Ang Misteryong Alamat

167 9 3
                                    

Mia gising! ang sigaw ni Julie sakanyang matalik na kaibigan. Muntik na naman kasing mahuli ng kanilang guro si Mia habang natutulog ito sa klase.

"Hay naku Mia, kung hindi agad kita ginising ay paniguradong palalabasin ka na naman ni Ma'am Ordoñez. Mabuti nalang ay nakita kita bago pa siya tumingin sayo." pabulong ni Julie kay Mia.

"Kaya nga ako tumabi sayo para look out kita eh. Hayaan mo, ililibre nalang kita mamayang uwian. Ano bang gusto mo?" sagot naman ni Mia.

Umiling si Julie sa kaibigan" Wag mona ako ilibre alam ko naman na kulang pa sayo yang baon mo eh, ang takaw takaw mo kaya lahat na ng pagkain sa canteen eh binili mona. Samahan mo nalang ako sa National Library mamaya may kailangan lang akong tignan para sa research natin."

Agad namang sumagot si Mia " Aba ayos yan ah, sige gusto ko ring makatulog sa National Library."

Senior High School sina Mia at Julie sa Malayan University. Sila ay magkababata, magkapitbahay at sa lahat ng oras ay palagi silang magkasama. Si Julie ay palaging Valedictorian sakanilang klase at nakakapag aral lamang siya dahil sakanyang scholarship samantalang si Mia naman ay simpleng mag aaral na laging nagpapasaway sa klase. Magkaiba ang mundong ginagalawan ng dalawa, si Julie ay mahirap lamang at si Mia naman ay mayaman subalit hindi hadlang ang antas ng pamumuhay nila sa kanilang pagkakaibigan.

Alas kwatro na ng hapon nang matapos ang kanilang klase. Sabay agad silang tumungo sa National Library.

"Mia diyan ka muna ah matulog ka lang kung gusto mo. Hahanapin ko lang yung kailangan ko sa research." marahang na sabi ni Julie kay Mia.

Tumungo lamang si Mia at yumuko na para matulog habang si Julie naman ay pumunta na sa mga aklat upang hanapin ang kailangan niya para sa research.

Biglang nagising si Mia sa pagkakaidlip ng makaramdam siya ng lamig na bumabalot sa kanyang buong katawan. Napanaginipan niya ang isang asul na Phoenix na lumilipad na napupuno ng asul na liwanag. At sakanyang paggising ay aktual niya itong nakita na waring may gustong ipahiwatig sakanya. Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata sa pag aakalang siya ay namamalik mata lamang. Subalit patuloy parin ang Phoenix na tila siya ay tinatawag para ito ay kanyang sundan.

Ilang minutong tinitigan ni Mia ang Phoenix nang bigla na lamang siyang napatayo sa paninigas ng kanyang mga binti dahil sa sobrang lamig. Lumipad nang paalis ang asul na Phoenix at naramdaman ni Mia na tila ba tinutukso siya ng kanyang katawan para sundan ito. Hindi na niya namalayan na sa gabay ng ibon ay marahan siyang nakarating sa aklatan kung saan may isang librong na punong puno ng asul na liwanag. Sa pagkamangha niya sa librong ito ay hindi na niya napansin ang pagkalaho ng Phoenix. Tinutukan niyang mabuti ang pagkuha sa aklat at nang akma na niya itong bubuksan ay bigla siyang kinalabit ni Julie.

"Akala ko ba matutulog ka? kailan kapa natutong humawak ng libro? Anong libro ba yang babasahin mo?" bungad ni Julie matapos kalabitin si Mia. Agad niyang hinablot ang aklat at binasa ang pamagat ng libro.

" Ang Misteryong Alamat, anong libro ito Mia? mukhang luma na at parang magkakalas kalas na kung bubuksan ko. Teka lang ah basahin ko muna yung preface kung maganda ba." wika ni Julie habang si Mia naman ay takang taka parin sa mga nakita niya.

" Ito ay ang kwento ng apat na bathaluman na sina Meno, Sadi, Adaro, at Hesron.
Sila ang mga kumakatawan upang pangalagaan ang apat na lupain sa Daigdig ng MISALA .

Si Meno ang kumakatawan sa tubig. Siya ang nangangalaga sa karagatan kung saan kawangis niya ang  berdeng isda na may busilak na kalooban.
Si Sadi naman ang kumakatawan sa lupa. Siya ang nangangalaga sa kagubatan kung saan kawangis niya ang gintong leyon na matapang.
Si Adaro ang kumakatawan sa lamig at hangin. Siya ang nangangalaga sa himpapawid kung saan kawangis niya ang asul na phoenix na magiting at dalisay.
At ang huli ay si Hesron ang kumakatawan sa apoy. Siya ang nangangalaga sa Disyerto kung saan kawangis niya ang pulang dragon na mabagsik.
Ang Misteryong Alamat ay sumasagisag sa isang babae na pinagkalooban ng iba't ibang kapangyarihan matapos siyang maging hirang sa isa sa mga kumakatawan upang mangalaga. Nakuha niya ang kanyang tatlong kahilingan matapos niyang matipon ang pitong tagapagtanggol.
Ang Misteryong Alamat ay isang orasyon. At kung sino man ang makatapos na makapagbasa ng libro ay hihirangin at mabibiyayaan na katulad ng babae sa misteryong alamat. Sa sandaling ang unang pahina ay mabuksan magsisimula ang alamat at mabibigyang buhay ang bawat tauhan."

Matapos basahin ni Julie ng malakas ay nagkatinginan sila ni Mia na halos hindi alam ang ibig sabihin ng kanilang nabasa. Biglang nabalutan ng asul na liwanag ang libro at hinigop ang dalawang magkaibigan papasok sa loob ng libro.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon