Chapter 12: Insight of the Sun
Gaya nong nakaraan ay walang araw na hindi ko hinintay si Martin. Sumubok akong puntahan siya sa kanyang kwarto ngunit pinigilan ako ng mga Nurse niya dahil sensitibo daw ang ginagawa niya.
Ayaw niya ring magpapasok dito kung kaya't di na ako nagpumilit. Isang paraan nalamang ang ginawa ko para malaman niyang di siya nag-iisa at kasama niya ako.
Sumulat ako ng liham sa kanya at ipinaabot iyon kay Nurse Marithea.
Lahat ng makakaya kong salita na magpapagaan sa kanyang loob ay isinulat ko roon.
Pati na rin ang kung paano ko kagusto na siyang makasamang muli at mayakap.
Ganon na lamang ang labis na tuwa ko ng tanggapin niya iyon. Di naman na ako umasa na tutugon ito dahil sapat na sa'kin ang tanggapin niya iyon.
"Time for your meds" nakangiting bungad ni Nurse Marithea at iniabot sa'kin ang baso ng tubig at gamot.
Agad ko itong ininom at nang pagkaraan ng minuto bago lumabas si Nurse Marithea ay nakaramdam ako ng panghihina at sakit sa dibdib.
Kumikirot ito at mahigpit na pinipiga. Sa bawat pagtibok niya ay ganon nalamang kahigpit ang pagkakapiga dito.
Dumaing ako sa sakit at humigpit ang kapit ng isa kong kamay sa bedsheet ng kama ko habang ang isa ay hawak hawak ang dibdib ko.
Pinilit kong abutin at boung pwersang pindutin ang emergency button ngunit nalaglag ako sa kama sa sobrang panghihina.
Malakas ang kabog nito na parang kaunting kaunti nalamang ay sasabog na ito.
Sa wakas napindot ko ang button ngunit bago pa makarating ang mga nurse ay dumilim na ang paningin ko at humandusay na sa sahig.
Nagising ako ng marinig ang paghagulhol ng aking ina sa aking tabi. Hawak nito ang kamay ko ng tuluyan ko nang maimulat ang mata ay tumambad sakin ang Daddy at si Kuya.
"Anak ko, wag mo kong iwan" usal ni Mommy at hinaplos ko ng mariin ang pisngi nito.
Pinipigilan kong lumuha ng pumunta din sa pwesto ni Mommy si Daddy at hinawakan din ang kamay ko.
"I'm sorry Sweetheart, I am so sorry" di ko na napigilan ang pagluha ng aking mga mata.
Wala nang mas sasakit pa na makita ang mga magulang mong lumaban ka ngunit wala nang ni isang katiting na lakas ang sarili ko.
Lumapit si Kuya at hinalikan ang aking noo. Kagaya nila Mommy at Daddy ay hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib ko at inilagay ang noo roon at lumuhod na rin.
"Please hold on, hold on My baby" bulong nito habang humahagulhol narin sa iyak si Kuya.
"I will" kahit nahihirapan ay inusal ko ang salitang iyon na umaasang magpapagaan ng kalooban nila.
Ramdam ko ang panghihina dahil sa samut saring luha na inilabas ko at hindi ko inaasahang sa pagkakahigpit ng hawak ko sa kanilang mga kamay ay kasabay ng pagpikit ng mata ko ang pagkakabitiw ng pagkakakapit ko sa kanila.
Kinabukasan, saktong pagkamulat ko ng mata ay nagising si Kuya sa tabi ko.
"Hey, Good Morning." nakangiti ngunit may lungkot sa kanyang mga matang bati nito sakin.
"Good Morning Kuya" di ko alam kung parang ito ata ang unang beses na sinabi ko ang salitang iyon sa kanya at mas lalo itong napangiti at hinaplos ang aking noo.
Pakaroo'y pumasok si Nurse Marithea hawak ang tray ng pagkain at medisina.
Agad naman itong kinuha ni Kuya Thrian sa kanya at sandali silang nagkatitigan. Kitang kita ko sa dalawa kong mga mata kong paano dumaloy roon ang enerhiya at napangiti sa nasasaksihan ko.
Natauhan naman si Nurse Marithea at tuluyan nang binigay kay kuya ang tray ng pagkain at humarap ito sakin para ibigay ang tray ng medisina.
"Your meds, here" napatango ako sa kanya ng ipatong nito ang tray sa gilid na table.
"Your foods, here" singit naman ni Kuya at ipinatong saakin ang tray na pagkain ang laman.
Umupo na ako at magsisimula ng kumain ng makita kong hindi pa sila umaalis sa kinatatayuan nila.
Nagkunot noo ko silang tiningnan.
"I'm going to watch you and make sure you drink your meds" ani ni Nurse Marithea
"Finish your food" usal naman ni Kuya
Nakaisip ako ng kalokohan at agad na napangiti.
"What are you smiling at Soleil?" nerbyos na tanong ni Kuya
"You look good to each other" hindi ko pa natatapos ang sentence ko ay nanlaki ang mata ko ganun din si Kuya dahil biglang sininok si Nurse Marithea
Nawala ang tingin ko kay Nurse Marithea ng tumakbong kumuha ng bottled water si Kuya at iniabot kay Nurse.
Napatip nalang ako ng bibig ng buksan iyon ni kuya at iniabot kay Nurse Marithea at siya namang agad na tinanggap nito.
I smell something.
"Thank you" usal ni Nurse ng makahiya na siya ng maluwag.
"Are you okay?" naglipat ang paningin ko ng tanungin iyon ni Kuya.
Para akong nanonood ng k-drama na live sa nangyayari. At Kuya ko ang pinakapoging oppa at si Nurse Marithea yong magandang nurse. Kinikilig ako.
Tila natauhan na si Nurse Marithea at inalis ang pagkakatitig nito kay Kuya.
Napansin ko rin ang pamumula ng mukha nito ng humarap na ito sakin.
Ramdam niya ang mapangasar kong tingin at dali daling itinuro ang emergency button.
"Here, call me pagtapos kana"sabi niya at dali dali lumabas ng kwarto ko.
Ang obvious mo bEh!
Napailing nalamang ako at natatawang tiningnan si Kuya at parang pinagbagsakan ito ng langit at lupa.
" Kuya? You okay?" tanong ko sa kanya at napahawak lamang ito sa puso.
" Did you hear that?" wirdong tanong nito sakin habang napahawak sa dibdib
Binigyan ko siya ng pambobong tingin dahil wala akong marinig bukod sa tunog ng monitor.
Napahawak nalang ito sa ulo at tumakbong dumapa sa sofa at tinakpan nito ang mukha.
Mukhang may nagsasayang puso ngayon . Masaya akong makitang ganyan si kuya. How I miss his old self. At natutuwa akong makita na bago ako mawala ay bumalik ito sa dating siya
Di ko tuloy maiwasang maisip si Martin. Is he doing well? Kumusta na kaya siya?

YOU ARE READING
The Sunrise [COMPLETE]
RomanceA story of a young girl named Soleil who have a premature heart disease. She spend her life in the hospital. She have a annoying family that makes her ill more sensitive. In another hand, A doctor named Martin whos been a patients also in the hospi...