Chapter 17: The End Of The Sun
Mahigit dalawang araw ang lumipas mula ang operasyon ni Martin.
May kaunti pang inaayos at okay na raw siya. Nakaramdam ako ng tuwa sa balitang iyon.
Sa paghihintay ko kay Martin napagpasyahan ko na tapusin ang kantang ginagawa ko.
Mula sa tono nito, tanging isip nalamang ang ginagamit ko dahil di na ako makahawak at makatugtog ng gitara.
Lahat ng maaaring maging tugma at ikakaganda sa pandinig ng kanta ay inilagay ko roon.
Tiyak na matutuwa siya sa kakalabasan nito. At kapag tapos na ito, sa kanya ko ito unang ipaparinig.
Siya ang naging inspirasyon at paksa ng kantang ito. Si Martin lamang ang nilalaman ng puso't kaluluwa ko.
“You're my light, I am your Sun”
Napangiti ako at kaunting detalye nalamang ay tapos na ito.
"Mukhang busy ang prinsesa ko ah" napalingon ako kay Daddy at tumabi ito sakin sa kama.
Nginitian ko siya at nagpatuloy lamang sa pagsusulat.
"Glad seeing your bright smile, Soleil" napabuntong hininga ako at matipid muling ngumiti.
Hinaplos ni Daddy ang buhok ko and I feel calm sa tuwing ginagawa niya yun.
Itinabi ko ang ginagawa ko at pinakiramdaman ang bawat haplos ni Daddy.
Nakaramdam ako ng antok mula roon. Humikab ako at sandaling napamulat dahil nakita kong umiiyak si Daddy habang nakatingin sakin.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin ngunit umiling ito. Nakita ko rin si Mommy sa gilid na umiiyak.
"Soleil, ayokong nahihirapan ka anak."
"Masakit sakin na nakikita ng dalawang mata ko kung paano ka lumaban sa sakit mo, araw araw"
"Masakit din samin na piliin ito ngunit wala na kaming ibang pagpipilian"
"Anak, magpahinga kana"
Agad akong umiling. Ayoko. Ayoko pa. Di pa pwede. Hindi pa gumigising si Martin. Hindi pa.
Umiiyak habang umiiling ako sa kanila. Nakita kong napaiyak na rin si Mommy at Daddy.
Hawak ang bibig napatakip si Mommy habang humahagulhol. Habang si Daddy ay napaluhod nalamang sa sahig. Saktong dumating si Kuya.
Nagtaka man ay alam kong alam na niya ito. Tumingin ito sakin at umiling ako sa kanya.
"No Mom, Dad, don't do it "
"She's a strong woman kita niyo Mom and Dad. She doing it great. Wag niyong pangunahan."
"Hindi ugali ng kapatid ko ang sumuko sa laban"
"Pagbigyan niyo siya"
Napahagulhol ako sa iyak. Bakit mismo ang mga magulang ko na ang sumuko para sakin? Ginawa ko lahat ng makakaya ko. Lahat ng lakas ko para labanan ito. Ngunit pakiramdam ko talo na ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/224834812-288-k966225.jpg)
YOU ARE READING
The Sunrise [COMPLETE]
RomanceA story of a young girl named Soleil who have a premature heart disease. She spend her life in the hospital. She have a annoying family that makes her ill more sensitive. In another hand, A doctor named Martin whos been a patients also in the hospi...