Chapter 16

17 1 0
                                    

Chapter 16: Blink of the Light

He take the operation. Nag aalinlangan man ay sinunod ako ni Martin. Wala siyang magawa dahil ako na mismo ang nagmakaawa.

I have no guts at all. Ayokong mahirapan siya. At ayoko ring masaktan siya.

Ako? Magsisinungaling ako pag sinabi kong di ako nasasaktan. My soul is deeply dying inside seeing my love crying in front of me. I can't be selfish this time.

Ang puso ko habang tumatagal ay para itong nilulusaw. Mainit at masakit ang bawat kaunting tibok nito.

I'm suffering to much as I expected. Pero ininda ko lahat yun para maipakita kay Martin na malakas pa ko.

"Huwag mo kong iwan." he said while looking at me.

Ihahatid namin siya kasama ako sa operating room. Sa nakikita ko ngayon he's very hopeless. Bumalik ang dati niyang mata na pinaka ayaw kong tignan.

Umiling ako sa kanya at sinikap na abutin ang mukha nito. Habang ako ay nasa wheelchair at siya ay nakahiga sa hospital's bed.

"Bilisan mo ah, hihintayin kita." nahihirapan man ay sinikap kong sabihin iyon at binigyan siya ng ngiti.

Napabitaw ako sa kanya ng hilain na ng mga nurse ang kamang de gulong at pati na rin ang wheelchair ko paatras.

Tuluyan nang bumagsak ang luha ko ng bigla siyang sumigaw ng "Hintayin mo ako, Soleil".

Mula sa malayo ay hindi ko inalis ang paningin ko hanggang sa magsara ang pinto.

Napahagulhol ako sa iyak dahil sa sobrang sakit na iniinda ko. Pisikal at emosyonal. Kasabay ng pagkirot ng puso ko na pinipiga sa sakit ay ang pagkawasak ng mundo ko sa bawat luhang pumatak sa taong mahal ko.

Masakit para sa'kin na makitang ganoon nalamang kahirap ang lahat. Hindi mapapantayan ng kahit ano ang sakripisyong iyon. Taking risk for your own life, kailangan mong magtiwala.

Nagsimula ng umandar ang orasan hudyat na nagsisimula na sila. Hindi mawala wala sakin ang pag aalala.

Martin, alam kong matapang ka. Isipin mong andito lamang ako sa tabi mo. Hindi ako mapapagod na labanan ang sakit na ito. At sa huling tibok nito pinapangako kong hawak ko ang mga kamay mo.

Ganoon na lamang kabilis ay tinalikuran ko na ang pinto ng kwartong 'yon. Hinila na nila pabalik sa kwarto ko ang wheelchair.

Lumipas ang umaga, tanghali at gabi ay ni isang minuto ay hindi ako tinantanan ng sakit ko. Pakirot ng pakirot at palala ng palala.

Pinili ko itong labanan di para sa sarili ko. Para ito kay Martin at sa puso't kaluluwa ko. Handa akong mahirapan at pipiliin kong mahirapan maantay ko lang siya.

"Breath Soleil." ani ng Doctor na kuya ni Martin.

Sinunod ko ito at nilabanan ang masakit na pagkirot nito.

"Oxygen." isinalpak sa labi ko ang oxygen.

Nahirapan akong huminga dahil mabagal ang pagtibok ng puso ko.

Isang oras hanggang dalawang oras tumatagal ang ganitong eksena. Pagkatapos, mawawalan na lamang ako ng malay.

Paggising ko bubungad ang maingay na aparatus at nakakabit saking kung ano ano.

Nakatulala lang ako sa pagkakahiga. Walang katao tao sa kwarto ko at mag isa lamang ako.

At sa pag iisa ko nakaramdam ako ng takot. Takot na baka walang dumating pag umatake ang sakit ko at takot sa baka biglang bumigay ang katawan ko.

Palaging pumupunta sa kwarto ko si Nurse Marithea tuwing break time niya at pakiramdam ko nagkaroon ako ng ate sa katauhan niya.

Si kuya, I know his doing well. Palagi siyang nagdadala ng pagkain at healthy foods palagi ang dala nito. Nabalitaan ko rin na naggraduate na si Kuya ngayon. Gusto ni Kuya na andoon ako sa graduation niya kaya inihanda na nila Nurse Marithea at Trisha ang private ambulance.

"BS Criminology, Suma Cumlaude, Farr, Eleonor Thrian" lumaki ang pagkakangiti ko ng makita sila pati nila Mommy sa Stage.

Inabot ni kuya ang diploma at nakipagkamay saka humarap at tinama ang mata sakin. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya at the same time nakapaligid doon ang lungkot.

Di ko man siya mapalakpakan alam kong alam niya kung gaano ako kaproud sa kanya.

Kinuha niya ang mikropono at bumuntong hininga muna bago  nagsalita.

"May nakapagsabi sa'kin noon na ‘‘Life is too short to waste a second’’ na habang nabubuhay pa tayo ay ienjoy natin ang buhay. Gawin natin ang mga bagay na makapagpapasaya sa'atin. Iaachive lahat ng karangalan na makukuha natin sa pagsisikap at paniniwala. Ngayon, I still can't believe that I've been achieve my dream and my joyful greatest desire. She said ‘you can do it’ and she always cheer me up." nakatingin saakin si kuya at alam kong ako ang tinutukoy nito.

Naalala ko lang ang lahat ng masasayang ginawa namin ni Martin. Wherein we don't waste any seconds of it and we wished we could enjoy those for a lifetime.

"Gawin lahat ng makakapagpasaya sa sarili mo. Dahil sa ganoong paraan mo dapat alalahanin ang mga alaala. Those happy memories make her alive now. And I am very thankful for that memories because he make her alive hanggang ngayon."

Bumagsak ang luha ko, he. Binigyan niya ako ng dahilan para mabuhay at magpatuloy lumaban.

"My sister, Soleil. She is my angel. Kaya Soleil, mahal na mahal ka ni kuya. Sobra sobra yong tapang at lakas na binigay mo sakin kaya ako nandito ngayon." Naramdaman kong umiiyak na rin ang mga taong nanonood pati narin ang mga nasa stage.

Pati sina Mommy and Daddy. Maya maya pa ay may nagbigay saakin ng mikropono.

Si Nurse Marithea ang naghawak nito.

"Kuya, Mommy and Daddy, I don't know why they give me a microphone but I just want to say I love you so much. I will keep breathing and breathing the same air as yours everyday. And I will never tired begging to God that give me more days to be with you. Thank you so much for keeping my words Kuya. And thank you for loving me so much more than loving my own self. I promise, I will continue to live everyday and shining for a lifetime"

I always will because I am the Sun.

The Sunrise [COMPLETE]Where stories live. Discover now