Pagmamahal na marami para sa inyo.
Chapter 32
Sa buong araw ay wala kaming ibang ginawa kundi ang humiga sa malaking kama at magyakapan, walang imikan, pareho kaming nakikinig lang sa bawat pintig at hininga naminng dalawa. At bawat pagtibok ng puso niya ay nagdudulot sa akin ng kakaibang kaba, at takot. At kapag nararamdaman ko iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang yakapin sya ng mas mahigpit. Natulog kami. Dyan nagtatapos ang huling araw, na pinagkasunduan namin.
Nagising ako dahil sa isang maingay na tunog. Pagkabukas ko ng aking mga mata ay agad kong hinanap si grey, pero wala sya. Nakaramdam ako ng lungkot, purket ba tapos na ang one week, ganito na lang?
Napabuntong hininga ako at agad na pinahiran ang luhang kumawala sa aking mga mata, umiiyak na pala ako? Ang gaga ko talaga. Agad akong bumangon at nilapitan ang naghihinalong telepono sa ibabaw ng maliit na cabinet. Wala naman sigurong magagalit kapag sinagot ko ito diba?
Hinawakan ko ang telepono. Paano kung, tulad naman ito ng dati? Binatawan ko ito. Come on mes! Paano mo malalaman ang totoo kung duwag ka?! Huminga ako ng malalim at nilagay ang telepono sa tenga ko.
"H-hello?"
"Mes..."
Agad nanayo ang mga balahibo ko. Ang tinig na ito ay napakapamilyar, di man ako sigurado ay may kutob akong sya ito.
"W-wrong number k-ka po ata-"
"Mommy..."
Agad nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na dumaloy ang kaba sa akin. "N-nic? Nic sino yang kasama mo? Nic?!"
"Relax. Ako lang tu. Well my darling, kasama ko sila. Silang lahat. Tototooootttttt"
"Sandali!!! Wag kong gagalawin ang pamilya ko?!! Wag si nic!!" Sigaw ko.
Napalunok ako ng ilanh beses at nagmamadaling bumaba. Halos masubsob pa ako sa sahig dahil sa pagmamadali. Ng tumunog ang isa sa mga telepono sa sala ay agad ko itong sinagot.
"Hayop ka?!!! Nasan ang pamilya ko?!!! Nasaa ang anak ko???! "
"Your trusting the wrong person, my dear mes. Totootottott.."
Napahagulhol ako. Sino? Sino ang tinutukoy niya? Is it grey? I know its him. Sya ulit ang may pakana neto! Ang kumidnap sa akin noon at ang may hawak ng pamilya ko ay iisa. Ano ba talaga kasi ang kasalanan ko sa kaniya? Ano ba talaga kasi ang nagawa ko!
"Mes?"
Napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo si grey habang may hawak hawak na supot, kumunot ang noo niya habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
Agad akong kinain ng galit. Malalakinh hakbang ang ginawa ko para lapitan sya at agad ko syang sinampal, sa lakas neto ay umecho ang tunog ng pagkakasampal ko sa kaniya sa buong bahay.
"Sus maryosep!! Anong ginawa mo!!" Gulat na sigaw ni manang tiz at tinulak ako palayo kay grey.
Umiiyak na tiningnan ko si manang. "Manang!! Please lang mo na syang ipagtanggol! Nasa peligro ang pamilya ko dahil sa kaniya!??!"
"Ano bang pinagsasabi mo iha?" Namumuo na ang mga luha niya. Ilang sandali pay tuluyan na syang umiyak. "Bat ba kay dali sa iyong pagbintangan itong alaga ko?! Bat ba lagi mo lang syang sinasaktan! Hindi mo ba alam-"
"Manang."pigil sa kaniya ni grey. Napatingin si manang kay grey na may bahid ng pag-aalala.
"Na ano manang?! Ha?!" Tiningnan ko si grey gamit ang nanlilinsik na mga mata. "Ikaw! Ano ka ba talaga! Sino ka ba talaga?! Ha?! Tell me!" Galit kong sambit.
YOU ARE READING
Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑
RomanceHe owns me and; He is grey. Owned by Grey. Read at your own Risk! Grey Jitler Ashley •Ashley 2 (Second Generation) Date Started: 07/07/20 Date Finished: 08/21/20 Status: Completed. Editing.