tawa akong lumabas ng kubo. Binitbit ko na ang gamit niya at dumiretso sa sasakyan. I'm really excited. Natanaw ko na si Ada na nagsusuklay pa. She went inside and still glaring at me. "What?"
"Madaling madali kang bwisit ka." Asik niya.
"Maganda nga kung maabutan natin ang sunrise." That's favor on us since we're inlove with sun. What's wrong with her? "Hey chill."
Nakanguso lang siya, at pagkatapos magsuklay ay pinagkrus ang kamay sa dibdib at sumandal. Cute ampotek.
"Okay I'm going to buy you breakfast. Can we go now?" Tumango lang siya.
Dumaan kami sa drive thru. Kumakain siya habang hindi naman ako makakain dahil sa manibela. "You want me to feed you?" Parang aso man pakinggan ay tumango ako.
"Please." Nilabas niya ang isang burger at binuksan.
"Here. Hawakan mo gamit ang isang kamay mo." Sinimangutan ko siya.
"Sabi mo you're going to feed me?" Reklamo ko.
"Kaya mo naman, ah. Kumakain din ako 'no!" Tsk. Kinagatan ko ang burger. We are currently travelling the Halsema Highway. Maraming curves and edges kaya tinigilan ko muna ang pagkain.
"Acckkk hindi ako makakain."
"Why? Are you okay?" She look pale.
"Nakakasuka puta." What? Fuck
"Wag kang susuka diyan!" Kinalkal ko ang mga plastic bag kong nakasuksok sa kung saan saan. "Here. Use this."
Hindi naman matuloy tuloy ang suka niya pero hawak hawak niya pa rin ang plastic. Nang umayos ang pakiramdam niya ay kumain na muli siya.
YOU ARE READING
Peace Within (Villa Priscilla Series #1) #Wattys2020Winner
JugendliteraturIt was me who saved you. - Jose Carriel Villamonte IV Riel Villamonte was happened to be at the right place and at the right time that night. He saved a girl who supposed to end her life by jumping out of the cliff. After saving her, he never got th...