Chapter 15: Hopeless Lights
Lumipas ang araw na iyon ay Hindi ko na muling nakita pa si Martin. Mag tatatlong araw na rin mula ng makita ko ito.Walang araw na hindi umaatake ang sintomas ng sakit. Palala ng palala at ang pinakamalala pa ay ang biglaang paghinto nito.
Ngunit sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat pa rin ako sa araw araw na gumigising ako mula sa pagkakapikit.
Iyon na lang ang tanging kasiyahan ko. Ang makita muli ang mga magulang ko, si kuya at hinataying magpakita muli si Martin. Kasiyahan ko na iyon, simpleng bagay kong maituturing.
"Want some air?" biglang tanong ni Kuya dahilan para mapatango ako bilang tugon.
Inayos nito ang wheelchair at inalalayan ako sa pag-upo. Lumabas kami ng kwarto at sandali akong napatingin sa katabi ng kwarto ko, kwarto ni Martin.
Hinintay ko ito ng segundo at nag baka sakaling bubukas ang nakasara nitong pinto ngunit ginaya na ako ni Kuya.
Samu't saring bati ng mga kapwa ko pasyente ang narinig ko kahit na hinang hina ay sinikap kong abutin ang mga kamay nila na makikipag kamayan saakin.
Pati rin ang mga bata na humalik pa sa aking pisngi. Naging emosyonal ako sumandali ng dalhin ako ni kuya sa dulong bahagi ng garden na ito, ang parteng ito na pinagdaosan ng kaarawan ko.
Nakaupo lamang ako sa wheelchair at nilibot ng mga mata ko ang paligid. Mula sa pwesto ko ay amoy na amoy ko ang bulaklak sa paligid ngunit tinalo nito ang amoy niya.
His scent like a vanilla. Di ko lubos mawari at gustong gusto kong iharap sa likuran ang wheelchair na ito kung saan alam kong nasa likuran ko siya.
"What's wrong Soleil?" narinig kong tanong ni Kuya sa likuran din.
"Kuya, h-he's here n-nandito si Martin" naramdaman kong lumingon si Kuya sa likuran at natigilan.
"Kuya? He's here, right?" pag asang tanong ko rito.
Suminghap muna ito bago sumagot.
"Yes Soleil, he's here" napangiti ako sa sinabi niya.
Naramdaman kong inalis ni Kuya ang kamay sa wheelchair at umatras palikod. Atsaka lumapit si Martin roon.
Mula sa likuran ay gustong gusto kong humarap sa kanya. Gusto ko siyang makita.
"M-Martin?" usal ko ng pangalan niya.
Ngunit nanatili lang ito roon.
"I m-miss y-you" napakagat ako ng labi at pinigilan ang pag-iyak.
"I love you." ganon nalamang tila tinunaw ang puso ko ng marinig ang boses niya.
"I l-love you too." mahal na mahal Martin. Kahit nahihirapan gustong gusto ko siyang makita ngunit bago pa ako makalingon sa likuran ay sinalubong na niya ang labi sa labi ko.
Ganun kabilis niya siniil ang labi ko sa halik at pinikit ang aking mata. Nang matapos iyon ay ni hindi ko halos makilala si Martin.
Napatingin ako mismo sa kanyang mga mata. Nag alala ako sa nakita ko. He's hopeless eyes. Bakit nakikita ko muli ito?
"M-Martin?" utal kong sinabi ang pangalan niya.
Ngunit binigyan niya lamang ako ng ngiti. He's hair, at muli kong naalala kong bakit siya pala narito sa ospital. Martin has a brain cancer.
"They shaved it." sabi nito at hinawakan ang ulo.
"There's a o-operation right Martin?" pag- asang tanong ko sa kanya.
Hindi pwede, kailangan niyang operahan. Kailangan niyang ma operahan.
"I didn't take-"
"Martin!" singhal ko sa kanya
"What's wro-"
"What's wrong with you!" bulalas ko sa kanya na tila nag pagulo ng utak niya dahil sa sandaling iyon.
"May paraan para gumaling ka Martin!" Sabi ko rito.
"C'mon Soleil were not going to argue with this" umiling ako at akmang hahawakan ngunit pumiglas ako.
"How could you! May pag-asa ka pang mabuhay Martin. Wag mo namang sayangin"
"Take the operation and live please" sabi kong muli
"Soleil, nothings gonna saved our lives" tila gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.
"I almost dying waiting for that operation and what if hindi nila magawa? Paano kong sumablay? Hihintayin ko nalang. Kagaya mo, hihintayin ko nalang Soleil so for today let's enjoy this for awhile" umiling ako sa sinabi niya.
"No, kung may paraan pa. You should a risk. Huwag mong pangunahan ang mga bagay bagay Martin. Nothing's gonna saved my life except you."
"May paraan Martin. Huwag mo sanang sayangin. Parang awa mo na" patuloy nang bumagsak ang mga luha ko.
"Wala na akong pag-asa. I am really dying Martin. And you, kailangan mong mabuhay"
"I can't." doon ay ramdam ko na ang kahinaan niya.
"Living without you is hopeless. Every time I sit in the dark corner of my room I want you. I always want you by my side to give me lights. So that I could live everyday."
"Soleil you gave me hope. Binigyan mo ako ng bagay na magagawa ko lang ng masaya kasama ka."
"I just want to be with you"
Nanghina ako sa sinabi niya. Tila kinapusan ako ng hininga dahil sa takbo ng isip niya.
"I want you to live. Gusto kong itake mo yong operasyon Martin" bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko
"Hihintayin kong gumising ka Martin. Dito lang ako di muna ako aalis. Hihintayin kita" sabi ko mismo habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"I'm not going to leave you hanggat di kapa nagigising kaya kukunin mo ang operasyon" ako mismo ang nagdikta sa kanya.
"I'm scared"
"Wala ka dapat ikatakot. Remember, you said you will take a risk for me to survive. Take this for me. You need to survive."
"May mga bagay kapang dapat maipakita sa mundo Martin. You need to take this para ikaw naman ang sumaya. I am going to guide you everyday."
Sinabi ko lahat ng salitang magpapagaan sa kanya. He's totally scared.
Natatakot siyang sumablay ang operasyon at natatakot itong maiwan.
Di ko lubos maisip kong ano ang nangyari sa kanya ng mga araw na di siya nagpakita. Kagaya ko may pagbabago rin sa kanyang katawan. He's suffering too.
Sa pagkakayakap ay ramdam na ramdam ko ang higpit nito mula sa kanya.
I am too.
"I want to be with you too, Martin"

YOU ARE READING
The Sunrise [COMPLETE]
RomanceA story of a young girl named Soleil who have a premature heart disease. She spend her life in the hospital. She have a annoying family that makes her ill more sensitive. In another hand, A doctor named Martin whos been a patients also in the hospi...