Chapter 18

1.1K 39 4
                                    




Chapter 18


Umiling iling nalang ako at bumalik na sa pagkakaupo. Gusto ko syang sigawan pero di ko magawa. Ang tigas ng ulo niya! Cant he understand?

"Kumain ka na. Pasensya na pala at dito kita pinapunta, I have a deal with someone here earlier kaya di ako nakasipot sa restaurant. "

Nagpanggap akong walang narinig at kumain nalang.

"May balak nga pala akong magpatayo ng hotel sa katabing pwesto ng resort mo sa davao."

Di ko parin sya pinansin.

"Pero may Plan B ako." Saglit ko syang sinulyapan. "Pwede ba akong bumisita sa resort mo?"

"Resort ng dad ko. "Pagtatama ko. "Si lovely ang nag-aasikaso ng mga resorts at hotels kaya sya dapat ang kausapin mo. "

"Ayaw ko."

Taka ko syang tiningnan. "Ayaw mo?"

Ngumuwi sya. "Ikaw ang gusto kong makausap. At sasamahan mo ako sa davao bukas."

"Pumapayag ba ako sa gusto mo?" Taas kilay kong sabi.

"Am i giving you a choice?" Nakangisi niyang saad.



Ang buong akala ko ay nagbibiro lang sya pero hindi. Pagkabukas ay nasa bahay na sya alas sais palang ng umaga. Nagulat si lovely ng makita si grey, sumigaw pa sya na may multo raw. Akala ko  ganoon din ang magiging reaksyon ni dad pero hindi.

"Ingatan mo ang anak ko, grey." Seryosong saad ni dad habang naka-upo sa wheelchair niya.

Nandito kami ngayon sa loob ng office ni dad. Im a bit shock dahil di naman sya basta basta nagpapapasok ng tao sa loob. Kung hindi pa nga siguro ako anak ay di ako makakapasok dito.

"Yes Tito." Nakangiting sabi pa ni grey.

"Good." Binalingan ako ng aking ama, at tiningnan ng mabuti. "Wag na wag kang lalayo kay grey, ayaw kong maulit ang nangyari sa iyo noon, mes."

"Kabisado ko po ang davao, hindi po ako ang dapat mag-ingat." Pag-paparinig ko.

Sinamaan ko ng tingin si Grey ng magtama ang mga mata namin. He just smiled playfully to me. Pero agad din itong nawala ng tumunog ang cellphone ko. I let it pass though, text lang naman. Pero umulit ito ng tunog. Its a call this time.

"Mes. Ayaw ko ng ingay dito sa opisina ko. Sagutin mo na yan." Utos ni dad.

Tumango ako at kinuha na ang cellphone ko sa bulsa. Una kong binasa ang text.

From Pitter:
Im leaving for my Singapore business trip. See you next month nalang. Pag-uwi ko dapat may bagoong na at saging.

Di ko mapigilang ngumiti dahil sa huling sinabi niya. Mukhang adik din ito tulad ng isa dito ah. Mabilis akong nag reply.

To Pitter:
Goodluck. Wag kang mag-alala, pagka-uwi mo magpapa-fiesta ako ng bagoong at saging. IWMY.



"Sino yan mes?"


"Ahm.. " agad kong binalik ang phone ko sa bulsa. "Si pitter po dad."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid. Nangunot ang noo ko ng tiningnan ni dad si grey na para bang humihingi ng paumanhin.

What is with this grey?! Bakit ba halos lahat na yata ng tao ay kaya niyang kontrolin? Lahat nalang ng gusto niya ang nasusunod at nangyayari! Para syang hari kung tratuhin ng lahat, pati sa palengke.

Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑Where stories live. Discover now