Chapter 34
Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa isang drug store. Inayos ko ang buhok at istura ko bago hinarap at nginitian ang pharmacist.
"Anong atin maam?"
"Ahm, pregnancy test. " sabi ko sa mahinang tinig.
Mukhang sanay naman na ang babae dahil wala namang bahid ng panghuhusga ang mukha niya ng marinig ang sinabi ko, kaswal lang ang kilos niya, nakangiti pa sya ng iabot niya sa akin ang hinihingi ko. Matapos kong bayaran ito ay nakigamit akk ng c.r.
I have this feeling that I am, pregnant. I am being so emotional, at nagduduwal din ako sa umaga tatlong araw na, im just making sure that grey won't suspect.
Tumulo ang luha ko at gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita ang dalawang pulang linya. Sobrang saya ko, pero di ko mapagkakailang natatakot ako, hindi para sa akin kundi para sa anak ko, what will happen to him or her? What will happen to my child?
Nginitian ako ng pharmacist ng magtama ang nga mata namin pagkalabas ko sa banyo. Sinuklian ko naman sya ng ngiti. Kahit pa wala akong dapat ikatakot sa kaniya ay kinakabahan ako sa ngiti niya, maybe its just me being pregnant, dala lang siguro ito ng pagiging buntis ko.
"Salamat maam." Magiliw niyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti nalang ako at di na sya nilingon pa.
Nang makalabas ako ay agad kong nadatnan ang Bugatti ni grey na basag ang salamin sa drivers seat. Muntik na akong tumakbo kung di ko lang naalalang buntis ako, malalaking hakbang ang ginawad ko palapit sa sasakyan. Pinagpag ko ang upuan at pinulot ang papel na nasa sahig. May bato sa loob neto, tinapon ko ito at binasa ang nasa loob ng papel. Isa itong address.
Hinawakan ko ang tyan ko at marahan itong hinaplos. "Lets save your kuya nic, baby." Bulong ko at sumakay na sa loob ng sasakyan.
Madilim na ng marating ko ang nakasulat sa papel. Marami kasi itong pasikot sikot, at ilang beses pa akong hinarangan ng nga armadong mga lalaki, tinatanong nila kung ano ang pangalan ko, pagkatapos ay wala na. Hininto ko ang sasakyan ng may parahin ako ng isang lalaking may suot na pang sundalong uniporme at may baril ito.
"Pangalan?" Matigas niyang tanong.
"Messytias Jamet Romblon. "
May sinabi sya sa hawak niyang radyo at binuksan ang pinto sa aking giliran. "Baba na maam."
Agad naman akong bumaba. Napasinghap ako ng makitang andami palang mga armadong lalaking naglalakd sa paligid mayroon din sa itaas ng bobong na nagmamasid sa kabuuan ng paligid. Nasa isang parang bodega kami, iilan lang ang nga ilaw kaya madilim ang paligid. May mga tauhan sa aking likuran na nakasunod sa akin. Wala silang imik, gusto ko sanang magtanong pero natatakot ako.
Binuksan ng isa sa mga lalaking nasa likuran ko ang nagmimistulang gate sa laki ng pinto. Agad bumungad sa akin ang lalaking may pakana ng lahat. Matamis na ngiti ang nasa mukha niya at sprenead pa niya ang kaniyang mga braso na para bang matagal na kaming di nagkita at dapat ay magyakapan kami. Pero huminto ako sa paglalakad, ganoon nalang kadaling nagbago ang expresyon niya ng makitang ayaw kong lumapit sa kaniya, Mabilis na dumilim ang kaniyang mukha at sinenyasan niya ang mga tauhan niyang nasa likuran ko na dalhin ako palapit sa kaniya.
"Bitawan niyo ako!" Reklamo ko ng hawakan ako ng mga kalalakihan pero walang magagawa ang mahina kong katawan laban sa malalakas nilang mga kamay.
Tiningnan ko ng masama si rinz habang bumalik naman ang ngiti niya sa kaniyang mukha. Hinaplos niya ang pisnge ko, pero agad ko din itong iniwas maya naiwan sa ere ang kamay niya, mapakla syang natawa at tiningnan ang mga tauhan niya.
YOU ARE READING
Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑
RomanceHe owns me and; He is grey. Owned by Grey. Read at your own Risk! Grey Jitler Ashley •Ashley 2 (Second Generation) Date Started: 07/07/20 Date Finished: 08/21/20 Status: Completed. Editing.