Chapter 4
Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Tinulak ko sya at saglit syang tiningnan bago tuluyang tumakbo palayo. What did he just said? He is jealous? Does it mean he loves me? Hell, baka nga kahit pagkagusto ay di niya magawa sa akin eh!
Tumigil ako sa pagtakbo ng marating ko ang parahanan ng taxi. Nasapo ko ang dibdib kong sobrang lakas ng pintig. Alam ko sa sarili ko na kung ano ang dahilan kung bakit ko sya tinakbuhan. Tinakbuhan ko sya, dahil natatakot ako. My heart beats wildly because of him! And I hate myself for having the though of believing what he just said.
At dahil sa pagtakbo ko ay mas nahirapan akong huminga. Mataba ako kaya madali akong hingalin! Ang tanga mo kasi, mes! Hinawakan ko ang mga tuhod ko at yumuko.
Hindi pa man naging maayos ang paghinga ko ay may bumusina na sa akin. Ng inagat ko ang mukha ko ay agad akong napaatras. A golden bugatti indeed! Napaawang ang bibig ko ng bumukas ang pinto ng drivers seat.
His bloodshot eyes bore on me again. Napalunok ako ng humakbang sya papalapit sa akin. Hinarang ko ang dalawang kamay ko sa kaniya which causes me to touch his hard chest. Sabay kaming napatingin sa kamay kong nakahawak sa dibdib niya. Bago pa man niya ako matingnan ay agad ko ng kinuha ang kamay ko at umatras ng tatlong beses.
"L-lumayo ka nga sa akin?!" Pagpapanggap kong galit na sigaw.
"What's wrong with you?!" Galit niya ding sigaw pabalik.
Napalunok ako at kinabahan dahil sa pagsigaw niya. Umatras ako ng umatras, at ng mapansin niyang lumalayo nanaman ako ay agad niyang hinablot ang braso ko at hinila papasok sa kotse niya.
He fastened my seatbelt before closing the door. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa loob ng kotse.
"An-"
"Shut it!" Pagputol niya sa sasabihin ko.
Napapikit ako ng paandarin niya ang kotse at pinatakbo ng sobrang bilis. Para kaming nakikipag racing! Goodness! Napakapit ako sa inuupuan ko at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagsigaw.
Saka pa ako nagmulat ng huminto ang sasakyan. Isang parking lot ang bumungad sa akin. Tiningnan ko si grey at magtatanong sana ngunit nakalabas na ito. He opened my door while still having his forehead being folded. Ng makalabas ako ay malakas niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya at nauna ng maglakad.
Tinitigan ko pa ang likuran niya bago nagsimulang humakbang din tulad niya. Nasan ba kami? Bakit kami nandito? Anong gagawin namin dito? At higit sa lahat bakit ko sya hinayaang dalhin ako dito?!
"Get in." Mariing utos ni grey na ngayon ay nasa loob na ng elevator. At dahil sa talim ng pagkakatitig niya ay napasunod ako sa sinabi niya.
Agad akong napailing ng isang beses ng makapasok ako sa loob at sumara na ang elevator. Bakit nanaman ako nandito? Chance ko na sana kanina na umalis! Hindi dapat ako nandito! Nanlaki ang mga mata ko ng maalalang dapat ay nasa waiting shed ako ngayon! Our driver must be there right now?!
"Jesus.." sabi ko habang nagmamadaling kinukuha ang phone ko sa bulsa ng suot kong jeans. At ng makuha ko na ang cellphone ko ay agad din itong hinablot ni grey at inilagay sa bulsa ng suot ng leather jacket.
Tiningnan ko sya ng masama pero wala ding epek dahil nakatingin lang sya sa harap. I was about to shout when he cut me off.
"No cellphone when your with me." His tone is something that i cant name, but I can sense danger it makes my body feel something weird. Make my stomach and heart flutter. What the hell?!
YOU ARE READING
Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑
RomanceHe owns me and; He is grey. Owned by Grey. Read at your own Risk! Grey Jitler Ashley •Ashley 2 (Second Generation) Date Started: 07/07/20 Date Finished: 08/21/20 Status: Completed. Editing.