Chapter 2

36 3 6
                                    

Chapter 2: Bright like a Sun

Natauhan nalamang ako ng biglang may tumawag sakin mula sa likuran ngunit nanatili pa rin ang paningin ko sa kanyang mga mata.

"Doc, pasok na po kayo" isang nurse ang nag assist sa kanya papasok sa room niya. Tumingin muna siya sa'kin bago tumalikod at pumasok.

Naiwan akong nakatulala sa lugar kung saan siya nakatayo kanina. Napaigtad ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko ng kalabitin ako na ako ni Kuya Thrian.

"Sorry Sol, nagulat ba kita?" nagaalala niyang tanong nang makitang napahawak ako sa dibdib ko.

Nakatingin lang ako sa kanya at pumasok na lamang sa loob.

"Kanina pa kita tinatawag pero parang di mo naririnig" napatingin ako sa kanya ng biglang nag iba ang tono ng pananalita niya.

"Just leave" maikling sabi ko at humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Umungot pa si Kuya ng kung ano-ano na kesyo daw di ko siya pinapansin kanina.

Narinig kong biglang bumukas ang pinto at boses ni Daddy ang narinig ko

"Ano na naman bang pinuputak mo Thrian?" malakas na sabi ni Daddy

"Dad I've been calling her name so many times but she keeps ignoring me" naramdaman kong tinuro ako ni kuya sa likod.

"Be patient to her Thrian!" tumaas ang tono ng boses ni Daddy

Dahilan para makaramdam ako ng nerbyos at lumakas ang heartbeat ko. Ang lakas ng sigaw nito na nagbibigay ng pwersa sa dibdib ko.

"I'm trying Dad but your daughters-"

"Your younger sister!" putol ni Daddy kay kuya

"Umayos nga kayong dalawa, Baka nakakalimutan niyo ospital ito at pasyente ang anak at kapatid mo!" sabat naman ni Mommy

"Pagsabihan mo yang anak mo, Honey" pilit pinakalma ni Daddy ang boses niya

"E kasi naman palagi nalang siya yong-" di ko na pinatapos si kuya at nagsalita na ko

"Pwede bang umalis nalang kayo" inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot at umupo sa kama habang nakatingin sa kanya

Magiging bastos ako sa harapan nila ngunit noon ko pa ito napapansin kapag bumibisita sila

"Wag nalang kayong dumalaw kasi napapansin ko sa tuwing dumadalaw kayo palagi nalang may eksenang ganyan. Dumalaw ba kayo sa'kin para magbangayan mismo sa harap ko? Please lang kung may natitira pa kayong awa sakin, wag na kayong dumalaw. Pinapalala niyo lang ang sakit ko"

Parang pinipiga yong puso ko ng masabi ko ang matagal ko ng kinikimkim. Nadudurog yong puso ko nang makita kong nagtatakip at nagpipigil ng luha si Mommy habang si Daddy ay sinisisi ang kanyang sarili. Si kuya naman nakakuyom lang ang kamao.

"Wag na kayong dumalaw, uuwi nalang ako sa bahay kapag magaling na ako" humiga na ako sa kama at pumikit.

Rinig ko ang kaluskos ng mga bagay na dala nila na inaayos na nila. Rinig ko rin ang hikbi ni Mommy. Maging ako sa sarili ko hirap na hirap na rin.

Yes, we have a wealthy family that can provide our personal needs but not this one. Sarili kong pangangailangan ay ni hindi namin mabili-bili sa pera. Kulang ang nerves ko sa katawan, sinong tao at saan naman kami bibili ng nerves para sa sarili ko. Its very difficult, malalaman mo talaga dito na hindi lahat nabibili sa pera pera lang.

I have heart disorder yong mga ugat na nakakonekta sa puso ko ay kulang. Di pangkaraniwan pero sabi ng doctor, mula ng pinanganak ako di pa fully made ang puso ko at hanggang sa pagtanda ay dala-dala ko parin ito.

"I'm sorry anak" isang bulong ang narinig ko mula sa aking ina at nilisan nila ang lugar na ito.

Binuksan ko ang aking mata at tumingin sa paligid. Wala na ang mga gamit at malinis na ang kwarto ko. Pinindot ko ang emergency alarm ng kwarto ko para tawagin ang nurse ko

"Yes maam?" sagot nito sa telepono

"Pwede ba akong lumabas? I just need some air at paki narin ng wheelchair" sabi ko rito.

Binaba ko ang tawag at dumiretso sa banyo para maghilamos. Sinuklay ko rin ang buhok ko at narinig ko ang pagkatok mula sa pinto.

"11 po dapat nandito na kayo, wag po kayong masyadong magpapakapagod." sabi ng nurse at inassist ako sa wheelchair.

"Before that Ma'am, this is Nurse Trisha siya po ang magguguide sa inyo sa labas" nakangiting sabi nito at tinuro ang nurse na katabi at ngumiti naman sakin ang nurse

"Ikaw? Anong pangalan mo?" nilingon ko siya mula sa likod

"I am Nurse Marithea" nakangiti niyang sabi

"Nice to meet you two" ngumiti rin ako sa kanila.

Nasa garden kami ngayon ng hospital na ito. I saw different people and different illness. Libot libot lang kaming dalawa ni Nurse Trisha.

"Ma'am? Pwede magtanong?" Nagulat ako ng biglang magsalita sa likod si Trisha

"Go on and ask" sabi ko naman sa kanya

"Ilang taon na po kayo dito?"

"3 years and 4 months? I guess?"

"Ngayon lang siguro kayo nakalabas"

"In almost 3 years and that 4 months yes ngayon lang ako nakalabas sa kwarto ko"

"Seryoso?"

Natatawang tumango ako sa kanya.

"Soleil Versatile Farr" basa niya ng pangalan ko sa likuran ng wheelchair

"Ang ganda ng pangalan mo ma'am" puri nito

"Maganda talaga" nagulat ako at napalingon sa gawing gilid ng marinig ko ang boses na iyon.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

"Kasungit" sabi naman nito

"Doc? Ma'am? Magkakilala po kayo?" inosenteng tanong ni Nurse Trisha dito

"No" ako
"Maybe?" siya

Tinaasan ko siya nang kilay at ngumiti lang siya.

"Di niya ko kilala Nurse ih" pacute niya sa nurse ko

"Ew" ngiwi kong sabi

What the hell? Pabebe amputa.

Natawa siya sa reaksyon ko. At nanduon nanaman ang ngiti niyang sobrang ganda, sa sobrang ganda di mo aakaling pilit.

"Ma'am Soleil siya si Doc Martin kapatid po siya ni Doc Guerrero ng Doctor niyo po" sabi ni Nurse Trisha

Nagulat ako ng lumapit siya sakin at ngumiti

"I am Martin Alejandro Guerrero, please to meet you" inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko at tinignan ko lang yun

"Ma'am Soleil dito muna kayo kay Doc Martin dadalhin ko nalang yong gamot niyo dito" nagulat ako ng umalis nalang si Trisha at iniwan ako sa lalaking to

Humarap ako sa lalaki at tinignan ko siya ng matalim.

"Doctor ka pala" sabi ko dito

"Yes, but unfortunately I'm in leave at pasyente ako ngayon" sabi nito

Tiningnan ko siyang maigi at mukha siyang professional kung magsalita at tumayo.

"Anong sakit mo?" curious kong tanong

Napaupo siya sa may batuhan at tumingin sakin. Nakita kong napalunok muna ito saka sinagot ang aking tanong.

"Brain Cancer" nagulat ako at di ko alam ang magiging sagot ko

Ang straight-forward naman niya. I feel sorry sa attitude ko nong nakaraan. I don't know why I fell comfortable with him na sobrang lapit niya sakin.

Ngunit nagulat ako sa kamay niyang kanina pa nakalahad sa harapan ko

Kaya tinanggap ko na iyon.

"Soleil Versatile Farr, Sol nalang" sabi ko sa kanya

"Ang ganda ng pangalan mo, Sol" Ang lungkot ng mata mo, Martin

The Sunrise [COMPLETE]Where stories live. Discover now