Chapter 5

1.2K 41 0
                                    

Warning: Words

Chapter 5

Tahimik lang kaming dalawa habang nandito sa loob ng sasakyan niya. He's driving and seriously looking at the road. Hindi man niya sinabi pero nararamdaman kong na-offend ko sya kanina.

Well I'm not used to lie, kaya nga basta basta ko nalang nasabi iyon kanina. I know I should've filter my mouth, kahit naman ako ang sabihan nun ay maiinsulto ako. But my pride just won't low down. Gusto kong mag sorry pero di ko magawa, dahil may parte sa akin ang pinaglalaban na totoo naman ang mga sinabi ko kanina kaya di dapat ako mabahala.


Natigilan ako sa pag-iisip ng ihinto niya ang kaniyang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Di pa man ako nakakalingon sa kaniya ay nasa tapat na sya ng pinto ko at binuksan ito. Tinitigan ko sya na may halong pagtataka at naghintay ng sagot. Iritado naman niya akong tiningnan.


"Lumabas ka na." Utos niya at ng makitang wala akong balak sundin sya ay sya na mismo ang humila sa akin palabas.


Hawak hawak niya ang pulsuhan ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa restaurant. Yumuko ako ng makapasok na kami. Grey draw so much attention, pinagtitinginan sya ng halos ng tao dito! Ang iba pa ay malagkit kung makatingin sa kaniya, ang iba naman ay ng mapansin ang kamay ni grey sa akin ay inirapan ako, and just throw me a disgust look.


"Why is Grey with her?"


"They don't look good."


"Di sila bagay."


"Dapat hindi ang isang tulad niya ang kasama ni grey."


"She's ugly and fat, im sure grey is not with her."


"She looks eeeww."


Sanay naman na akong binabalewala kaya naninibago akong ako ang pinag-uusapan nila, kahit na puro negative ang mga sinasabi nila ay nakaramdam ako ng kunting saya dahil napansin nila ako. Pero sana lang ay kahit ni isang positibong komento lang ay may magsabi. Pero wala. Nanatiling ganoon ang naririnig ko sa bawat taong nadadaanan namin. Gusto kong kunin ang kamay ko mula kay grey pero ng subukan ko ito ay sobrang lakas ng pagkakahawak niya sa akin kaya wala ding nangyari.



"G-grey, bitawan mo na nga a-ako." Sabi ko pa pero di sya nakinig sa sinabi ko bagkus ay mas hinigpitan pa ang hawak sa aking pulsuhan .
"Grey kailangan ko ng umuwi-"


"Iuuwi din kita mamaya." Yan lang ang sagot niya.


"P-pero kasi-"


"Bakit may iba ka pa bang pupuntahan?" Inis noyang Tanong.


"W-wala naman..."


"Good. Cause your not allowed to. Not without me."


Pina-upo niya ako sa upuan bago sya umupo sa upuang nasa harap ko. We're on a circular table na for two seater lang. Tinitigan niya ako at pinanood ang reaksyon ko kaya yumuko nalang ako dahil paniguradong pulang pula na ako ngayon!



"Sir grey the usual po ba?"tanong ng lalaking waiter sa kay grey.


"Yes."


Napatingin ang waiter sa akin, he smiled at me at inayos ang katawan para makaharap sa akin ng maayos.

"Anong sayo miss?"


"A-ahm... " agad kong binuklat ang menu na nasa harapan ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga larawan ng pagkain, inaamin kong malakas akong kumain pero parang naisipan kong magdiet ngayon dahil sa presyo!

Sinulyapan ko ang waiter na nakangiti sa akin kaya napilitan din akong ngumiti sa kaniya bago tiningnan ulit ang menu.


"May special dessert po kami ngayon na sineserve miss-"


"Kung ano ang inorder ko ganoon ang kaniya." Madiing sabat ni Grey.


Kahit na di ako nakatingin kay Grey ay alam kong naiinis nanaman ito. Ayaw ko sanang maniwala sa sinasabi niyang selos-selos pero unti unti narin akong nahuhulog sa kasinungalingan niya.


"O-opo. P-please wait f-for 10 minutes sir, miss." Nagmamadaling umalis ang waiter, sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makapasok na ito sa loob ng staff room.

Bumuntong hininga nalang ako at inalis doon ang mga mata. Halos kumawala ang kaluluwa ko ng pagbaling ko ng tingin kay Grey ay ang sama ng titig niya sa akin. Inaamin kong gwapo sya kahit na galit pero nakakatakot at nakakatindig balahibo. Napalunok ako at binaba na ang tingin.


"You cant even fucki'n look at me straight for seconds but you can fucki'n  look at that fucki'n waiter with a fucki'n smile for a fucki'n minutes?!." Galit niyang sabi halatang nagpipigil na sumigaw.



Napalunok ako ulit di alam kung ano ang sasabihin. Nakatingin lang ako sa galit niyang mukha habang humihiling na may dumaang hangin sa akin dahil kinakapos na ako sa hangin!


Yumuko sya at napabuntong hininga. "I'm sorry."

Napakunot noo ako. Sorry for what?


"I'm sorry to frighten you. I just hate how you give him attention. You never smile to me." Sabi niya at nag-angat ng tingin sa akin. "I'm jealous." Pag-amin niya at agad na iniwas ang tingin habang namumula ang kaniyang mga pisnge.


Napalunok nalang ako at napakagat labi para pigilan ang aking ngiti. I cant help but blush. Cause he's blushing too! Ang sabi nila ay nakakabading daw para sa mga lalaki ang nag blush pero sa totoo lang ay mas gumwapo sya para sa akin.


"Stop looking down. It seems like you really hate my face, that's why you can't look at me just like how you look at that fucki'n waiter." Naiirita niyang sabi.


Inangat ko ang mukha ko sa kaniya at hinayaan ang labi kong ngumiti, napatingin nalang ako sa tela ng lamesa dahil di ko mapigilang lumabas ang mahinang tawa ko, nakangiti ako habang nakikita ang ngipin ng tingnan ko ulit si Grey.



He look shock. Nanlalaki ang mga mata niya habang bahagyang nakaawang ang bibig. Ng mapansin ang titig ko ay agad syang namula at umiwas ng tingin.


"You don't have to do that, I'm not forcing you to-"

"Hay naku, mababaliw na ako sayo, grey." Biro ko habang tumatawa.


"Tama."


Naaaliw ko syang tiningnan. "Tama?"


"Mabaliw ka sa akin."


Natigilan ako sa pagtawa pero nanatili parin akong nakatingin sa mga mata niya.


"Dahil baliw na baliw ako sayo."

Avisala, This is lady_assasin2004 and thank you for reading this chapter ,i hope you didnt get bored at sana hintayin niyo pa ang iba pang chapters hanggang sa matapos ang story na tu .

Dont forget to :
✔Vote
✔Share
✔Comment and;
Follow

[EDITED]

Itutuloy pa ba?

Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑Where stories live. Discover now