" Sana ay ligtas silang lahat. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari isa man sa atin." pag alala ni Mia sa mga kasama.
" Ano kaba Hira Mia kaya nilang iligtas ang kanilang mga sarili dahil mga tagapagtanggol sila. Oh ayan, tuyo na ang ating kasuotan. Magbihis na tayo para hanapin na natin sila." sambit ni Neri sa mga kasama.
" Ngayon ko lang nakita ang pagiging isang lalaki mo Neri. Kay ganda mo palang lalaki. Bumagay sa iyo yang gupit mo." mariing sabi ni Mia habang nakatitig sa hubad na katawan ni Neri.
" Ano kaba Hira Mia, ngayon ko lang din kasi naramdaman maging isang lalaki muli kaya pinagupitan ko ang buhok." sagot naman ni Neri.
" Ang ibig sabihin ba nito Neri ay umiibig kana sa isang babae?" pabirong tanong ni Tome.
" Ganun na nga, at ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam tila ba nais ko siya maging asawa subalit hindi kami pwede dahil may iba na siyang iniibig. Naalala ko kasi sakanya ang tunay na Neri ang aking nakababatang kapatid na babae." paliwanag ni Neri.
" Talaga ba may kapatid kang babae? anong ng nangyari sakanya? sa tagal ko na sa palasyo ay hindi ko pa siya nakikita." tanong ni Tome.
" Matagal na siyang wala. Kaya namuhay ako bilang siya. Siya talaga si Neri at ang tunay kong pangalan ay Selyo" sagot ni Neri.
Dito na nagkwento si Neri tungkol sa kanyang tunay na pagkatao bilang si Selyo. Hindi niya napigilan tumulo ang kanyang mga luha habang nagkukwento dahil naalala na naman niya ang kanyang pinakamamahal na kapatid na si Neri.
Ang tunay na Neri ay ang nakababatang kapatid ni Selyo at isang taon lamang ang agwat ng kanilang edad. Dahil sa isang taon lamang ang tanda ni Selyo kay Neri ay madalas silang napagkakamalang kambal. Si Neri lamang ang nag iisang kapatid ni Selyo kaya labis ang pagmamahal niya rito. Mahinhin at magandang babae si Neri, pangarap niyang maging isang mayordoma sa palasyo kung saan nais niyang pakasalan ang hari ng Adaro. Sa hindi inaasahan ay naaksidente si Neri sa paglalaro nito sa daan. Nabangga siya ng karwahe habang pilit niyang sinusundan ang isang paroparo. Ginawa lahat ni Selyo upang sagapin ang wala ng buhay pang si Neri. Wala na siyang nagawa pa kahit mabilis niya itong naisugod sa pagamutan dahil napuruhan ito sa ulo. Humagulhol na lamang siya habang yakap yakap ang walang buhay na kapatid.
Magmula noon ay tinupad ni Selyo ang pangarap ng kanyang kapatid. Sinuot niyang lahat ang damit ni Neri at ginaya ang postura, kaanyuhan at kilos nito. Namuhay si Selyo bilang si Neri upang makasama parin niya ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Walang nakapansin dito dahil magkamuka lamang sila at si Selyo ay tuluyan ng namatay sa isipan ng mga tao.
" Kung gayon ikaw pala si Selyo. Patawarin mo kami at napaalala pa namin ang malungkot na pangyayari na yon." malungkot na sabi ni Tome habang si Mia naman ay gulat at malungkot sa mga narinig.
" Ano ba kayo wala yun, masaya na rin ako kasi natupad ko ang pangarap ng kapatid ko kaya Neri nalang ang itawag niyo sakin kasi nasanay na rin akong tawagin sa pangalan ng kapatid ko." paliwanag ni Neri.
Matapos magbihis ay agad na lumipad at umalis ang tatlo mula sa kweba. Mabilis naman nila nahanap ang barko ng mga kasama subalit ito ay nasa dalampasigan na sa kuta ng mga pirata.
" Nakadaong na sila sa kuta ng mga Pirata. Sana naman ay ligtas silang lahat." pag aalala ni Mia sa mga kasama habang pababa sila sa kuta sa pagkakalipad ni Neri sa kanila ni Tome.
Pumunta ang tatlo sa isang kainan kung saan maraming pirata ang nakatambay.
" Maaari po bang magtanong. Nakita po ba ninyo ang limang kalalakihan at ang isa ay bata na napadaan dito?" tanong ni Tome sa mga pirata.
" Ang pagsagot ko ay ang kapalit ng puri ng dalawang babae na kasama mo. Wala pang babae ang nakalalabas sa silid na ito na hindi namin nagagalaw." maangas na sabi ng isang tulisan.
Nagalit si Tome sa kanyang mga narinig kaya mabilis na pinaalis niya sina Mia at Neri at galit na pinagbubogbog ang lahat ng pirata na nasa loob ng kainan.
" Ano nang sabi mo ulit? sasagot kaba sa tanong ko o babasagin ko yang mukha mo?" pagbabanta ni Tome sa piratang bugbog sarado.
" Oo na isang tulisan ang kanilang kasama kaya mabilis silang nakadaan dito. Sa pagkakaalam ko ay patungo sila sa baybayin ng mga maninisid." nanginginig sa takot na sabi ng pirata.
Nang malaman nito ni Tome ay agad itong lumabas sa kainan subalit wala roon sila Mia at Neri. Sa kanyang paglalakad ay agad niyang nakita si Mia na takot na takot sa mga pirata.
" Hira Mia, buti ay nakita agad kita. Nasan na si Neri?" tanong agad ni Tome kay Mia.
" Hindi ko alam pag labas ng kainan ay sinugod kami ng mga pirata at kami ay nagkahiwalay." mariing paliwanang ni Mia.
" Ganun ba? buti na lamang ay walang nangyari sayo. Halika kana hanapin na natin si Neri." sambit ni Tome at agad hinila si Mia papalayo sa mga pirata.
" Napapagod na ako. Maaari ba muna tayong magpahinga saglit." pagmamakaawa ni Mia habang malanding nakatingin kay Tome.
" Sige Hira Mia, maupo muna tayo dito sa silong." sagot naman ni Tome.
" Minsan ba Tome hindi ka naakit sa kagandahan ko?" malanding sabi ni Mia sabay halik sa labi ni Tome.
" Hira Mia, ano bang sinasabi mo? magmula nung una kita makita ay sa kagandahan mo lamang ako naakit." paliwanag ni Tome habang nagtataka dahil ilang araw na siyang iniiwasan ni Mia subalit sa pagkakataon na yun ay naging malandi at malambing ito.
" Kung gayon ay patunayan mo sakin ang pag ibig mo." pang aakit ni Mia sabay halik ulit ng mainit sa labi ni Tome.
Hindi na nakapagpigil pa si Tome at silang dalawa ay nagpalitan ng mainit na halik.
Sa pagkakataon na iyon ay biglang dumating sina Mia at Neri na hindi napansin ni Tome dahil ito ay nakatalikod sakanila. Habang ang kahalikan ni Tome ay biglang nagbago ang wangis. Naging isang napakagandang babae ito at hindi napansin ni Tome ang pagbabago nito dahil sa pag aakalang si Mia ito at nadala siya sa mga halik nito.
" Tome?" mahinang sambit ni Mia habang natigil ang paghahalikan ng dalawa.
" Mia?" gulat na gulat na sabi ni Tome ng mapalingon si Tome at makita si Mia na kasama si Neri sa kanyang likuran matapos mapatigil sa pakikipaghalikan sa inakala niyang si Mia.
Agad tinignan ni Tome ang kahalikan niyang babae at gulat na gulat siya dahil ibang babae at hindi si Mia ang kanyang hinahalikan. Si Mia naman ay tumakbo palayo habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...