Chapter 10

25 3 0
                                        

Chapter 10: Portrait Of The Sunlight

Napagpasyahan naming pumunta ni Martin sa rooftop ng ospital. Tatlong araw na rin ang nakalipas mula noong pinagdiwang ang aking kaarawan.

Tirik na tirik na ang araw ngunit di pa ako sinusundo ni Martin sa kwarto.

Di kaya nakalimutan na niya ito? Baka may check up siya? Tatayo na sana ako para puntahan ang room ni Martin ngunit biglang bumukas ang pinto at laking gulat ko ng tumambad sakin si Mommy.

"I'm doing great, my treatments is good and-" sasabihin ko sanang malapit na akong mamatay ngunit kinabig na niya ako sa bisig niya at kinulong sa yakap.

"I-im s-sorry" narinig ko ang paghikbi ni Mommy.

"I'm very sorry anak' napaka walang kwenta kong -" pinigilan ko siya sa nais niyang sabihin.

"No, your a great mother" di ko na napigilan pang yakapin ito pabalik.

"Di ko na alam ang gagawin ko anak. Kung may magagawa lang ako para tuluyan ka nang gumaling." hagulhul na sabi nito

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Mom, its okay. I am ready besides I've been suffering a lot at hindi ko maitatago ang totoo dahil kitang kita mismo" mapait na ngiti ang binigay ko sa kanya.

"I look horrible, I am pale, I am strong outside but am so weak inside. I knew it Mom, tanggap ko na that one day will come, titigil siya sa pagtibok" hawak ko sa aking dibdib.

"And when that day comes please be happy Mommy because I no longer felt pain. I am free." wala nang mas sasakit na nakikita mong humahagulhol ng iyak sa harapan mo ang iyong Ina.

"I love you so much, Soleil"

Nang matapos iyon ay nagpaalam na ang aking Ina. Masaya ko siyang hinatid pa-alis ng ospital. Naramdaman kong tumabi sakin si Martin at napayuko ako para silipin siya.

Nakangiti ako dahil bakas ang nerbyos sa kanyang mukha.

"Thank you" usal ko ng mag angat ako ng tingin sa unahan.

Nang lumingon ito'y hinarap ko siya. I gave him a smile.

"Dahil jan, idradrawing mo ko" nagulat ako sa sinabi niya

"What- No!" asik ko sa kanya at naunang tumalikod.

"Bilis na!" parang batang usal niya at hinabol ako.

"Wala akong ga-" sasabihin ko palang na wala akong gamit ngunit ipinakita na niya ang iba't ibang klase ng acrylics and oil pati narin illustrations at ang nakaka-laglag ng panga ay ang kahoy na stande.

"How did you get this?" literal na nanlaki ang mata ko sa ipinakita niya

Do you know how heavenly feeling goes in my soul as an artist kapag may mga ganito sa paligid.

"I know your feeling" nakangiti nitong sabi sakin at wala na akong magawa kundi kabigin ito at yakapin.

"Let's go to the rooftop" aya nito at tumango naman ako sa kanya.

Nang maka-akyat kami ay isa isang inayos ng mga free-nurse ang gamit at nagpaalam nang matapos ito.

Umupo ako sa isang bangko at humarap sa illustration na nasa aking harapan. Doon sa gilid nito'y nakahilera ang samu't-saring mga pang paint.

Humarap ako kay Martin at nakita kong nakatingin ito saakin na may malapad na ngiti sa kanyang labi.

"Glad to see your beautiful smile everyday because of me" ani nito na nagpatunaw sa aking puso.

Yes, I smile everyday just for you. As the sun was bright so as smile bright too.

"Portrait me with the Sun" turo nito sa araw na nasa taas.

Tumango ako at kinuha ang lapis. Dito di ako nag-alinlangang simulan ang obrang iyon na may ngiti sa aking labi.

Mula sa kanyang mata na ang pinakapaborito kong parte ng kanyang mukha. Sumunod ang kilay, ilong at kaunting detalye sa mata nito. Kinuha ko ang paintbrush at acrylic. Sinumulan mong ihagod ito at makuha ang tamang tekstura. Doon nalamang napansin kong may kulang sa kanyang mata.

Tiningnan ko siya at senenyasang lumapit at inilapit naman nito ang kanyang mukha. Mariin kong hinawakan ang kanyang pisngi at sinuri ang mata niya. Doon ko napagtanto ang maliit na nunal sa gilid ng mata nito agad akong napangisi at binitawan ang kanyang mukha at kinuhang muli ang brush. Kalahating mukha na niya ang naipinta ko.

Sa parte na ako ng kanyang labi. Kahit ata di ako tumingin dito ay kabisado ko ang kanyang labi. His perfect heart-shaped lips that captivated my heart.

Ngunit di ko pinalampas ang nunal muli sa gilid ng kanyang labi.

Parang nagkaroon ako ng idea na halikan ang lahat ng nunal sa mukha nito. Wild

Sinenyasan ko muli siya na ilapit ang kanyang mukha. At ng mailapit niya ito ay dinampian ko ng halik ang nunal sa gilid ng kanyang mata at sa gilid ng kanyang labi.

Nakita ko kung paano ito magulat sa ginawa ko at naestatwa sa kinalalagyan nito.

Lihim nalamang akong napangiti at pinagpatuloy ang aking ginagawa ngunit di nakaligtas ang mga labi ko ng sunggaban niya ako ng halik sa labi.

Nagtagal ito ng limang Segundo saka siya bumitaw at pangiti ngiting bumalik sa pwesto. Napailing na lamang ako sa kawalan ng ideya sa ginagawa niya.

"Can you sing the song for me" napantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Its not yet done" maikling sagot ko nalamang.

"Kailan mo kakantahin uli yun?" nakanguso niyang tanong

"When its finally done" I surely answered him.

"Your so amazing" he smiled

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

I write the song for him. At ipaparinig ko ito sa kanya soon.

Nang matapos ko ang portrait ng mukha at katawan niya ay nalimutan kong pinapaguhit nito ang araw.

Bat araw pa kung pwede naman na ako? I am Sol kaya and it means Araw in Tagalog.

Kaya imbis na araw ay sarili ko ang ipininta ko. Dalawa kaming nasa painting at sa gitna nito sa taas ay nilagyan ko ng araw at sinag nito.

Nakangiti ako ng matapos ang obra. I put my sign on it and the date today. And I put a title of this work.

The Sunrise (Martin and Soleil's Love Story)

The Sunrise [COMPLETE]Where stories live. Discover now