Chapter 18

17 1 0
                                    

Chapter 18: Night of Beginning

Nakatingin lamang ako sa kawalan. Tahimik na nilalabanan ang pagkirot ng dibdib at panghihina ng katawan.

Ni pagpikit ng mata ay di ko kakayaning gawin. Dahil natatakot ako sa posibleng mangyari kapag tuluyan ko na itong ipinikit.

Hihintayin kita Martin.

Ang mga salitang 'yan na lamang ang pinanghahawakan ko sa mga oras na ito. Walang kasiguraduhan ngunit umaasa ako.

Umaasa na maayos ang lagay nito at makita muli siya. Ibang iba na ang mukha ko ngayon. Dinaig ko pa ang buto't balat na saranggola na lumulutang sa himpapawid.

Nakatingin lamang ako sa bintana ng aking kwarto na kung saan pilit na sumisilip ang sinag ng araw. Nangangatal ang kamay ko at paralisado na ang boung katawan.

Ngunit kahit ganoon ay mas pinili kong maghirap. Piliting labanan ang sakit. Palala man ito ng palala. Tinanggihan ko ang alok nilang tanggalin na lamang ang puso ko para di na ako maghirap. Kahit sinong tao magulang mo man ay ninanais na iyon para sa sarili mo mismo.

Ngunit hindi ako. Gusto kong natural akong mawawala sa mundo. Na kahit nahihirapan na akong lumaban at labanan ang pagkirot nito.

Gaano man kahirap ay lalabanan ko. Hihintayin ko naman ngayon ang taong mahal ko.

Narinig ko ang pagkatok sa pinto at ang pagbukas non. Tumambad at nagsalita sa harapan ko si Nurse Marithea.

Mapait siyang ngumiti at kitang kita ko ang pagpipigil ng kanyang luha.

"Hi." mahinang bati nito at sinikap kong bigyan siya ng ngiti

"Its my break. And I just- I just want to check you." nauutal man ang alam kong sinikap niyang sabihin iyon.

Ngumiti ako sa kanya at di na nito napigilan pa ang dahang dahang pagbuhos ng kanyang luha.

"Masakit. Di ko man ramdam pero sa tuwing nakikita ko kung paano mo ito labanan, humahanga ako."

"Boung buhay ko ngayon lang ako nakatagpo ng matapang na taong kagaya mo"

"Your a warrior."

Nakatitig lamang ako sa kanya. Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Para na kitang kapatid. Your so precious to me Soleil. Hindi lang kita basta pasyente. Kundi kapatid na rin ang turing ko saiyo"


"Naalala mo ba noon. Intern palang ako kilala na kita. Nakita kita non sa labas ng kwarto mo at nagmamaktol na isara lahat ng bintana dahil ayaw mong maarawan o masikatan ng araw. Doon palang kita ko na kung sino ka, Soleil."

Nakatingin at taimtim lamang akong nakikinig sa kanya.

"Sobrang tuwa ko noong denistino ako sayo. Kasi makikilala kita at magsasama tayo. In more than 1 years, I am the happiest nurse in the world dahil napagsilbihan kita."

"I've been watching you at all time. Kung paano mo iwasan ang araw at palihim na nakikipaglaro sa sinag nito. Kitang kita ko lahat. Pati na rin ang kung paano mo talaga kagusto ang araw. Dahil alam mong sumisimbolo ito ng pangalan mo, Soleil."

"Natatakot ka rati na sa araw araw paggising mo di muna makikita ang araw kung kaya't iniiwasan mo ito."

"Ngunit ngayon, araw araw kung nakikita sa mga mata mo. Na sa bawat pagsikay ng araw bumubungad ang magandang ngiti mo."

"Tama nga siya, sobrang ganda mo." doon ay natigilan siya ay pinunasan ang tumutulo nitong luha.

Naramdaman ko rin ang pagbagsak ng aking mga luha.

Sa tuwing nakikita ko ang araw, nawawalan na ako ng pag asang magkaroon muli ng bukas para sakin. Sa akin noon ang pagsikat ng araw ay isang napaka laking kalokohan.

Na sa bawat pag sikat nito ay kasayangan lamang ng aking buhay.

Ngunit ngayon, sa tuwing nakikita kong sumisikat muli ang umaga. Pagkamulat ng aking mga mata, hinihintay ko ito.

Dahil panibagong araw ang ibinigay sakin ng Panginoon at doon, nagpapasalamat ako.

Dahil sa bawat pagsikay ng araw, pinapahalagahan ko ang bawat segundo nito. Hindi ko iniisip ang kasayangan nito.

Pakiramdam ko, ito ang araw na kung saan pinaka- hihintay ko sa bawat araw na nagdaan.

Ang araw na ito ang nagbibigay ng bawat lakas ko sa araw araw.

Sa pagpikit ng aking mata, inalala ko lahat ng masasayang alaala.

Kung paano ko tignan ang kanyang mga mata.

Hawakan ang kanyang mukha.

Ang pisngi at labi nito.

Ang kamay at ang paghaplos sa puso ko sa bawat ngiti nito.

Oras na Martin, Hindi na ako makapaghintay na makita ka muli.

Hawakan at haplusin ka.

Sa bawat parte ng iyong mukha, pati narin ang iyong kamay na pinangako kong hahawakan ko hanggang sa huli kong hininga.

Sapat na siguro ang pag aantay ko sa loob ng maraming araw at gabi.

Nagawa ko na rin lahat ng dapat kong iwan para saiyo.

Nakita ko nang muli ang mga ngiti at sigla ng pamilya ko.

Sa ganoong paraan, sana payagan mo akong gawin ang pinaka gusto ko sa lahat.

Tuparin ang pangakong nais kong matupad.

Sa muli ay palagi kitang titignan gaya ng ipinangako ko. At sa huli ay ang salitang hihintayin ko ang pag dating mo.

Inipon ko lahat ng lakas ko. Sa bawat tibok nito napapangiti ako.

Hinarap ko si Nurse Marithea at ngumiti ako sa kanya.

Bumuntong hininga at nagsalita.

"Gusto kong makita siyang muli a huling pagkakataon."

Nakita ko kung paano tuloy tuloy na bumagsak ang mga luha niya sa mata.

Ramdam niya ang panghihina na rin ng aking katawan at kaunting lakas nalamang ang naitatago ng aking katawan.

Doon ay alam na nito ang gagawin. Pinatawag lahat ng Doctor ko at nurses para ihanda na ang lahat. Pati na rin si Mommy at Daddy.

Bago ko tunguhin ang kwartong iyon ni Martin ay binigyan ko ng ngiti si Kuya.

At roon napag-alaman kong comatose si Martin at ang dahilan kong bakit ayaw nilang sabihin saakin ang kalagayan niya ngunit ngumiti lamang ako.

Alam kong lumalaban rin si Martin ngunit may halong pag aalinlangan ang bawat laban nito.

Isa isa akong niyakap ni Mommy at Daddy. Sinabihan ng mga salitang babaunin ko sa aking paglalakbay.

Si Kuya na ayaw akong lapitan ngunit di nagtagal ay siniil ako sa yakap.

Sa mga oras na ito, wala ng makakapantay sa sayang namuo sa puso ko.

Sa huling tibok nito, ipaparamdam ko naman ang pagmamahal ko. Martin.

The Sunrise [COMPLETE]Where stories live. Discover now