Chapter 33

1K 22 3
                                    

Chapter 33

Nanginginig at nagmamadali akong lumabas ng kotse at mabilis na tinakbo ang loob ng bahay namin. Everything's scattered on the floor, maging ang mga paboritong vase ni dad ay nasa sahig na at basag. Umiiyak na tinahak ko ang hagdan papunta sa mga kwarto namin. Gaya ng sa baba, lahat ay magulo.

"Nic!!! Dad!! Lovely!" Umiiyak na sigaw ko habang patuloy sa pagbubukas ng nga pinto. "Please!! Nasan kayo?!! Im here nic!!"

Ng matunugan ko ang telepono sa sala ay agad agad akong bumaba, halos talunin ko nga ito para lang mabilis at makahabol ako sa telepono. Wala na akong sinayang pang oras at sinagot ko na agad agad ang tawag.

"Sino tu?" Kinkabahan kong tanong.

"My dear mes... god knows how i miss your voice... god.."  parang baliw netong sabi.

"Nasan ang pamilya ko?!! Hayup ka! Wag na wag mo silang sasaktan !"

Tumawa ito na para bang isang katawa tawa ang mga sinabi niya. "Relax. Kung si nic lang naman ang pinoproblema mo, well dont worry, ni isang galos ay wala akong ginawa sa kaniya... "

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. "Ano ba talaga ang gusto mo? Bat mo ako dinadamay?  Bat kailangan pati anak at pamilya ko madamay?"

"Wag kang mag-alala, mes. Nasabi ko na kay grey ang gusto ko. Cant wait to see you again. Tototooot."

Wala akong ibang nagawa kundi tingnan ang teleponong hawak ko.

Ano bang nagawa ko at ganito nalang kasama ang naging parusa sa akin? Sa pagkakaalam ko naman ay wala.  Wala. Wala din akong utang na kailangan kong pagbayaran ng sakit. Ako pa nga ang may dapat singilin eh. Lumaki akong ,hindi halos lingunin ng mga magulang, may naging reklamo ba ako? Wala. Lumaki akong halos pandirihan ng lahat dahil sa pisikal na itsura ko, may naging reklamo ba ako? Wala, hinayaan ko silang husgahan at laitin ako ng walang ni isang beses na pag-angal. Kaya di ko lubos maintindihan kung bakit ko kailangan pagdaanan ito.

Bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mapaluhod ako, pero bago paman ako tuluyang bumagsak sa sahig ay nahawakan na ako sa braso. Tiningala ko ang lalaking may hawak sa akin ngayon, wala akong ibang ginawa kundi umiyak habang nakatingin sa kaniya.

Gusto ko syang yakapin, pero di ko magawa. Di ko kaya, pakiramdam ko ay sobra sobra na ako, i know he is hurting by now dahil sa mga sinabi ko, at ngayon ay sising sisi ako. Gusto ko ring mag-sorry pero nanunuyo ang lalamunan ko.

"Shhh. Stop crying now please." Nagmamakaawa niyang sambit at kinarga ako patungong sofa. Ng mailagay na niya ako sa sofa ay lumayo na sya ulit sa akin. Nanatili syang nakatayo Ng dalawang metro ang layo mula sa akin.

Tinitigan ko sya na may halong pagtataka.

"Don't worry. I wont get any farther." Malungkot niyang sabi.

Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa sobrang pagkaguilty, dahil di ko kayang makita ang sobrang sakit at lungkot sa mga mata niya. What have I done? Look at what you just did  just  mes?! How can you hurt the man you love? How can you do this to him?!

But he is still a criminal. A ruthless monster, he is a syndicate leader for goodness sake! Mabait man sya sa akin, ay paniguradong marami na itong napatay at nasaktang ibang tao. And It makes me scared, that what if one day or in any moment right now, he'll be a mosnter to me? What if he'll kill me too, right?

"Ang sabi ni... ang sabi ni Rinz ... nasabi na d-daw niya sayo a-ang gusto niya... a-ano yun?"

Nanatili syang tahimik habang nakatitig sa mukha ko. Naiilang ako pero binalewala ko ito.

Owned by Grey (ASHLEY 2) ☑Where stories live. Discover now