Chapter 4

29 3 15
                                    

Chapter 4: Sun Comes

Nagising ako sa malakas na katok sa pinto. Binuksan ko kaagad ang lampshade na nasa ibabaw ng cabinet para tignan ang oras its almost 4 am in the morning.

Pipikit pa sana ako dahil masyado pang maaga para bumangon ngunit kumatok uli ito.

Bukas naman ang pinto kung nurse yon ay papasok na yun dito ngunit katok lang siya ng katok.

Tumayo ako at pinihit ang pinto dahilan para bumukas ito at iniluwa nito ang lalaking nagngangalang Martin.

"Ginulat mo ko" bahagya pa siyang napaatras ng buksan ko ang pinto

"May kailangan kaba?" inaantok kong tanong

Ngunit di ito sumagot di ko na napigilan pang humikab at nag inat ng katawan.

"Ang aga aga pa, bumalik kana sa kwarto mo" inaantok kong sabi habang nakapikit.

Ngunit wala akong narinig na kahit ano

Nanatili akong nakapikit at hinintay siya sumagod ngunit wala.

"Nagsleep walk kaba?" iminulat ko ng kaunti ang mata ko at hinawakan siya sa balikat at pinaharap .

I guide him papunta sa kwarto niya at ako na mismo ang nag bukas ng pinto. At isinara naman niya iyon.

Inihiga ko siya sa kama niya at pumunta ako sa dulo nito at nag half-lay. Ipinikit ko ang mata dahil antok na antok na talaga ako.

Ang sarap sa mukha ng sinag ng araw. Habang nakapikit ay ngumiti ako dahil bumungad agad ang araw pagkagising ko. Ngunit napakunot ang noo ko dahil di ko matandaang ibinaba ko ang kurtina ng kwarto ko. Paano nakasilip ang sinag ng araw roon?

Ibinukas ko ang aking mga mata at nanlaki ito ng tumambad ang nakangiting mukha na sobrang lapit sa mukha ko.

Napabalikwas ako ng bangon nang mag sink in sa utak ko na hindi ito ang kwarto ko.

Nauntog pa ako sa noo niya.

Napasabunot nalamang ako sa aking buhok at frustrate na frustrate akong hinanap ang tsinelas at tarantang lumabas ng kwarto. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit di ako lumingon.

Anong nangyari self? Dahil sa kaantukan mo isang "magandang" umaga ang bumungad.

Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong isinara ang pinto at halos mapa-upo ako sa sahig habang napahawak sa ulo ko.

At halos mapaatras ako sa pagkakasandal sa pinto ng may kumatok roon.

"Soleil?" at halos himatayin ako dahil ang lalaking yun ang may ari ng boses.

Anong gagawin ko? Nakakahiya ka self! Nakakahiya ka!

"Sir?" halos mabunutan ako ng tinik nang dumating si Nurse Loreal dala ang tray.

"Ang aga nyo naman pong pumunta dito, Sir." may halong pang aasar na sabi ni Nurse Marithea

"Excuse me" parang nahihiyang sabi nito at umalis

Di pa ata nagpadaig si Nurse Marithea nang tumalikod na ito ay nag salita muli siya

"Ikaw Sir ah, Sasabihin ko to kay Ma'am yiee" pang aasar nito

May ibinulong pa siya sa sarili niya ngunit di ko klarong narinig kaya naman nang maramdaman kong pinihit na ni Nurse Marithea ang pinto ay agad akong tumalon sa kama at nagkunwaring tulog.

"Good Morning Ma'am Soleil" masayang bati niya sakin

Dahil nga nagtutulog tulugan ako ay umungol lang ako sa kanya. Para kunwari deep yong tulog ko. I'm so brainy.

"Mukhang masarap ang tulog niyo Ma'am" sabi niya habang chrnecheck ata yong dextrose dahil hawak niya ang kamay ko.

Napa sigaw ako ng tanggalin niya ang pagkakatusok nito.

"Ah? Kala ko ba tulog kayo Ma'am? Halos nga di nyo ramdam na pinapalitan kayo ng dextrose pag tulog kayo ih" maloko niyang sabi

Nairita na ako at mimulat na ang mata. Wala na bistado na ih

"So saan po kayo natulog ma'am?" makahulugang tanong niya habang nililinis ang kamay ko na para namang di alam ang sagot.

"Nurse Marithea, makinig ka" iniharap ko ang sarili ko sa kanya

"Nagsleep walk yong lalaking yun at ginambala ako sa gitna ng tulog." sabi ko at patango tango lang si Nurse Marithea habang itinu-tusok ang karayom sa kamay ko.

Nagpatuloy ako para kumbensihin siyang paniwalaan ako. Bakit ba? Di ako nagsisinungaling.

"Look, I'm so sleepy that time and I can't help." umaasang sasagot siya ngunit ngumiti lang ito

"Just believe in me, natulog lang ako nothing less" napahinga ako ng malalim. What a trouble!

"Pag ibig na yan, Ma'am" napasulyap ako sa kanya ng sabihin niya yon.

What the heck? Really? Nurse Marithea?

Nakanganga at nanlaki ang mata ko. Imagine, a sexy-hot nurse said that words? old-fashioned much?

Natawa lang siya sa naging reaksyon ko at humarap sakin.

" Im just teasing you" pilit niyang sabi habang nakangiti

"Stop" ang weird ng smile niya sa totoo lang. Iisipin mo talaga na may lahi siyang witch.

"Joke lang, Ma'am" lalapit sana siya sakin ang hinarang ko ang kamay ko

"I know, get out" nagcrecreepyhan ako sa kanya to be honest.

Sayang, ang ganda niya pa naman. She's not a typical type of a girl. At first or dati , she always wearing cold stares at napaka -sopistikada niyang gumalaw.

At sa nakikita ko ngayon, what the hell? Is she wearing a second face? A hot-cold one and a-wierd-witch?

Napailing nalang ako sa iniisip ko.

At tuluyan na siyang lumabas habang humahagikhik.

"Woah!' Napasinghap pa ko sa sinabi niya

"pag ibig my ass!" hirit ko at pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko.

Pinagpagan ko ang sarili ko at tumalon talon.

Naalala ko tuloy yong nangyari kanina. I am really sleepy. Naalala ko yong pagtama ng araw sa mukha ko and that his face.

Bakit ang lapit naman niya. Is he watching me sleeping? Gaano katagal yun?

"Goodness! What should I do? I must be freak!" Pasabunot ko sa sarili ko

I am really frustrated in this moment na parang gusto ko nalang maging hotdog!

"What should I do? Should I say sorry? But dapat nga magpasalamat siya sakin! Dapat siya yong magsosorry! Ginambala niya ako sa pagtulog ko at nagmalasakit lang ako ang in the end. I ended up may ginawa akong masama? Pero bakit ako humiga?" Iritadong iritado na ko sa sarili ko at parang mababaliw ako sa iniisip ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at natigil ako sa pagtalon talon dahil bigla nalamang itong kumirot.

Nasapo ko ang ulo ko nang makaramdam ako ng hilo at unti unti nang bumagsak ang aking tuhod.

The Sunrise [COMPLETE]Where stories live. Discover now