Chapter 30

1K 28 4
                                    

Sorry talaga  for the long wait. Na-adik ako eh... na adik sa kaniya, joke lang naging abala kasi ako sa pagdu-drawing. Hehehehehe x

Chapter 30

Mabigat at walang lakas ang pakiramdam ko ng ibinuka ko ang aking mga mata. Agad naman akong napatingin sa mabangong nilalang na nakayakap sa akin. Inayos ko ang pagkakatagilid ko sa kaniya at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Kahit kailan hindi ako magsasawang titigan ang mukha mo tuwing umaga, sana lang pwedeng mangyari ito hindi lang ngayon kundi sa habang buhay. 

Kailangan ko lang talagang malaman ang totoo tungkol sa kaniya. I need to know who he is. Mahal ko sya, oo. Pero mas mabuti naman kung kilalang kilala mo ang taong mahal mo diba? Hindi naman  porket gusto mong malaman kung sino talaga ay di mo na sya mahal. Pero ang katotohanan na hinahanap ko ay nagbibigay sa akin ng matindeng kaba. Pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang mga maririnig ko, na ang katotohanan na hinahanap ko ay ang magbabago ng lahat.

Hawak kamay naming tinahak ang daan patungong yacht. Ang sabi niya sa akin kanina ay may pupuntahan kami at doon daw muna kami buong araw. Kahit na pagod na pagod ako ay hindi ko sya hinindian. I must enjoy and make every second worth it. One week lang. Five more days and I'll be home. I know I dont have the rights to feel this way, lalo pat ako naman ang gumawa ng kondisyong ito, but I have no choice, I want to see my son, lalo pat kinakabahan ako baka kung ano na ang mga nangyayari sa anak ko.

"You, ok?" Bulong niya sabay pulupot ng kaniyang nga braso sa aking beywang. He placed his chin on my shoulders and give me a quick kiss on my cheek.

Pareho na kaming nakatingin sa asul na karagatan. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin at marahan itong pinisil. Bata palang ako, natatakot na ako sa dagat, pakiramdam ko kasi ay may kung ano sa ilalim na handa akong tuklawin sa anumang oras. But having grey with me makes me comfortable and safe, its something that its just him whom can  make me feel.

"Im fine. May nami-miss lang.." sabi ko at agad ding pinagsisihan.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ang marahas niyang pagbuga ng hangin. "Is it nic again?" Parang sanay na sya kung makapagtanong.

I just smiled anf bite my lower lip to avoid suppressing my laughter. Pati anak ba naman, haist. "Yes." Masayang sabi ko. "Namimiss ko na ang pagyakap niya sa akin at pagahalik, lalo na ang-"

"Stop it." Madiin niyang sabi.

Napatawa nalang ako. "Come on grey, nic is a kid." Your son.

"Kid?" Kinabahan ako sa tono niya. "He is still a boy."

Napailing-iling nalang ako. "Trust me, hindi mo sya dapat pagselosan."

"Why wouldn't I be? Sya ang lagi mong bukambibig. And he seems to be so precious to you."

Kasi gusto kong may alam ka kay nic. "Your right. He is precious. Sobra."

He rolls his eyes. "Tss."

"He loves chocolates, his favorite color is grey and indigo, his favorite subject is science and Math, most hated subject? "

"Ahm.. Christian Living?" Nakataas na kilay niyang sambit.

Napatawa ako. "Yeah. Napaaway pa nga sya dahil pinaglalaban niyang hindi naman totoo ang empyerno, buti nalang at home schooled sya."

"Home schooled?"

"Yep. He usually beats up every guy that he finds ugly. Para sa kaniya lahat ng lalaking ka-edad niya pangit."

"Is he handsome?"

"Very. " sabi ko at tinitigan sya sa mga mata. Ibinalik ko ang paningin sa harapan ko. "Mana sa tatay." Mahinang sabi ko at di ko batid kung narinig niya ba ako o hindi .

"Who's kid is he?"

Nilingon ko sya na tanging ulo lang ang ginalaw Habang may ngiti. Magkasalubong ang mga kilay niya, I find it cute though, he reminds me of nic when he gets mad. 

"Anak ko sya." Halos pabulong kong saad.

Napaawang ang bibig niya at naramdaman ko rin ang bahagyang pagluwag ng hawak niya sa akin, ilang beses syang napakurap at napalunok.

Matagal niya din akong tinitigan,  may kung anong kislap anh mga mata niya, at may halo itong pagtataka at inis. "And his dad?"

Mas lumawak pa ang ngisi ko at ibinalik ang mga mata sa karagatan. "No personal questions,  grey." 

--

Hindi ko na alam kung saan ko pa mailalagay ang sobrang saya na nararadaman ko ngayon, at di ko alam ang tamang salita para maidescribe ang lugar na ito. Sobrang ganda. Mali. Dahil sobrang sobrang sobrang sobrang ganda.

"Lets go?" Nakangiting yaya sa akin ni grey sabay hawak sa beywang ko.

At gaya ng kanina ko pa ginagawa, singhot ko ang amoy ng suot niyang damit. Hindi ko alam kung bakit ako naadik sa amoy niya, nakakagigil at ang sarap sa ilong.

Nandito lang naman kasi kami ngayon sa isang isla na kung saan may nakatayong  napakalaki at napakagandang mansyon at sa likuran neto ay mga matataas at unique na nga puno. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay, may mga mansion din naman kami pero hindi naman kasinlaki neto.

"You like this place?" Halos pabulong na tanong ni grey ng makapasok kami sa loob ng kwarto daw namin.

Ngumiti ako sa kaniya at kumawala sa pagkakahawak niya sa akin na syang hinayaan naman ako habang naglalakad ako papunta sa balkonahe kung saan matatanaw mo ang karagatan at mga halamang di mo basta basta makikita kahit saan.

"This place is so beautiful. I love it. Kung sakali mang magkaganito ako, I would never leave this place, I'll be happy to die here." Masaya kong sabi.

Nilapitan niya ako, ang akala ko ay yayakapin niya ako mulo galing sa Likod pero hindi. Tumabi lang sya sa akin, kaya di ko maiwasang mapaismid.

"Me too."  Sabi niya habanh nakatingin sa karagatan.

Tipid akong ngumiti at hinarap sya.  "You can live here forever?"

Saglit niya akong tiningnan at agad ding nilagay ang mga mata sa karagatan. "I would love to die here." 

Agad akong kinabahan ng bigla niya akong nilingon at nginitian. Ngiting kakaiba, ngiting di ko alam kung bakit ako naiiyak. Ngiting maganda pero parang ayaw kong makita.

"And I hope to be with you till my last breath, till the last beat of my heart. "





Avisala, thank you for Reading again! Sana nag enjoy kayo, at sana hindi kayo na bored sa chapter natu. Sana  hindi kayo magsawang hintayin ang bawat updates ko. Salamat ulit, sana suportahan  niyo ang story/ies ko hanggang sa matapos.

Dont forget to:
✔vote
✔share
✔comment and ;
✔follow

@lady_assasin2004

Itutuloy pa ba?

Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑Where stories live. Discover now