Chapter 5: Annoying Life
"Your so reckless" asik saakin ng Doctor ko
Wala akong matandaan sa nangyari at nagising nalang ako sa kwartong ito.
"4 days kang unconscious, anong ginawa mo" napalingon ako sa nag aanting na bagang na si Doctor Guerrero.
Ano bang problema nito halos di ko nga maalala na-
Nanlaki ang aking mga mata namg makita kong lumuhod ito sa harapan ko.
"I'm begging you, Sol. Ikaw lang ang pasyente ko sa napakalaking ospital na ito. At kapag hindi kita napagaling. I am just a big failure in my own name, so please help me and help yourself" ani nito
Pinakatitigan ko siya ng maigi at nagsalita
"I have no hope at all. At habang maaga pa Doctor Guerrero ay sukuan mo na ako. Dahil una palang alam na nating lahat na wala, walang pag-asa" pagbitiw ko ng salita sa kanya na parang sinampal ko ito ng matinding katotohanan.
Umalis ako sa lugar na iyon at nagdiretso sa kung saang lugar.
Sa lugar na ito na akala natin at abot kamay na natin ang kalangitan. Ramdam na ramdam ko ang paglipad ng aking buhok na kung saan ay sinasalubong ng aking mukha ang simoy ng hangin.
"Soleil?" napalingon ako ng may tumawag sakin sa likuran
Napakunot ang noo ko sa mukhang tumambad sakin.
"Martin?Anong ginagawa mo dito?" mariin kong tanong sa kanya at napanga-nga naman ito sa gulat
"Ikaw? Anong ginagawa mo rin dito?" aba
"Ako yong unang nagtanong" sa halip na sagutin siya ay sinabi ko iyan
"Ahm... Palagi ako dito, there" turo niya sa isang corner malapit sa tangke
"Doon ang pwesto ko" sabi nito at lumingon sakin
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko ng makalingon na siya sakin.
"Bakit ka muna nandito?" pandidiin niya sa katanungan niya
"Kagaya mo, dito ang pwesto ko" turo ko sa lugar na malapit sa gilid na harang ng rooftop.
"Ahm...palagi ka dito?" napakunot ang noo ko ng umupo siya sa gilid na semento
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko muli sa kanya
Nakaharap lamang ito at nakalaylay ang mga paa. Ito ang rooftop ng hospital na ito. Kung bibilangin ang floors ng hospital na ito ay umabot lamang sa benteng palapag. Na kung saan pang-16 floor ang kwarto ko.
"Naramdaman ko lang na may kasama ako dito at ikaw pala yun, Soleil" sagot nito sa aking katanungan
Kagaya niya ay umupo narin ako sa gilid na semento at inilaylay rin ang paanan ko. Dito sa pwestong ito tanaw mo kung gaano kalawak ang Malabon. Mga buildings, at kalsadang puno ng sasakyan. Maingay man dahil sa ingay ng mga sasakyan at busina nito ay masisigurado mong para kang nakalutang sa pwestong ito.
"Palagi akong nandito para mag-isip. Dito kasi ramdam mo ang kapayapaan" napatingin ako sa kanya ng magsalita ito ngunit nanatiling nakatingin siya sa harap.
"Wag kang ngumiti" usal ko dahilan para tumingin siya sakin
"Bakit may mali ba sa ngiti ko sabi ng mga ibang pasyente dito ang gwapo ko pag nakangiti ako" at dahil doon ay mas lumawak ang ngiti niya dahilan para makangiwi nalang ako.
"Sinungaling" sabi kong muli at tinodo pa ang ngiti nito.
"You are the best liar that I've ever meet in the world aside for myself" pranka kong sabi sa kanya dahilan para unti-unting mawala ang ngiti nito at seryosong napaiwas ng tingin.
"Your eyes is the most honest pero never nalaman ng ibang tao, tama ba ako?" sambit ko sa kanya at di ito kumibo
"Dahil tinatakpan mo ito ng maskara sa pamamagitan ng pekeng ngiti mo" pagbato ko muli ng salita
"At ibahin mo ako sa ibang may mata naman pero di ito makita kita" sabi ko muli ngunit nanatili siyang walang kibo
"Kitang kita ko sa mga mata mo ang kawalan ng pag-asa-" naputol ang sasabihin ko ng lumingon siya sakin at magsalita
"Anong alam mo,wala-"
"Alam ko dahil katulad mo naniniwala rin akong wala ng pag-asa" putol ko sa sasabihin niya
"Na tatanggapin nalang ang isang araw at pagsikat ng araw di na tayo humihinga at-" natigilan ako sa pag sasalita ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko at nanatili lamang na nakatingin sakin si Martin.
"Isang araw, huminto na sa pagtibok ang puso ko" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko
Isang katahimikan ang namayani sa aming dalawa.
"Hinang hina na ako" napalingon ako sa kaniya ng magsalita siya.
"Pagod na rin akong lumaban" nakatingin lamang ako sa kanya
Suminghap muna ito at tumingala sa kalangitan.
"Natatakot din ako"
"Natatakot ako na isang araw..." tumingin siya sakin at kitang kita ko kung paano mag-unahan ang kanyang mga luha.
"Isang araw pag sisihan kong isara ang mga mata ko para itago ang katotohanan. Na isang araw pagsisihan kong wala akong ginawa sa boung buhay ko dahil ang totoo natatakot akong ilabas to. Natatakot akong maniwala na meron pang pag asa kung alam ko namang sa una ay wala talaga. At natatakot rin akong maiwan ang mga gagawin ko kaya ayoko nalang kumilos"
"Pero hindi ba, mas maganda kong nagawa mo ang mga gusto mong gawin. Do what you love naniniwala akong magiging worth it yun"
"Natatakot akong magtake ng risk.Kaya hindi nalang"
"Bakit hindi?"
"Wala ng pag-asa"
Umiling ako sa kanya at inilabas ang natitirang katiting sa buhay ko.
Inilahad ko ang aking mga kamay sa kanya at ngumiti ako.
"Kasama mo ko"
"Sa kamay na ito nandito ang natitirang katiting na pag-asa na gusto kong pagsaluhan natin"
"Dito kasama mo kong gawin ang lahat ng gusto mo, harapin lahat ng kinakatakutan mo, at kasama mo ko hanggang sa mapuno ito. g' kaba?" napakagat ako sa pang ibabang labi ng tumingin ito sakin at ngumiti ako
Sa araw na ito, sa lugar na kung saan ay akala natin ay abot kamay na natin ang langit na kung saan ang alam ng iilan ay dito wala kanang iisipin pang iba .
Sa gitna ng papalubog na umaga, panibagong bukas ang darating hindi lamang para sakin, kundi para rin sa kanya, sa aming dalawa.
YOU ARE READING
The Sunrise [COMPLETE]
Storie d'amoreA story of a young girl named Soleil who have a premature heart disease. She spend her life in the hospital. She have a annoying family that makes her ill more sensitive. In another hand, A doctor named Martin whos been a patients also in the hospi...