Chapter 14

18 3 0
                                    

Chapter 14: Weakest Spot

"Hey? Did you hear me? I said calm down." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil hindi tumitibok ang puso ko mahigit dalawampung segundo na ang nakalipas. May kung anong sumasabit ito at nagpapakirot.

Tarantang pumasok ang Doctor at kasunod roon ang mga nurse. Inihiga akong mabuti sa aking kama at inilagay ang oxygen sa aking bibig.

They pump my chest and monitored my breathing. Sandaling napailing ang doctor at nang matapos na nitong pakinggan ay napatikhim siya.

"Soleil? Soleil anak!" boses agad ni Mommy ang narinig ko at nang lingunin ko siya ay tila naabala sila sa pagtulog at patakbong pumunta rito dahil nakapadjama sila.

Agad na pinigilan si Mommy na lumapit at ganon din si Daddy at Kuya. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanilang mga mata. Na kahit nagpipigil sa pagpikit at nanghihina.

"Alright, Soleil all you having to do is breath naturally 'okay?" ani ng Doctor dahilan para mapatango ako at sumunod sa sasabihin niya.

May kung ano silang isinaksak sa katawan ko at bakas ang pagkataranta ng ilan.

"Pulse, 1 hour; 143. Very low" ani ng isang doctor na nagsuri ng aking pulsuhan.

Nanginginig na ang talukap ng aking mga mata ngunit ayokong isara iyon.

Dinig ko sa malayo ang paghagulhol ng pamilya ko. Gustuhin ko mang di nila masaksihan ang eksenang ito ngunit lamang ang pag aalala mula sa kanilang mga mata.

Ganun nalang ang nakita ko bago ako kapusan ng hininga at mandilim ang paningin ko.

Ayoko pa

Di ako makapaniwalang naimulat kong muli ang mga mata ko. Inilagay ko ang kamay sa aking dibdib at pinakiramdaman ang puso at labis ang saya ng maramdaman kong tumibok ito.

Mabagal at wala sa ritmo.

Naramdaman kong may humaplos ng aking noo at napatingin ako sa taas. Nakita ko si Daddy.

Matipid akong ngumiti at iniabot ang pisngi niya at pinunasan ang dumadaloy nitong luha.

"D-Daddy" nanghihinang usal ko at tinawag ang aking ama.

"A-Anak ko" mula sa pagkakatayo ay yumuko ito para mayakap ako na nakahiga.

"A-Ako nalang. A-Ako nalang P-Panginoon. W-Wag na ang a-anak ko" naramdaman ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"D-Daddy" di ko na rin maiwasang umiyak dahil nakikita kong umiiyak ang Daddy ko.

Ramdam ko ang paghihirap nila sa ganitong oras. Lahat ng araw wala silang ibang inintindi kundi kapakanan ko at sa kagustuhan nilang iligtas ako na mismong pinaghirapan nilang salapi ay handa nilang itaya ngunit huli na ang lahat.

Boung buhay ko, I've been torturing myself to give up. Na wala nang ibang paraan para gumaling ako. Na hindi na malulunasan ang sakit ko. Na wala na talagang pag asa sakin.

Wala ng dahilan para mabuhay ako dahil noon sapat na sakin noon na hintaying tumigil ito.

Ngunit bakit ngayon. Sinisisi ko ang sarili ko dahil ganun na lamang kadali sakin noon na tanggapin lahat. Hindi ko inisip ang mga taong ito na lubos ang pagmamahal sa akin.

Ganun na lamang ang kagustuhan kong tanggapin lahat. Pero masakit para sakin na ngayon ay nahihirapan sila mismo sa kalagayan ko.

At kung may hihilingin man ako ngayon na sana ay noon ko pa hiniling ngunit huli na.

Gusto ko. Gustong gusto ko pang mabuhay ng matagal. Ayoko silang iwan ng ganito na malungkot. Ayoko pa, please.

"S-Soleil? Anak si Mommy ito. Lumaban ka please. Wag mo kaming iwan anak. Wag muna ako. Hindi ko kakayanin." nanghihina man ay pinilit kong ngumiti at ipakitang may lakas pang natitira sakin.

"Anak, I don't know what to do anymore. Anak, wag mo munang iwan si Mommy please" di tumila ang luha ko sa pagbagsak habang nakatingin mismo sa ina kong nagmamakaawa ngayon saking harapan.

"I wish I could give my heart to you..." napailing ako sa sinabi niyang iyon

"...so that you could be able to survive..." No Mommy

"...you said you really like to go school, you really want to be a doctor someday 'diba?" I really want it Mom but its not what you thinking

"...I want you to become a doctor too, Soleil" but I can't, I'm dying.

Naramdaman kong muling huminto ang puso ko at manghina. Ganun nga ang nangyari, ipinikit ko ang mata at hininga ng bahagya.

Ganito ang sintomas ng sakit ko. Mas lumalala. Kung dati ay labis na lamang ang bilis ng pagtibok nito ngayon ay tila pumahinga at bumagal. Sobrang bagal. Tumitila.

Mapait akong napangiti ng bumungad nanaman ang panibagong umaga sa akin. Kahit hinang hina ay pinilit kong tumayo upang buksan ang bintana.

Napapikit ako ng dumapo ang sinag ng araw sa aking mukha. Lumabas ako rito at hinawakan ang reles nito.

"Ang ganda mo." Natigilan ako ng marinig mula sa gilid ang boses na iyon.

Agad akong lumingon dahil sa sabik na makita siyang muli at sa pagkakataong ito ay di ako nabigo.

Nagsalubong ang aming mga mata at dahan dahan akong humakbang papunta sa kanya.

Pinilit kong pahabain ang kamay ko para hamplusin ang pisngi niya ngunit ng marating ko ito ay nagbabagsakang luha ang bumuhos sa pisngi niya.

"B-Bakit ngayon kalang?" nahihirapan man ay pinilit kong itanong iyon sa kanya.

"S-Soleil." Mahinang usal nito habang humahagulhol sa iyak.

"A-Ang mga mata mo, iyan ang p-pinakamamahal kong t-tignan. Ang l-labi mo, n-ngiti mo." hinawakan ko ang gilid ng kanyang mata at gilid ng labi nito.

"B-boung bou ang araw ko sa t-twing nakikita ko yan"

"M-Mahal na mahal kita." sinapo niya ako sa pagkakatumba.

"P-Patawarin mo ko." umiling ako sa sinabi niya.

" P-Patawarin mo ko, S-Soleil." at roon ay namataan kong humagulhol na rin ito sa iyak.

Ayoko na. Ayoko na makita na umiyak ang mga taong mahal ko. Bakit ganito? Bakit nangyayari to?

Kung kailan may dahilan na ko para piliing lumaban. Kung kailan gustuhin ko nang manatili. Kung kailan gusto ko pa silang makasama.

Bakit ganito? Bakit humina na ang pagtibok mo?

Bakit kailan pang mangyari ito?
Titila na ang tibok nito.

The Sunrise [COMPLETE]Where stories live. Discover now