Epilogue
Napahawak ako sa aking sentido at marahan itong hinilot. Sumasakit nanaman ang ulo ko dahil sa katigasan ng ulo ng mga anak ko. Ng buksan ko ang aking mga mata ay agad tumambad sa akin ang nakangiting Nic at Braxten.
"What did i told you two about girls?" Pagod kong tanong.
"Treasure them and don't bully them." They said in chorus.
"Then why did you make Em and Ai cry?"
"Dad, sila ang nauna." Malditong pangangatwiran pa ni Nic.
"Daddy, mabait po ako, pero sa mabait lang din sa akin." Pagpapacute ng bunso ko.
Napailing iling nalang ako at umayos na sa pagkakaupo mula sa swivel chair ko. Pinatawag ko ang dalawang ito dito sa office ko dahil sa nabalitaan kong pang-aaway ng dalawa sa mga pinsan nila.
Mes will be really mad at me dahil sa sakin niya binilin ang dalawa habang silang dalawa naman ni Lovely ay binisita ang puntod ng dad nila at namayapang asawa ni lovely na namatay dahil kay Rinz.
Pinaghahanap ko na din ang iba pang kamag-anak ng Rinz na iyon, I know he's not alone. May ibang tao pa siyang kasabwat sa lahat. Maaring kapamilya niya o hindi. Nangangamba ako para sa asawa at mga anak ko, but I am willing to do everything to keep them protected. They're my everything, specially my wife.
"Alam niyo bang ako ang malalagot sa mommy niyo?" Namomroblema kong sabi.
Nagpout naman ang aking bunso. "Sorry na daddy. Pramis di ko na aawayin si Ai!" Sabi pa ni Braxten.
Tiningnan ko ng masama si Nic na parang wala lang kahit pa nakikitang galit ako.
"And you young man?"
"I'm not young man! I'm old!" Galit na sabi neto at lumabas na sa office ko.
Napabuga nalang ako ng hangin at tiningnan si braxten na halatang natatawa na habang nakatingin sa nilabasang pinto ng kuya niya. Ngumiti ng malawak ang anak ko ng magtama ang mga mata namin.
"Daddy naman kasi daw! Old na daw sya! Yan ang reason kung bakit nag-away sila ni Ate Em!"
My brow arched. "Tell me the story, come here." Sabi ko at sinunod naman niya.
Kinarga ko sya at pinaupo sa aking kandungan. He kissed me in my cheek, he usually do this to me para daw di na ako magalit and it really works. My sons are the most adorable, next to my wife.
"Kasi po daddy, crush ni kuya nic si Ate Em!" Napahalakhak pa ito. "Kaso lang ang sabi ni Ate Em, young man pa daw si kuya at old na si Ate, at sabi din ng kasama ni Ate Em na lalaki na di sila bagay ni kuya, kaya ayun sinuntok ni Kuya Nic ang lalaki, at nag-away na sila, nadamay kami ni Ai." Sumbong niya.
"Ikaw? Crush mo ba si Ai?" Naniningkit kong matang tanong sa kaniya.
Napatakip sya sa sariling bibig at natawa. "Heheheh, slight lang dad."
Kiniliti ko sya ng kiniliti. Gusto ko silang sabihan na bawal sila dahil magpinsan sila pero mga bata pa naman sila. At isa pa, they are not related by blood. But I hope Nic will not develop any deep affection towards his cousin, it will make things complicated.
I hope he'll meet the right girl for him, a girl that will make him a better person, a girl that will love him unconditionally. I'll pray for that. Sana ibigay ng panginoon sa mga anak ko ang mga babaeng para sa kanila talaga, just like how God gave me the woman that's right for me as well.
YOU ARE READING
Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑
RomanceHe owns me and; He is grey. Owned by Grey. Read at your own Risk! Grey Jitler Ashley •Ashley 2 (Second Generation) Date Started: 07/07/20 Date Finished: 08/21/20 Status: Completed. Editing.