Chapter 28

1K 31 5
                                    

Chapter 28

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan. At gaya ng inaasahan ko, walang katao-tao ang paligid. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig, nagbabakasakaling maibsan ang paninikip ng dibdib ko.

Alam kong napaka-oa ko. Pero di ko maiwasang mag-isip ng ganoon. Sa paraan kasi ng pag-asta ng matanda kanina at ni grey ay kinukotuban ako. Paano kung tama ang kutob ko? Anong mangyayari? At paano kung masama nga rin sya?  Ano ang gagawin ko?

I badly want some answers but I am so afraid to ask, so scared to know the answers. Because I know that Lies are more beautiful than the Reality, more bearable than the truth.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatalon ako sa gulat at agad na nabitawan ang basong hawak hawak kong may laman na tubig ng may magsalita sa aking likuran. Hinarap ko ang matanda habang hawak hawak ko ang aking dibdib.

"M-manang tiz.."

Saglit na napangisi ang matanda. "Alam mo na pala ang ngalan ko, akala ko ay magpapakilala pa ako. O sya, pasensya na pala at di ako nakapagpakilala sayo kanina, nabigla lang ako.."

Nakitaan ko ng lungkot ang kaniyang mga mata, batid kong may gusto syang sabihin pero sya rin mismo ang pumipigil. Umiwas sya ng tingin at dumapo ito sa basag na basong nasa harapan ko, napatingin din ako dito.

"P-pasensya napo.. ako na po ang maglili-"

"Ako na, dahil ako ang malalagot kapag nasugatan ka. Ano pa ba ang kailangan mo? Gabing gabi na, mamaya ay sisikat na ang araw."

Napalunok ako. "Di ko po kasi... n-nakita si grey... a-alam niyo po ba kung nasaan?" Nahihiyang tanong ko.

Oo! Mula kanina ay di ko na sya nakita! At kinakabahan ako para sa di ko alam na rason, basta nararamdaman kong marami akong dapat ipagka-alala. May araw pa ng umalis sya pero hanggang ngayon ay wala pa sya. Gusto kong mainis sa kaniya! Kinulong niya ako dito pero di niya ako babantayan? Anong klase sya? Ayaw niya akong makaalis pero iniwang bukas ang pinto ko? Sabagay nasa akin ang advantage, kaso lang, ayaw kong umalis ng di nalalaman ang sagot ng mga tanong ko. Alam kong darating din ang panahon at magiging matatag din ang puso ko at magiging handa akong tanggapin ang mga sagot. Sana lang mas maaga itong mangyari.

"Baka may pinuntahan lang." Sagot niya habang sinisimulan ng linisin ang kalat.. ko.

My brow arched. "Ang sabi niya po, nasa malayong lugar kami. Bakit parang kung makaalis at balik ang alaga niyo ay ang lapit lapit lang namin sa syudad."May bahid nang pagkainis kong tanong.

Sino naman kasi ang pupuntahan niya? Bakit parang mas importante ito? Handa niyang i-risk ako para lang sa kung ano? Handa syang makawala ako para lang sa kung sino?

Bumuntong hining ang matanda. "Babalik rin naman iyon. Wag kang mag-alala, hindi pa naman iyon mawawala."

Agad bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Napalunok ako pero parang may bukol na nakabara sa lalamunan ko, naninikip na din ang dibdib ko. "M-may sakit ba sya, m-manang?"

Nabigla ang matanda sa tanong ko, nagmadali itong matapos sa paglilinis, at iniwan ako sa kusina. Pero hindi ko sya tinantanan, sinundan ko sya habang binabanggit ang pangalan niya, nagmadali naman syang pumasok sa maid's quarter at isinara ang pinto.

Kinatok ko ito. "Manang tiz! Please, i wanna know! Please... may sakit ba sya? Kung mayron, ano yun? Ano ba ang mga ginagawa niya? May iba pa ba syang negosyo o ano?please.. i need answers.."

Wala akong nakuhang sagot. Kinatok ko ang pinto niya ulit. I have no other choice.

"Manang... please, manang may gusto akong sabihin sayo." Lumunok ako. "M-may anak kami."

Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑Where stories live. Discover now